Masiyado akong nabahala sa isang beses na nakita kong gano'n siya. I don't want to see him like that again. Pained and lonely.
Sabay kaming umuwi at nagpasya akong dito na rin matulog sa kanila. Sinalubong siya ni Tita at tingin ko'y alam ang naging pagtatalo nilang mag-ama.
Halata ang pagdadalawang isip ni Tita na magsalita. Tinignan niya ang anak at muling tumingin sa akin.
"Uh.." I glance at Enzo when his expression became cold in front of his mother. My eyes went back to Tita. "May pag-uusapan po ba kayo? Pwede po akong umuwi muna,"
Umatras ako at balak na sanang umalis kahit wala pa ang sagot ni Tita. Ngunit napabalik ako sa pagpigil ni Enzo sa aking pulso. Nasa akin na ang tingin niya nang lingunin ko.
"Wait me in my room. We will just talk in the study room," he instructed, almost emotionless.
Umawang ang labi ko at napatanga. Nag-iisip kung mananatili ba o uuwi.
"I will.. just stay in my room. You can just knock on my door-"
"In my room," he cutted me off as he insisted.
Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago nagawang tumango at maliit na ngumiti. Hindi na nakipagtalo dahil nauudlot ang pag-uusap nila ng Mama niya.
"Okay, I'll wait you," I smiled.
Inalis niya ang pagkakahawak sa pulso ko at tumalikod. Nauna nang umakyat sa hagdan para magtungo kung saan sila mag-uusap ng Mama niya. Pumikit ako at tumingala pagkatapos maiwan sa sala. Walang katulong na pwedeng makausap kaya't wala akong pagpipilian kundi sundin ang sinabi niyang hintayin ko siya sa kanyang kwarto.
Walang pagmamadali akong umakyat sa bawat baitang. Pinapasadahan ng aking mga daliri ang rehas na nasa gilid ng hagdan. Hindi mapigilang lumipad ng isip ko papunta sa study room. I am interested to know more about Enzo's problem, maybe I can comfort him better if I know what happened.
Bagsak balikat akong nagbuntong hininga nang makaapak sa huling baitang. Mauuna ang kwarto ni Enzo bago ang study room kaya't hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilagpasan iyon. Isang beses ko lang na nilingon ang pinto ng kwarto niya at nag-diretso sa paglalakad papunta sa study room.
My mind protests but my own curiosity won. Tumigil ako sa pinto ng study room. Kung nasa kwarto ako ay hindi ko maririnig ang pinag-uusapan nila mula rito. Subalit kung narito sa labas ay hindi ko na kailangang buksan ang pinto para marinig sila. They were not talking in whisper but instead they were talking with their loud voices. Loud enough for me to hear them from outside.
"He provoked me first, Mama! He came to that meeting with his woman! Hindi ka na niya nirespeto kahit alam niya na nasa kompanya ka! Do you expect me to ignore that, Mama? He did not just disrespecting you but me too!"
"That's his company. May karapatan siya kung sino ang gusto niyang papasukin doon. You two shouldn't fight. He's still your father, Enzo," kalmado ang boses ni Tita, kabaligtaran ng dismayadong boses ng Anak.
"Alam mong matagal na akong tapos sa kanya! You were sick! You had cancer! Pero mas pinili niyang umalis dahil takot siyang mag-alaga! He was there when he was happy but when it hurt he left!"
"I'm fine now so you should forget that-"
"Is that so? You healed but what if you got worse? Is that still invalid for me to be angry with him?" He sounds very upset and frustrated.
"Umalis siya dahil hindi niya ako kayang makita na nahihirapan-"
"He seen you hurt and in pain! He's a coward and stupid to left you with your worst state! Ginawa niya lang dahilan ang sakit mo para umalis! If he's telling the truth then why he's with another woman?! Umalis siya kung kailan mas kailangan mo siya! Walang ibang dahilan para sa pag-alis niya kundi ang pagiging duwag niya!"
Kinagat ko ang aking daliri at sumandal sa gilid ng pinto. Kahit wala ako sa loob parang nakikita ko si Enzo na namumula ang mga mata at bigong bigo na nagpapaliwanag sa Mama niya.
"Give him back his company, Mama! I can provide for you! I am your son so let me take care of you! We don't need his company! We don't need anything from him!"
"I can't let go of the company, Enzo,"
"Why?!"
"That's our company, Phoenix Lorenzo. Me and your father both work hard for that. Hindi ko pwedeng ibalik iyon sa kanya dahil pareho namin 'yong pinaghirapan na palaguin. Ikaw ang magmamana niyon at hindi ang anak ng kabit niya," matigas ang boses ni Tita sa huling salitang binanggit.
"I don't need any cent from him Mama. Hindi ko tatanggapin iyon-"
Napatayo ako ng maayos at nanlalaki ang mga matang napatitig sa pinto. Sinampal siya ni Tita. Rinig na rinig ko ang pagtama ng palad nito at ang pagkakatigil sa pagsasalita ni Enzo. Nag-init ang magkabilang mata ko kahit hindi naman ako ang tinamaan ng palad ni Tita. Nasasaktan ako para kay Enzo.
I don't know the whole story but I know he only wants to protect his mother from more pain. Mali ang inipon niyang galit para sa Papa niya, pero naiintindihan ko dahil may dahilan siya. Matamlay akong umalis roon at nagtungo sa kwarto ni Enzo.
Nahiga ako sa kama niya at pumikit. Dahil na rin siguro sa awang naramdaman kay Enzo'y hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako na nakaunan na si Enzo sa tiyan ko, tulog at malalim ang paghinga.
Hindi ko na sinubukan na tumayo, inangat ko lang ang isang kamay at hinaplos ang kanyang buhok. Ang suot kong salamin kanina bago makatulog ay naroon na sa side table at mukhang hinubad niya sa akin upang makumportable ako.
His long lashes were touching his cheeks. He moved slightly when I gently comb his hair with my fingers. Lalo niyang ibinaon ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking tiyan na parang humahanap ng kalinga mula sa init na nagmumula roon.
Nakatulog ulit ako habang sinusuklay ang buhok niya. Nagising ako na wala na siya sa kwarto. Nakatihaya ang pwesto ko nang unang magising at makitang nakaunan siya. Ngayon ay nakatagilid na ako at mayroong yakap na unan.
The first thing I check was the time when I woke up. Mayroong maliit na orasan si Enzo sa ibabaw ng side table niya. It was a character clock, a cute smart white rabbit in alice in wonderland. Each time he sets time it will shout 'Oh dear! Oh dear!' to wake him up. I giggled and yawned before I got off the bed. I remember that I gave him that as a gift last year.
Natawa ulit ako nang maisip na talaga palang ginamit niya. Nasira ng isang cute na orasan ang panlalaking ayos sa buong kwarto niya. Ibinigay ko sa kanya iyan para sana pang-asar. Pang-toddler ang alarm clock na iyon at dahil isip bata siya ay siya ang una kong naisip pagkakita rito sa isang shop sa malaking mall.
And rabbits also symbolize many aspects of life. It makes no difference to Enzo because he's sexually active. It's hard to admit but he's also charming and witty like a rabbit. It was also a sign of luck and success.
I went to my room. Took a shower and put on my uniform. Nagmistula itong sarili kong bahay. Lahat ng gamit ko na mayroon sa bahay namin ay mayroon din dito.
"Kumain ka muna," ngiti ni Tita Graciela.
Wala si Enzo sa dining. Hindi na ako nagtanong dahil matamlay ang boses ni Tita Graciela kahit nakangiti. Kung hindi ko alam ang naging pinagtalunan nila magtataka ako ngunit dahil alam ko'y hindi ko na magawang magtanong.
Pagkalabas nakaabang na si Enzo sa tabi ng sasakyan niya. Tahimik siya hanggang sa makapasok ako at makababa pagdating sa school. Nakalabas na ako sa sasakyan nakatingin pa rin siya sa akin. Naghubad siya ng seatbelt at umambang pababa rin.
"Ihahatid kita sa loob,"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa madalas paghintayan ni Cole. Naroon na ito at naghihintay nalang sa paglapit ko.
"Bakit? May trabaho ka pa Enzo!"
Gusto ko siyang pigilan na bumaba pero naisara na niya ang pinto sa tabi niya. Umikot siya para malapitan ako. He's already wearing his office clothes. He was ready to go to work so I never thought he would accompany me today inside school.
"May oras pa ako. Ihahatid muna kita sa klase mo," saad niya at inunahan ako sa paglalakad.
Kabado akong sumunod sakanya nang magpatiuna siya. Habang papalapit kay Cole lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ia-approach si Cole ngayong narito si Enzo.
Napansin niya yata ang pag-aalangan kong pumantay sa lakad niya. Muli niya akong nilingon at nahuling nasa direksyon ni Cole ang mga mata ko. Nagsalubong ang kilay niya at sinundan ng tingin ang tinitignan ko.
Seryosong nakatayo si Cole. Nakababa sa magkabilang gilid ang mga kamay at ang isa ay may hawak na libro. Wala siyang dalang gitara, itim na bag lang ang nakasabit ngayon sa kanyang kanang balikat.
"Ikaw ba ang hinihintay niyan?" Malamig na tanong niya.
Nahirapan akong lumunok at ilang beses na napakurap ang mga mata dahil sa palagay ko'y may ibang kahulugan ang tanong niya. Umangat ang kamay ko para haplusin ang balikat paakyat sa batok. Hindi ko alam kung mapapaniwala ko siya pero sinubukan ko pa rin magpaliwanag.
"Nag-aayos kami ng hardin, 'di ba? May usapan kami ngayon,"
Pinanliitan niya ako ng mata. Painosente kong inayos ang salamin at sumimangot nang magtagal ang titig niya.
"Siguraduhin mong wala kang ginagawang kalokohan, Eia Felicity.."
"Wala ah!" Sumobra yata ang pagiging defensive sa boses ko kaya't mas dumiin ang titig niya.
"Just make sure, Fel." He warned me with his doubtful stares.
Tumango ako at nilagpasan siya. Papasunod na siya sa akin para pumasok sa loob ng school. Naawat lang ang hakbang niya sa pagtunog ng telepono na nasa kanyang bulsa. Hindi niya iyon sinagot, inangat lang para makita kung sino ang tumawag.
"I'll take you to your room then I'll leave," he put his phone back in his pocket and pulled me by the wrist.
Hatak niya ako kaya't hindi ako makatigil para kausapin si Cole. Nalagpasan na namin siya nang muli kong lingunin. Nakatingin siya sa kamay ni Enzo na nasa pulso ko.
"Why does he have to wait for you there?"
"May usapan nga kami, Enzo!"
I pressed my lips tigthly when his eyes went to me and glared at me darkly.
"I just haven't been here for a few days and there's already someone else waiting for you in the parking lot?"
I scowled at him. I know what he means. Iniisip niyang hindi ito ang unang beses na ginawa ni Cole iyon. Totoo naman pero wala akong balak na aminin iyon sa kanya ngayon.
Pagkatigil namin sa tapat ng classroom pinagtinginan kaagad siya ng mga kaklase ko. They were younger than him but I know that all girls in this school were admiring him. I don't know what is special about him that the women here almost throw themselves into Enzo.
"Eia," deep but soft voice called my name, it was Cole.
Namutla ako at napigil ang paghinga sa ginawang pagtabi ni Cole kay Enzo. Sabay nila akong pinanuod na nakatayo sa pinto ng classroom. Kunot noong nilingon siya ni Enzo. Malambing ang tingin sa akin ni Cole noong una ngunit nang lingunin niya si Enzo ay naging seryoso ang mga mata niya.
Enzo's eyes were cold and confuse while Cole's were serious and unfriendly. The two of them stared to each other as if they were having a staring contest. The sighs and shrieked of the girls were completely ignored.
Pinapanuod na sila ng mga babae na nakatanaw sa bintana. Nagbubulungan at hindi na nagawang itago ang kilig para sa dalawang lalaki na nasa labas ng kwarto. Samantalang ako ay nanigas na sa kinatatayuan at halos mawalan na ng dugo sa buong katawan.