Enzo said that he will be busy today for constant meeting. But I was so bored and thought of just hang out to his office. Kung alam niyang nasa opisina niya ako hindi niya ako pag-iisipan ng masama.
Ayokong istorbohin si Cole dahil marami silang ginagawa ngayong araw. I just texted him that I'm going home early so he won't have to rush what he was doing. Baka maapektuhan pa ang pag-aaral niya dahil sa kagustuhan na samahan ako.
Maganda ang panahon pagkalabas ko ng sasakyan. Nagpahatid ako sa driver at balak sana ay sa parking lot na bumaba, naalala ko lang na hindi nga pala ako kilala ng guard sa parking lot dahil sa lobby lang ako bumaba noong nakaraang nag-sabay kaming kumain ni Enzo.
Nagsisi akong hindi muna naisipan magpalit ng damit. Nakasuot pa ng uniform na pumasok ako sa building. May iilan ilan tuloy ang kuryusong napapatingin sa akin.
"Good afternoon Ms. Alfonso. You can go straight to Mr. Adler's office," I was about to greet the woman in the reception desk but before I open my mouth she already pointed the elevator.
Napangiti ako sa babae at ganoon rin siya. Pagkapasok sa elevator ay napatitig ako sa repleksyon sa salamin. I was look like a lost student. My school uniform were obviously out of place with their coats and formal dresses. Marami akong kasabay sa elevator, ang dalawang babae ay natigil pa sa pag-uusap at napatingin sa akin. They are clearly confuse with my uniforms.
Noong unang nagpunta ako rito'y sinundo ako ni Enzo sa ibaba at ibinilin sa babaeng nagturo ng elevator na padiretsyuhin ako sa opisina niya kung sakaling bumalik ako. Maybe she remembered me so when I entered the glass door she was already waiting for me to approach her.
"They are father and son,"
"Really? He's Mr. Adler's father?"
"Oo, pareho silang Adler. Hindi mo ba narinig sa presentation kanina?"
"Talaga? Bakit parang estranghero ang turing nila sa isa't isa? Nagpapalitan pa sila ng opinyon kanina at kulang nalang mag-debate na,"
"Tama ka, kinabahan ako. Akala ko mag-aaway sila,"
Inayos ko ang salamin sa narinig na usapan ng mga kasama sa elevator. They were clearly talking about Enzo. Naka-corporate attire ang dalawang babae na nag-uusap at tingin ko'y empleyado rito.
"Saang floor ka bata?" Nalipat ang tingin ko sa elevator girl.
Mapanuri nitong pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Ako yata ang tinatanong. Sa ibang elevator kami sumakay noon kaya hindi kataka-taka na ngayon lang ako nito nakita. Nagsalubong ang kilay ko sa ginamit niyang pantawag sa akin. Mas matanda siya pero hindi niya ako kailangang tawagin na bata, hindi ako batang limang taon at dalagang kinse anyos na.
"Top floor po," magalang na sagot ko kahit hindi ko nagustuhan ang tinawag niya sa akin kanina.
"Top floor?" Tumaas ang kilay nito at muling pinadaanan ng tingin ang ayos ko.
I wanted to roll my eyes so bad when I saw malice through her eyes. Natigil ulit sa pag-uusap ang mga babae na kasama ko. Nakatingin sa repleksyon ko.
"Top floor. Sa pinakamataas na floor," mas klarong ulit ko.
Medyo naiilang at naiinis na sa paninitig nila. Ano bang mayroon sa uniform na kailangan titigan? Do they think I cutting class?
"Bata pala ang tipo niya?" Narinig kong bulong ng isang babae.
Nagbubulungan pero naririnig naman. Don't they know how to properly whisper?
"Estudyante pa-"
Nilingon ko sila sa likod at walang emosyon na tinitigan. Nag-iwas sila ng tingin pero nahuli ko ang malisya sa mga mata. Naibalik ko lang sa harapan ang tingin sa pagtunog ng elevator. Bumukas iyon at mayroong pumasok. Napatingin nanaman sa suot ko!
I can't help but to rolled my eyes this time. Are they from the outer space? Haven't they seen a student in a big company yet? From the way they look at me they maybe think I am one of Enzo's girl!
Nagbuga ako ng hangin at humakbang palabas kahit hindi dito ang floor ko, sa kabila nalang ako sasakay o kaya ay tatawagan ko si Enzo para sunduin ako.
I bit my lower lip when I realized he might have a meeting right now and I have no choice but to go up alone.
Pumasok ako sa nakitang nakabukas na exit, naisip na maari kong akyatin papunta sa top floor. This building has twenty five floors. I saw the floor number on the elevator screen and it says I am on the twentieth floor. I don't think the five floors will hurt my limbs if I will try to climb up the stairs.
I went inside the exit and tried to close the door, but I heard voices before I entirely close the door. Nabitin ang kamay ko sa pagsara. At first I thought it was a couple making out. Kung hindi ko narinig ang pamilyar na boses ay baka binaliwala ko na iyon para makaakyat.
"What right do you have to lecture me?!"
"I am still your father-"
"You were! Since you left us for your woman I no longer consider you as my father!"
Napatakip ako sa mga labi nang makarinig ng kalabog sa pader. Humakbang ako ng dalawang beses bago lumitaw sa tanaw ko si Enzo na natatakpan ng hagdan kanina. Ang likod niya ay mariing nakasandal sa pader, ang lalaking kausap ay mahigpit ang hawak sa kwelyo ng kanyang damit, nakataas ang isang kamao at nakahanda nang saktan si Enzo.
"Sige ituloy mo! Saktan mo ako! Diyan ka magaling, hindi ba? Ang manakit ng ibang tao?!"
Nakaangat ang gilid ng labi ni Enzo para sa mapang-insultong ngisi. Nanginginig ang nakataas na kamao ng kausap niya at hindi maituloy tuloy ang pag-suntok sa kanya.
"You have the courage to go against me now? We're just the same! Someday you will be like me-"
"I will never be like you! If I get married I will not look for another woman just because I have needs as a man! I will respect my wife and the vow we exchanged in front of the altar!"
Binitawan siya ng kausap niya at tinawanan. Nanlilisik at namumula ang mga mata ni Enzo na nakatingin sa Papa niya. Nakasara ng mabuti ang mga kamao at nasa itsura na nagpipigil saktan ang kaharap. Ibang-iba siya ngayon sa Enzo na kakilala ko.
"You were saying that because you are not married! Kapag nagsawa ka o nagkaroon ng pagkukulang ang asawa mo gagawin mo rin ang ginawa ko-"
"If I am not ready to be with only one woman I will not get married! I could just get laid anywhere without marrying someone or I should get a divorce before committing to another woman! Hindi ako tutulad sayo na hahanapin sa ibang babae ang pagkukulang ng asawa niya!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Alam kong hindì ko dapat ito pinapakinggan pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para umalis.
"Kasalanan ng Mama mo-
"May dahilan siya! She's sick! And what did you do? You left us even you knew she's having a hard time! At wag mong isisi sa pagkukulang ng iba ang pagkakamali mo! Hindi kasalanan ni Mama kung hindi ka marunong makuntento!" Hinihingal si Enzo sa kakasigaw. Galit na galit ang anyo niya, galit para sa sarili niyang Ama.
Nakatitig lang ang Ama niya sa kanya. Parehas matalim ang tingin sa isa't isa. Kapwa namumula at may galit sa mga mata.
"If you wanted to enter different holes you shouldn't marry Mama-"
"Iniwan ko sa inyo ang kompanya! Ano pa ang gusto niyo?" Pinutol nito ang sasabihin niya. Para bang gusto na nitong tapusin ang pag-uusap nila.
"Your money isn't enough! Gusto ko na lumayo ka sa amin ni Mama at wag ka nang lalapit! You are not my father anymore! You are not her husband anymore! If you want this damn company then take it! We can live anyway without using your company's money!"
Humakbang palapit sa kanya ang Papa niya at muli siyang kinuwelyuhan. Hindi natinag si Enzo, hindi siya gumalaw at ni hindi sinubukang alisin ang kamay ng Papa niya. Nagpapalitan ng masamang tingin at alam mong walang kahit sino sa kanila ang magpapatalo. Magulo ang buhok ni Enzo at basa ng pawis. Nanatiling nasa magkabilang gilid ang mga kamay, walang balak na hawakan ang Ama.
"Ang lakas ng loob mong sumbatan ako! Tandaan mong kung hindi dahil sa akin wala ka sa mundong ito! Pull yourself together and don't mix feelings and business, Lorenzo!" Sigaw nito at padarag siyang binitawan.
Sarkastiskong tumawa si Enzo at umiling. Nanatiling nakasandal sa pader kahit binitawan na siya ng Papa niya. Walang pag-galang sa mata at animo'y estranghero ang kaharap.
"I don't have to mix my feelings because for me you are just a damn pure business," malamig na tugon niya.
Tumayo siya ng maayos at nakangising pinagpag ang damit. Para bang nadumihan iyon dahil sa pag-hawak ng Ama niya.
Humakbang ng isang beses palapit ang Papa niya nang talikuran siya ni Enzo. Nanatiling matigas ang anyo niya nang muling lingunin ang Ama para mag-iwan ng huling salita.
"Don't use someone's failure just because you are not satisfied. She failed to give your needs but you failed to be her husband," He said coldly then left.
Marahan ang ginawa kong pagtago ng sarili sa itaas na hagdan. Nasa ibaba sila at doon nagtatalo habang pinapanuod ko sila rito mula sa itaas. Nagpalipas pa ng ilang minuto ang Papa ni Enzo doon, mukhang nag-iisip at panay ang malalim na buntong hininga. Hindi ko na iyon hinintay na umalis at napiping lumabas ng exit.
I was shocked knowing that he has a problem. Hindi niya ipinapakita. Hindi niya sinasabi. He masked himself well. You'll think he's fine even if he's not.
Nakahanap ako ng elevator na walang laman at nagtungo sa floor ng opisina niya kahit hindi sigurado kung narito pa ba siya o umuwi na pagkatapos ng pagtatalo nila.
Pagkarating ko sa tamang palapag ay kusa nang itinuro ng sekretarya niya ang pinto ng opisina niya at pinapasok ako.
Walang tao, tahimik at nakakaantok. Kung hindi ko napansin ang nakaupo sa nakatalikod na swivel chair ay aakalain kong umuwi na siya. Ayon sa repleksyon niya sa salaming bintana ay mayroon siyang hawak na ballpen sa kamay, pinaglalaruan iyon at tulala, nakatanaw sa kalakhan ng kamaynilaan.
"Enzo!" Masayang bati ko, itinago ang narinig kanina.
Mabilis niyang pina-ikot ang upuan para harapin ako. Gulat ang reaksyon niya at hindi inasahan ang pagpunta ko.
"Kain tayo?!" Tinaas ko ang hawak na pagkain.
Napangiti siya at pinanliitan ako ng mga mata dahil sa walang paalam na pag-punta ko.
"Sakto gutom na ako!" Masigla at malaki ang ngisi niya nang tumayo at sinalubong ako.
Nakaramdam ako ng kakulangan. Sa narinig kong sigawan nila nag-iba ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko may mali sa pagiging sobrang saya niya. He might covering his real feelings with his playfulness. Just maybe, the most happy person is the most sad too.
"Sa labas ko lang ito binili ha? Hindi ako nakapagluto!" Tumawa ako para pagaanin ang loob. I heard too much and I don't want to be sad in front of him.
Isa-isa kong inalis ang mga gamit sa lamesa niya para palitan ng pagkain. Nang maiayos ko iyon ay nag-angat ako ng tingin at nahuling nakatitig siya. Nakangiti at walang bakas ng galit sa mga mata. Ibinalik ko ang ngiti niya at humila ng upuan para tumabi sa kanya.
Habang kumakain kami at masaya siyang nakikipag-usap ay natanto kong mas gusto ko ang ganitong Enzo. Ayokong makitang may sakit at galit sa mga mata niya. Pakiramdam ko responsibilidad kong pawiin ang lungkot niya dahil ako ang pumilit sa kanya na magtrabaho rito dahil wala akong alam na may problema sila ng tatay niya.