Failed Seduction 17

2121 Words
Nagulat ako pagkababa sa sala na naroon si Enzo. Wala ang suit niya, necktie at dress shirt lang ang pang-itaas. Tahimik siyang tumayo at lumabas pagkakita sa pagbaba ko. Narito siya pagkatapos niyang magalit kagabi. Hindi niya naman siguro ako ihahatid kung hindi kami okay, 'di ba? Kahit hindi sigurado ay inisip ko nalang na wala na kaming problema at wala na rin siguro sa kanya na magkasama kami ni Cole kahapon. I was observing him while he's driving. He's quiet, and quiet isn't a normal thing to Enzo. Nasa kandungan ko ang backpack, pasulyap sulyap kay Enzo habang binubuksan iyon. "Here! Take it!" I said then gave him a piece of paper. Salubong ang kilay niyang pinagmasdan ang inabot ko. He glance at me before he took the paper. He confusely knotted his forehead after reading it. "Number ni Jennica. Nagka-usap kami kahapon at nakiusap na ibigay ko raw sayo-" Hindi ko natapos ang pagsasalita nang makitang tiim-bagang niyang nilukot iyon at itinapon sa katabi niyang bintana. "Bakit mo tinapon?" Sinundan ko ng tingin ang papel na tinangay ng hangin at nalagpasan na namin. "Kung gusto ko ng number nila ako ang kukuha," his voice sounds unwelcoming. He seems bitter and displeased. Alam ko kung bakit siya nagkakaganito at hindi pala ako sanay sa ganitong trato niya. Tinalo ng malamig na boses niya ang malamig na panahon. "Wala kang number nila?" "That's not necessary," his voice was still cold. "Well, that's necessarry for me. I don't want them bugging me just because they can't reach you!" I talked back, a bit hesitating because of his sudden cold treatment. Sinabi ko iyon dahil gusto ko siyang galitin at magpalitan kami ng salita. Mas normal kasi sa amin iyon kaysa ganito na tahimik siya. Kaya nga lang hindi na siya sumagot hanggang sa makarating kami sa school. I pouted after his car disappeared from my sight. I decided to go inside and just talk to him later. May usapan kaming magkikita ni Cole sa library kaya doon muna ako dumiretso bago sa unang klase ko. Ilang minuto lang kaming magkasama na nag-aral bago naghiwalay dahil sa magkaibang klase. He's one year ahead of me so I didn't expect him to be my classmate. Habang nasa eskwelahan hindi ko mapigilan na isipin si Enzo. I'm very bothered na kung wala si Cole ay siguro wala akong kakausapin at tulala lang ako. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa parking lot. Wala ang family car at mamaya pa rin matatapos ang huling klase ni Cole kaya't pumayag ako kay Enzo nang tumawag siya at sabihing susunduin ako. Akala ko'y kailangan ko pang kausapin si Enzo tungkol sa kaninang pagiging malamig niya, ngunit ngayong nakikita kong may kasama siyang babae ay tingin ko ayos na siya at hindi na kailangan pang pag-usapan iyon. Nakasandal ang babae sa sasakyan niya at ang kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng sasakyan para ikulong ang babae. I doubted if he really came here to pick me up or he came here with another reason. Because here he is now, kissing woman in the parking lot! When I got nearer I realized it was Jennica. He glance at me and I was so sure he saw me walking towards his car but as asshole he'd continued kissing her thoroughly. Umikot ang mga mata ko nang muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. Habang palapit ako'y mas lalo niyang hinila ang katawan ni Jennica palapit sa kanya. Narinig ko pa ang ungol ng babae at parang gustong ituloy ito sa ibang lugar. I made a fake cough when I'm already in front of them. Enzo's cold eyes directed on me. I thought he's back from playful and playboy Enzo but I think I'm wrong when he looked at me angrily. O baka naman galit siya dahil in-istorbo ko sila? "Hi, Felicity!" Jennica greeted me, but her face shouting dissapointment. Mukhang nabitin at alam na aalis na si Enzo dahil dumating ako. "Hi!" I said, she greeted me so as a respect I have to greet her back. "Uuwi na kayo?" Tanong niya sa akin at nilingon si Enzo na nakapamulsa at nasa akin na ang tingin. Malamang na hinihintay akong pumasok sa sasakyan. "Yup! Pero pwede naman bumalik si Enzo kung gusto niya!" Masayang tugon ko para lang mawala ang dismaya sa mukha niya. "Ah! Nabigay mo naman ang number ko sa kanya, 'di ba?" Nakangiti akong tumango. Sabay namin tinignan si Enzo. Nakatitig ito sa akin subalit nang lingunin ko siya'y ibinaling niya kay Jennica ang tingin. "I'll call you," he said then kiss the side of her lips. Jennica blushed and I pursed my lips when Enzo drifted his eyes on me. Matagal niya akong tinignan at sa huli ay nag-iwas ng tingin at malalim na huminga. Pumasok ako sa sasakyan. Pagkaayos ng seatbelt ko ay umikot siya papunta sa driver seat. "You memorized her number?" I asked when he started the car. Hindi ba't itinapon niya ang papel kung nasaan ang number ni Jennica? He didn't answer but I assume he memorized. Bakit niya sasabihin kay Jennica sa tatawag siya kung hindi niya alam ang number nito. I just stared at him a little longer because he's back to quite. Tahimik kami sa biyahe at nang hindi na ako makatiis ay tsaka palang ako nagsalita. Inangat ko ang likod mula sa sandalan ng sasakyan. Tinitigan ko siya at pinanliliitan ng mga mata. Isang beses niyang pinasadahan ang itsura ko at tahimik ulit na nagmaneho. "Anong problema mo? Tungkol pa rin ba sa coffee shop? Nag-aral nga kami ni Cole," Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko siya sa braso para makuha ang atensyon niya. Sinamaan niya ako ng tingin, muling ibinalik ang tingin sa kalsada habang inaalis ang kamay ko. "What's the problem, Enzo?!" Nakulong ang malakas na boses ko sa loob ng sasakyan. Tumigas ang anyo niya at tinusok ako ng masamang tingin. Iginilid niya ang sasakyan para itigil ang pagmamaneho at harapin ako. "Is that man already courting you, huh?! Why are you lying, Felicity?!" He spat, his eyes were bloodshot, very angry. Naitikom ko ang aking mga labi, ako naman ang natahimik dahil sa tanong niya. Mali yatang kinausap ko siya, dapat siguro hinayaan ko nalang siyang malamig. Marahan kong ibinalik ang likod sa sandalan ng upuan at lumipad sa labas ng bintana ang mata. "Sinabi ko na sayo dati na kahit anong gawin mo sa loob ng eskwelahan ay malalaman ko! Ano? Bakit tumahimik ka? Tinatanong mo kung anong problema, 'di ba?! Ayan sinagot ko na!" Halos mapatalon ako sa malakas na hampas niya sa maninela kasabay ng pagmumura. Bumilis ang paghinga ko at nag-init ang mga mata. Nakatuon ang aking mga mata sa bintana kaya't hindi niya ako nakikita. "Pinag-uusapan na kayo ng mga estudyante! Iyon ba ang gusto mo? They were talking about you having a relationship with that asshole! Kailan pa ito, Felicity? Kailan siya nanligaw sayo? Nanliligaw palang ba o kayo na?!" Tila kulog ang boses niya sa loob ng sasakyan. "Hindi pa kami.. nanliligaw palang," mahinang sagot ko, hindi makalingon sa kanya. "Hindi pa kayo?! Balak mo sagutin?! Bata ka pa Felicity! Anong alam mo sa pakikipag-relasyon?!" Hindi ako sumagot. "Ilan beses kitang tinanong, Fel. Bakit mo nagawang magsinungaling sa akin?! Kaya ba pinilit mo akong magtrabaho huh? Para maging abala ako at magkaroon kayo ng maraming oras?!" Puno ng sama ng loob ang boses niya. Pag-iling lang ang ginawa ko. Hindi makasagot. Bahagya akong tinamaan sa akusa niya, may kaonting parte kasi sa akin na iyon ang dahilan kaya ko siya pinilit na mag-trabaho pero mas malaking parte ang pakiusap ni Tita. Si Jennica ba ang nagsabi? Kaya ba magkasama sila sa parking lot at naghahalikan? Bayad para sa impormasyon na nakuha niya? Pinag-uusapan daw kami? Siguro dahil hindi naman patago ang panliligaw ni Cole at kalat na kalat na rin. "Makakarating ito sa daddy mo!" Nanlaki ang mata ko at awang ang labing napabaling sa kanya. "Enzo!" Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Namumula ang mga mata. Ang malalaking ugat sa braso niya'y lumitaw dahil sa higpit ng hawak. Matiim ang tingin sa labas at parang may susugudin na kaaway. "Kung hindi mo titigilan ang pakikipag-kita sa lalaking iyan ipapaalam ko ang ginagawa mo sa daddy mo!" Napaahon ako at hinablot siya sa braso. Kung gaano kagalit ang tingin niya sa kalsada ay ganoon rin nang tignan niya ako. Kumuyom ang panga niya at bahagyang nanlaki ang mga mata pagkakita sa akin. Ang luhang pinipigilan ko kanina ay sumisilip na ngayon. Nasa gilid na ng mga mata ko at kaonting kalabit nalang ay babagsak na. "Don't tell daddy about this please.. I will not neglect my studies.. I promise! Iyon naman ang iniisip niyo ni daddy, 'di ba?" Umiwas siya ng tingin. Salubong ang kilay at hindi na maibalik ang tingin sa mga mata ko. Tumahimik siya pero nagpatuloy ako. "I like him so much.." nanginig ang boses ko at tuluyang bumagsak ang mga luha. Iyon palang ang sinasabi ko'y naramdaman ko na ang lalong paghigpit ng hawak niya sa manibela. Lalong tumigas ang anyo. "I think.. I think I love him, Enzo..." Laglag panga niya akong nilingon. Umiling siya at sinubukang alisin ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. Hindi ko iyon binitawan at lalong humigpit ang hawak, nasa mga mata ko ang pagmamakaawa. Huminga siya ng malalim at hinayaan na ang kamay kong nasa braso niya. Lumambot ang kanyang ekspresyon at mataman akong tinitigan. Inangat niya ang isang malayang kamay para punasan ang tumakas na luha sa dalawa kong mata. "You might mistaken your feelings, Fel.. bata ka pa para sabihin na mahal mo siya.. you might just be attracted.. what you are feeling right now may be just infatuation.." marahan ang boses niya, nanunuyo at pinapaniwala ako sa sinasabi niya. Umiling ako at ipinatong ang isang kamay sa ibabaw ng kamay niyang pinupunasan ang luha ko. "This is what I feel, Enzo.. I think I love him-" "You think.. but you are not sure yet.. naguguluhan ka pa sa nararamdaman mo dahil bata ka pa.. you can't fall in love with this early, Fel.." his voice was husky, para siyang napapagod sa pinag-uusapan namin. "Does age matter when you love? I maybe young but I know that love can happen in any age and anywhere. Bakit 'yong iba-" "Iba ka. Iba sila. Pagkalipas ng kilig mo magbabago pa iyan.. maybe after a year your feelings for him will be completely gone-" He parted his lips and stopped talking when I shook my head before he finish his sentence. His eyes became more dark and bloodshot. Maybe he was worried I might get hurt with my first love. "If that's the case and if you are right.. then let me do it myself. Let me know it by myself.. Hayaan mo akong alamin kung magbabago ba ang nararamdaman ko.. o kung kailan ito mawawala.. Let me handle this, Enzo.. please.." "Fel," he speaks my name with his strained voice. His eyes were tired just as tired of his voice. He swallowed hard. He opened his lips then close them again. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya maituloy. He stared at me, he maybe looking if I was serious. He exhaled heavily afterwards then shook his head frustratedly. He gritted his teeth then look away. "In case I fail in first love.. then I will charge it as my experience.. ikaw na ang nagsabi na bata pa ako at gusto kong matuto sa pagkakamali ko.. please Enzo.." I begged. "Hindi mo kailangan magkamali para matuto. Hindi pagsusulat ang relasyon, Fel. Na kapag nagkamali ka, buburahin mo-" "Hindi ko kailangan. Pero gusto kong subukan. Ito ang unang hiling ko sayo, Enzo. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?" Matagal siyang hindi sumagot. Nakatitig lang sa labas at natutulala. Marahil ay nag-iisip ng magiging desisyon. "Is this really what you want?" He asked in a low and raspy voice without glancing at me. His brows were furrowed. Staring blankly at the steering wheel and seems to be deep in thought. "Yes," I replied, very determined with my feelings. If I am wrong and he's right. I will be grateful for his advice today and one day I will wholeheartedly admit that he's right. Kung sakali man na tama siya. Magpapasalamat ako sa kanya balang araw. "Okay," matamlay siyang tumango at nagsimulang paandarin ulit ang sasakyan. Hindi na siya kumibo hanggang sa maihatid ako. Wala ding pinadalang mensahe kung nakauwi na ba siya. I texted him but no reply. I just let him, he must be angry because I lied.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD