The sound of Enzo's phone interupted their intense like staring contest. Sinagot ni Enzo iyon at hindi maganda ang timpla na inilipat ang tingin sa akin. Kung wala siyang trabaho ay hindi ako nito titigilan hanggang sa hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot.
He turned to Cole after the call. Nakagat ko ang ibabang labi sa masama nitong tingin sa huli.
"Back off.." I gasped and my eyes widen a bit when he pushed Cole to the side.
Malawak ang daan ngunit napili niyang itulak si Cole para doon siya dumaan kung saan ito nakatayo. Naibaba ko ang tingin sa muli niyang pagbaling sa akin.
"We will talk later," he told me then sharply looked at Cole again. I sighed then pouted while looking at Enzo's back as he left.
Nahihiya kong nilingon si Cole. Gulat sa pagtulak at kunot noong nakatingin din sa likod ni Enzo. Sa tingin ko'y gusto niyang umangal sa pagtulak na ginawa nito subalit ayaw na niyang palakihin lalo pa't kaibigan ko si Enzo.
"I'm sorry for that," I apologized to Cole in behalf of Enzo. He just smiled then nodded.
Enzo's really rude sometimes! He shouldn't have pushed Cole! Wala namang ginagawa ang tao para pakitunguhan niya ng masama.
Huminga ako ng malalim. Lalo akong nakaramdam ng guilt dahil sa mapag-pasensya niyang ngiti. Lumapit siya at mayroong kinuha sa loob ng bag. Nakangiti niyang inabot sa akin ang naka-pack na pagkain.
"Galing kay Mama.. uh.."
Natigil siya sa pagsasalita dahil sa sabay sabay na tukso sa amin ng mga kaklase ko sa nasaksihan nilang pag-abot ni Cole ng pagkain.
"Pinapabigay.." dagdag niya.
"Bakit siya nakilala ng Mama mo? Nadala mo na sa inyo?" Natawa at nakisali na rin ang mga lalaki.
"Galing ba talaga sa Mama mo Cole? Baka naman ikaw lang ang gustong magbigay?"
Naging bahaw ang ngiti niya dahil sa hiya. Pinigilan ko ring pamulahan ngunit hindi ko napigilan ang malaking ngiti. Sabay kaming natawa nang magkatinginan kami. Nagmamadali na siyang nagpaalam dahil sa lalong pag-ingay ng tukso nila pagkakuha ko sa inaabot niya.
Sa tuwing matatapos ang klase hindi maubos-ubos ang panunukso ng mga kaklase ko sa akin. Natatawa nalang ako at nasanay na rin sa mga ilang araw na ganito sila. Ang isa sa mga kaklase ko ay kaibigan pa ni Cole kaya't mas nangingibabaw ang panunukso nito sa tuwing sinusundo niya ako at naghihintay sa labas.
Hindi kami nagkausap nang araw na iyon ni Enzo. Gusto niyang dumaan sa bahay kahit gabi na, kaya lang ay nakatulog ako habang nagtitipa ng reply para sa kanya. Pagkagising ko lang nalaman sa katulong na dumating nga raw si Enzo, hindi na ako pinagising at pinasabi na bukas na kami mag-usap.
Maaga akong nagpahatid sa driver dahil na rin sa takot na maabutan ako ni Enzo sa bahay. Alam kong sinabi ko sa sarili na iko-comfort ko siya para gumaan ang pakiramdam niya mula sa pag-tatalo nila ng Ama niya, lalo pa ngayon na hindi sila magkaayos ni Tita Graciela. Kaya lang kailangan ko munang kumuha ng lakas ng loob kapag nagkausap kami. Kailangan kong mag-isip ng maayos na salita para mapa-payag siyang wag akong isumbong kay Daddy.
Sa pangalawang araw ng pag-iwas ko ay tawag na siya ng tawag. Ingat na ingat ako sa pagkuha ng phone sa tuwing tumutunog iyon dahil sa takot na aksidente ko iyon masagot.
"It can wait Felicity. Sagutin mo muna," napansin pala ng doctor ko ang panay tunog ng telepono ko.
Umiling ako at inignora ang tawag. Kausap ko ang doctor kahapon at nagpa-schedule ngayong araw sa pagtanggal ng braces ko.
Naging mas mabilis ang pagtanggal ng braces ko kaysa noong ikabit. My doctor advice me to have a retainer but I declined. Wala naman masiyadong inayos sa ngipin ko kaya tingin ko'y kahit hindi magpalagay ng retainer ay ayos lang.
I went straight to the coffee shop after my doctor's schedule. Napag-usapan namin ni Cole na dito nalang magkita. Gusto niya sana akong samahan sa clinic na mabilis kong tinanggihan dahil nakakahiyang paghintayin siya.
Nasa kabilang kalsada palang ako at patawid ay napatayo na siya pagkakita sa akin sa salamin na pinto ng coffee shop. Lakad takbo niya akong sinalubong para mapagbuksan ng pinto. Natawa ako sa ginawa niya kaya nagulat siya. Doon ko lang natanto na wala na pala ang braces ko kaya siguro siya napatitig at nanibago.
"Wow!"
Natawa ulit ako, napapailing sa reaksyon niya. Sabay kaming nagtungo sa upuan na naka-kalat sa lamesa ang mga notes at libro.
Magkatapat kami ng upuan at nag-aaral sa tuwing mag-aangat nga lang ako ng tingin sa kanya'y nahuhuli kong nakatitig siya sa labi ko habang binabasa ko ng mahina ang nakasulat sa libro.
Pinuri niya na mas bagay sa akin ang walang suot na braces at lalong lumitaw ang magandang hugis ng aking labi. Kaonting pag-uusap ay naging seryoso rin siya maya maya. Tahimik kaming sabay na nag-aaral, na-istorbo lang sa pagtunog ng telepono kong nasa ibabaw ng lamesa. Wala na sa libro ang atensyon namin kundi ay nasa pangalan na ni Enzo na naka-rehistro sa telepono. Sa mga nauna ay katulad ng ginagawa ko, iniignora ang tawag niya. Pero sa huli ay bumigay na ako at sinagot na iyon. Huminga muna ako ng malalim pagka-abot sa telepono bago ko sinagot.
"Enzo-"
"Where the hell are you?! Bakit iniiwasan mo ako? May tinatago ka ba?!"
Pumikit ako ng mariin sa malakas na sigaw niyang parang kaaway ang kausap.
"Enzo-"
"Don't call my name, Eia Felicity! Just answer my damn question! Where are you?!"
"Sa coffee shop-"
"Saang coffee shop? Sinong kasama mo diyan?" Pinuputol niya ako kada sagot ko.
"Group study.. Starbucks.. near school.." I sighed heavily after he said that he's coming before ended the call.
"I have to talk to him," I said to Cole then look at him.
"Are you going to tell him?"
"Hmm.. maybe?" I answered hesitatedly. I'm not sure if Enzo will understand, so I'm not sure if I will tell him.
Natatakot lang akong baka hindi niya ako pakinggan at isumbong ako kay daddy. Isa iyon sa rason kaya iniiwasan ko siya. Bukod sa magagalit si Enzo ay baka sabihin niya kay daddy. Masisira ko ang bakasyon ng magulang ko at maaaring madismaya dahil sa pagtatago ko.
Pagkatawag ni Enzo na malapit na siya tsaka ko palang napapayag na umalis si Cole. Salubong ang makapal na kilay ni Enzo pagkababa ng sasakyan. May pagtatampo at galit sa mata na pinagbuksan ako ng pinto. Pagka-ikot niya sa driver seat ganoon parin ang ayos niya.
"Sa bahay niyo ba tayo?" Marahan na tanong ko. Sinusubukan kunin ang mood niya.
Salubong ang kilay niya mula nang sunduin ako sa coffee shop hanggang ngayon. Tahimik kahit alam kong maraming gustong itanong.
"Nasa bahay niyo ba si Tita?" Nakatitig ako sa kanya naghihintay ng reaksyon.
Mahigpit ang hawak niya sa manibela at matigas ang hindi nagbabagong ekspresyon.
"Galing kang trabaho?"
Saglit niya akong nilingon habang nagsasalita ako. Nasa kalsada na ulit ang mga mata niya pero mas tumindi ang pagsalubong ng kilay.
Galit niya akong binalingan nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light at mga tumatawid.
"Uuwi ako kaagad ha? Kahit hindi mo na ako ihatid-"
Naiwang nakaawang ang labi ko at hindi tuluyang naisara nang pisilin niya ang magkabilang pisngi ko para matitigan ang nakalitaw kong ngipin.
"Anong nangyari sa ngipin mo?!" Pagalit na tanong niya, lalong kumunot ang noo at tumalim ang tingin.
"Pinatanggal ko," sagot ko kahit medyo hirap magsalita dahil pisil pisil niya parin ang magkabilang pisngi ko.
Nag-tiim bagang siya at nanghuhuling tinitigan ako sa mga mata.
"Bakit pinatanggal mo? Sinong kasama mo sa coffee shop kanina?"
"Ako lang-"
"Anong kalokohan ang ginagawa mo ha?! Ang sabi mo nang tumawag ako may group study kayo tapos sasabihin mo ngayon na mag-isa ka lang?!"
Napakurap ako, nakalimutan kong tumawag siya kanina at nagtanong kung anong ginagawa ko sa coffee shop. Nabanggit kong group study na ang ibig sabihin ay isang grupo kaming nag-aaral doon.
Pinanliitan niya ako ng mga mata. Salubong ang kilay na nagbaba ng tingin papunta sa mga labi kong nanatiling nakaawang at bahagyang nakanguso. Nagtagal ang titig niya doon bago ako binitawan.
Hindi siya nagsasalita hanggang sa makarating kami sa kanila. Binati ako ni Tita at nagpatulong na magluto sa kusina. Si Enzo, tuluyang hinubad ang necktie niya. Naka-suit pa siya ng sunduin ako, tingin ko ay galing pa sa trabaho.
Naligo siya at nakabihis na ng kumportableng cotton shorts at v-neck shirts. Naupo siya sa hapag, malayo kung nasaan ako. Napatingin si Tita sa akin, nagtatanong ang mga mata kung ano ang nangyari dahil madalas ay magkatabi kami kapag kumakain.
Hindi niya matanong si Enzo at tingin ko'y hindi pa sila gaanong nagkaka-ayos dahil sa nangyaring pag-uusap nila sa study room noong nakaraan. Umiling ako, hindi ko alam kung paano kakausapin si Enzo lalo't parang nababalutan siya ng yelo sa lamig.
Nabahala ako sa katahimikan niya at malamig na pakikitungo. Hindi niya ako kinakausap hanggang sa bumalik siya sa kwarto niya.
"Puntahan mo na. Gising pa iyon kasi may tinatapos na trabaho,"
Nag-lagay ako sa platito ng cheesecake at tubig. Sinunod ko si Tita. Umakyat ako patungo sa kwarto niya dala ang cake at tubig na nasa tray.
"Enzo?" Mahinang tawag ko at kumatok sa kanyang pinto.
Wala akong narinig na sagot pero nakita ko sa ilalim ng pinto na pinatay niya ang ilaw sa kwarto.
"Enzo!" Mas malakas na tawag ko, mas nilakasan din ang katok.
Nangangawit na ako dahil may bitbit pa akong tray tapos ayaw akong pagbuksan! Sa sumunod na katok ko at hindi niya ako pagbuksan ay paulit ulit kong pinihit ang door knob niya. Alam kong gumagawa ng ingay iyon sa loob ng kwarto niya lalo pa at padabog kong ginagawa iyon.
Halos pumalakpak ang dalawang tenga ko sa kusang pag-ikot niyon mula sa loob. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan sa pang-itaas. Iniwas ko ang tingin doon at nakasimangot na sinipat ng tingin ang buhok niyang magulo at kung saan saan patungo.
"Ano ba?! Matutulog na ako-"
Tinulak ko siya sa dibdib at humakbang papasok sa loob ng kwarto niyang kasingdilim ng mga mata niyang galit pa rin sa akin hanggang ngayon. Inilapag ko ang dalang tray sa gilid ng office table niya. Nalaman ko kaagad na nagsisinungaling siya pagkakita sa bukas na laptop. Nagtatrabaho pa siya at hindi naman matutulog!
Sinarado niya ang laptop nang makitang doon ako nakatingin. Sumandal siya sa office table at naghalukipkip. Kitang kita ko ang pag-flex ng mga muscles sa kanyang braso. Nakasuot lang siya ng manipis na boxer shorts at halos hubo't hubad nang nasa harapan ko. Kahit sanay na akong makita ang katawan niya hindi ko pa rin mapigilan humanga.
He's body was lean but very ripped. Halatang pinaghirapan para maging ganito kaganda ang katawan. His perfectly shape stomach was spitting sexiness while he's leaning lazily on his office table as if he was posing in some nude magazine.
"What, Felicity? Are you here to lie again?" His brows were shot up.
Natauhan ako sa tanong niya. Nagawa ko siyang titigan sa mga mata kahit may kadiliman sa kanyang kwarto. Walang emosyon ang mga mata niyang hindi inaalis sa akin. Napalunok ako at bahagyang kinabahan dahil sa pagiging seryoso ng boses at titig niya.
"Sino ang kasama mo sa coffee shop?"
Umawang ang labi ko. Bumaba sa laptop na isinara niya kanina ang mga mata. Naguluhan ako kung paano ko sasabihin na si Cole ang kasama ko kanina. May balak na akong aminin ang tungkol sa panliligaw ni Cole kanina, umurong nga lang ang dila ko dahil sa hindi paring humuhupa na galit niya.
"Sino, Felicity?" Tumigas ang boses niya.
Lalo akong yumuko at kinagat ng mariin ang ibabang labi bago nasagot ang kanina pa niya tinatanong.
"Si Cole," tuluyan na akong hindi makatingin.
Napaayos siya ng tayo. Naibaba niya ang mga kamay na nakahalulipkip at humakbang palapit sa akin. Napasinghap ako sa pagdampi ng mainit na palad niya sa nilalamig kong braso. Napatingala ako at nakitang lalong nagalit ang kanyang mga mata.
"Bakit kayo magkasama?" Kalmado ngunit may diin. Pakiramdam ko kung mali ang isasagot ko'y pipilipitin niya ang braso ko.
Tinatagan ko ang loob para magawang makipagtitigan sa kanya. Halos hindi ako kumurap habang sumasagot.
"Nag-aral kami, Enzo-"
"Nag-aral?" Ulit niya, puno ng sarkasmo at pagdududa ang boses.
"Oo.. nag-aral.." gumalaw ang pilikmata ko at hindi na napigilan na kumurap.
Pinanliitan niya ako ng mga mata, sinusuri ang buong parte ng aking mukha. Iritado ang tingin sa suot kong salamin na para bang gusto niya iyong alisin para mas makita sa mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo kahit hindi talaga siya naniniwala.
Hindi ako nag-iwas ng tingin. Kahit titigan niya ako at hanapin kung nagsisinungaling ako'y wala siyang makikita dahil totoong nag-aral kami. Suminghap siya at binitawan ako na hindi pinuputol ang nagdududang titig sa akin.
"Let's see, Felicity, malalaman ko rin kung talagang nagsasabi ka ng totoo,"