The house was better in the actual than the picture. I could imagine the black and white people on the newspaper.
It was a traditional filipino house. Bato ang buong ibaba, kahoy ang pangalawang palapag. Mayroong hagdan na limang baitang bago makapasok sa sala ng unang palapag. Pagkapasok ay malinis ang sala, walang upuan at tanging mga litrato ng mga tingin ko'y namayapa rito ang nakasabit sa mga dingding.
Ang makinis at kulay maitim na kayumangging hagdan ay tanaw mula rito. Napaka-engrande tignan ng hagdan at nakadagdag dekorasyon ang nasa itaas malapit sa hagdan na chandelier. Para akong pumasok sa sobrang lumang bahay ng isang mayamang angkan. Nakakakilabot na nakakamangha.
"It was built since 1890's,"
I wowed in my mind after she said that. Napansin niya ang pagkamangha ko sa bahay kaya hindi napigilan magsalita. Hindi pumasok ang mga sumundo sa amin sa airport kanina. Kahit ang bata ay wala at tahimik lang na nakabuntot si Enzo sa amin ng Lola niya.
Tumigil ako sa itinuro nitong litrato na nakasabit sa dingding. Portrait of man and woman. Hindi pa sinasabi ng Lola niya'y may ideya na ako kung sino sila.
"This is Phoenix Lorenzo's great great grandparents. They died in the year of 1917 during first world war."
I nodded and stared in amazement at the people in the old portrait paintings. Pinapaalala nito sa akin ang likha ng mga kilalang pintor. Nakakatakot lapitan ng husto at hawakan dahil baka may mabura sa bawat detalye na iginuhit.
Mukha silang mga mamahalin na tao noong mga panahon nila. I was so amaze that I wanted to meet them in person but that's clearly impossible.
Lumipat ang Lola ni Enzo sa kabilang dingding. Lumapit siya roon at marahan na hinaplos ang lumang litrato.
"This is my grandparents. Sa kanya kinuha ni Graciela ang pangalan na Lorenzo," turo niya sa lalaking seryoso ang mga mata.
Actually, lahat ng kuhang nakasabit ay walang ngiti sa mga labi. At para bang panuntunan iyon habang ipinipinta. Bawal ngumiti at kailangan maging seryoso ang ekspresyon sa buong durasyon na iginuguhit sila.
Umikot ako para tignan si Enzo. Akala ko ay nasa likod namin siya. Wala pala at medyo malayo siya sa amin. Nakasandal sa sementadong dingding, nakapamulsang pinapanuod kami ng Lola niya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi nagbago ang seryosong titig niya. I realized he resemble some features of his Lola's grandfather.
"They have an interesting and inspiring love story," bumalik ang atensyon ko sa Lola ni Enzo.
Nakatingala ito at nakatitig sa litrato. Sinasariwa ang mga naaalala niya.
"My grandfather wasn't in love with my grandmother way back years,"
Natuon ang buong atensyon ko sa simula niya. I'm fascinated with old love stories. I was reading books about them before and their stories instantly stuck in my mind.
"They were best friends and their family fixed their marriage. Nagalit ang Lolo ko dahil may iba siyang kasintahan at may ibang mahal na babae."
"How about your grandmother po? Was she in love with another man too?"
"No," natawa siya at tinignan ako. "She didn't like any other man because she's in love with my grandfather secretly,"
Suminghap ako at lumipad ang isang kamay sa labi. Gusto ko kaagad ng kasunod, gusto kong malaman ang buong storya nila.
"Natuloy po ba ang kasal nila? I mean, nandito po kayo, si Tita Graciela at si Enzo. Does it mean they get married and fell in love eventually?"
Nakangiti itong nag-iwas ng tingin. Nakatitig ako sa kanya at hinihintay ang susunod na kwento. Para akong bata na sabik marinig ang kasunod na kabanata.
"He ran away with the woman he loves. He married her girlfriend leaving my grandmother broken hearted in front of the altar. Araw ng kasal nila ng Lola ko nang magtanan sila ng kasintahan niya."
Nakagat ko ang ibabang labi at tiningala ang babaeng nasa litrato. Ano kayang naramdaman niya nang iwan siya ng lalaking mahal niya para sa iba? If I could just talk to her I will tell her to share her tears on me. That she can lean on me. Her eyes in the portrait were sad and happy at the same time. Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon pero iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.
Nag-init ang magkabilang mata ko at parang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya habang tinititigan ko siya.
"How did she get pregnant if the man she loves marries someone else?" I asked sadly then look at Enzo's grandmother again.
Natawa ulit siya habang seryoso akong naghihintay sa sasabihin niya.
"She seduce my grandfather. She's very desperate na kahit may asawa na ay inakit niya pa rin noong malaman niyang hindi pwedeng magka-anak ang asawa ng Lolo ko."
Lalo akong naging interesado. Hindi ko maialis ang tingin ko sa Lola niya habang nagk-kwento.
"Luckily, my grandfather fall on her trap. She lured him to get her pregnant. Gustong magka-anak ng Lolo ko kaya't nagkaroon sila ng patagong relasyon. But don't judge my grandmother. That's very depressing to both women. Masakit sa Lola ko dahil alam niyang kabit siya at walang kasiguraduhan kung kaya ba siyang mahalin ng Lolo ko. Lalo pa at nakikita niya kung gaano kamahal ng Lolo ko ang asawa nito. Imagine yourself seeing the ones you love loves someone else. I can't deny that that part also hurts Lolo's wife because she was fooled by something she didn't know. They stabbed her from the back. They are all victims of their own story."
She nodded like she's reminiscing what happened. Her grandparents story was probably told by her parents. Malamang na noong unang i-kwento ito ng mga magulang niya sa kanya ay ganito rin siya katulad ko at sobrang kuryuso sa naging pag-iibigan nilang tatlo. Tungkol sa mga taong naghabol, hinabol at magkaribal. Tungkol sa mga taong nagmahal, nasaktan at naiwan. Hindi natin masisisi ang taong nagmamahal. Minsan sa sobrang pagmamahal nakakagawa tayo ng masama. Nakakasira tayo ng ibang buhay. Sometimes love is toxic more than poison is.
"When she got pregnant she ran away because of guilt. Matagal silang hindi nagkita ng Lolo ko hanggang sa isang salo salo sa bulwagan ay mamataan siya ng Lolo ko. Nakita siya nitong may kasamang anak. Siguro dahil sa lukso ng dugo kaya't alam niya kaagad na sa kanya iyon. He separated from his wife to marry the mother of his child, my grandmother. That's pretty awful for his ex-wife. Sobrang nasaktan ang dating asawa niya sa nangyari. Pagkatapos ipanganak ang pangalawang anak nila nabalitaan nilang nagpakamatay ang babae,"
My sympathy was now on ex-wife. Their love story were pretty interesting. Very depressing and somehow heartwarming. Hindi ko alam ang mararamdaman.
How best friends became lover, hindi nga lang sa tamang paraan. They had a secret affair. Nagpakasal sa ibang babae ngunit sa huli ay sila rin pala. But I wonder, does he loved her? O anak lang ang gusto niya?
Maybe he fell in love eventually? Kung noon palang pumayag na siyang magpakasal wala sanang buhay na nawala. Hindi sana nagpakamatay ang dati niyang asawa. O siguro gano'n pa rin ang mangyayari? Kung pumayag sila sa kagustuhan ng mga magulang nila sa fixed marriage siguro ay magpapakamatay rin ang kanyang kasintahan dahil hindi kakayanin na ikasal sa iba ang lalaking mahal niya. Na siguro iyon talaga ang nakatadhana?
Tumatak sa utak ko ang storya nila. Naisip ko na kung nag-usap sila ng maayos o naghiwalay ng maayos pwede pa kayang maagapan ang pagkamatay ng ex-wife niya?
After all, she's his responsibility because he's the one who hurted her. We have a responsibility to take care and check on the ones that we love and the one that we have hurt to make sure they we're okay. Natanto ko na totoo nga, madalas ang iniisip natin ay ang nararamdaman ng taong mahal natin at walang pakialam sa nararamdaman ng taong nasaktan natin.
Which is completely wrong. Kailangan natin kumustahin kung ayos lang ba silang pareho. If they were depress, if they were happy, if they we're okay. They are our reponsibility especially if we are the reason why they are being hurt. They feel ruined. They feel like you ruined their life by hurting them and by being unfaithful.
But anyway, it happened a long time ago. Hindi ko pwedeng husgahan ang nangyari base lang sa kwento ng Lola ni Enzo.
"Inisip nila na sumumpa ang dating asawa ng Lolo ko. Palaging nagkakaroon ng problema pagkatapos maikasal ang angkan namin," dagdag niya.
"Sumpa? Totoo po ba iyon? At ano pong klase ng sumpa?"
"Noong mga panahon ng Lolo ko ang sabi nila'y totoo iyon. My father cheated on my mother. My husband cheated on me. And Enzo's mother was cheated on by her husband. Ganoon rin ang mga lalaking angkan namin, nagkakaroon ng ibang mga babae pagkatapos ikasal. Kaya't naisip nila na sinumpa kami. Look at Enzo. Wala siyang balak mag-asawa dahil takot sa palaging sinasabi ng Papa niyang magiging magkatulad sila. Dahil nasa angkan namin iyon. We are old-rich pero magulo ang pamilya namin."
"Hindi po kaya nagkataon lang? Na siguro nangyari lang talaga iyon at walang sumpa?"
Nginitian niya ako at nagkibit balikat para sabihing hindi rin siya sigurado.
"If we were really cursed," she look at her grandson who's boredly leaning at the wall. "Tingin ko si Enzo ang makakaputol niyon,"
Natawa ako ng mahina sa sinabi ng Lola ni Enzo. How can he cut the cursed if he's afraid getting tied? And his style is to jump from one woman to another.
"I think that's near to impossible po,"
"I'm not sure either but I hope so," sabay kaming natawa at sabay na tumingin kay Enzo.
Tinignan niya ang Lola niya at pagkalipat ng tingin sa akin ay pinanliitan ako ng mga mata. Mahina ang boses namin ng Lola niya at medyo malayo siya dahil malaki ang bahay kaya't hindi niya kami naririnig.
Lumapit siya nang magsimulang maglakad ang Lola niya paakyat sa second floor. Tumabi siya sa akin sa hagdan at inakbayan ako.
"Are you two talking about me? Why are you laughing?"
Umiling lang ako at natawa. Humawak ako sa kamay niyang nakaakbay sa akin habang tinatahak namin ang hagdan patungo sa pangalawang palapag.
Kung nakakamangha ang ibaba ay sampong beses na mas nakakamangha rito sa itaas. Ang pinakasala ay narito pala kaya wala sa ibaba. Ang disenyo ng upuan ang unang sumalo sa mga mata ko. Mayroon itong disenyo sa sandalan na tila ba mga balustrado na katulad sa mga upuan ng sinaunang panahon. Kakulay ito ng hagdan at sahig ng pangalawang palapag, ganoon rin ang mesang maliit na nasa gitna ng upuan.
As I look at the devotailing I realized that it was antique. I look around and I think everything here is antique. The furnitures and the whole house were from 19th century. They look priceless and exquisite. Hindi ako makapaniwalang nakatungtong ako sa ganito katandang bahay.
The first floor looks like a museo of their family. Habang dito sa itaas magarang sala at mga pasilyo na tingin ko'y patungo sa mga kwarto.
This house is well preserved and I feel like I'm going back in time. At a time when women were still wearing filipiniana and holding abanico. Mahinhin magsalita at tipid kumilos. I could even imagine the ghosts of old people and heroes were scattered here.
Ang malaking bintana ay slide na kahoy ang tabing. Hanggang bewang ang ibaba ng bintana ngunit ang itaas ng bintana ay hindi abot ng kamay kahit tumungtong pa sa upuan. Sobrang taas ng kisame dito sa pangalawang palapag na tingin ko'y pwede nang malagyan ng pangatlong palapag kung lalagyan lang ng sahig. Subalit kung ako rin ang may-ari nito ay hindi ko gagawin iyon dahil masisira nito ang makasaysayan na mga naganap dito sa ancestral house. Mas maganda ang ayos ng bahay sa personal kaysa sa litrato at parang gusto kong kumbinsihin si Tita Graciela na wag na galawin ito.
Marahan na pinadaanan ko ng kamay ang mga upuan na nasa sala. Marami ang kagamitan ngunit hindi ko makuha sa sarili na hawakan iyon sa takot na magasgasan ko o masira. Tumigil ako sa bintana at natanaw sa hindi kalayuan ang mga bata na sumundo sa amin. Ang dalawang babae na matanda sa akin ay nakabantay sa mga batang naglalaro.
"Paano po ito inaalagaan? Kada ilan taon po ginagawa ang restoration?" Hinarap ko ang Lola ni Enzo pagkatapos kong tanungin iyon.
Umupo ang Lola niya isa sa mga upuan sa sala. Si Enzo ay tumabi sa akin sa bintana.
"I restored this house twenty years ago. Graciela wants to renovate this house. That's fine as long as they preserved it's original architectural character. How about you, hija? What do you think about the renovation?"
Nakita ko ang balak na ayos ni Tita at medyo hindi ako sang-ayon.
"I think it's fine to leave it like this po. This is a historic house. Kahit kaonti lang ang baguhin parang nakakahinayang na,"
Lumawak ang ngiti niya't mukhang natuwa sa sagot ko.
"Parehas pala tayo ng iniisip. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin ang alok ni Graciela na baguhin at dagdagan ang ibang ayos dito. She wants to replace the antiques too with the touch of modern furnitures."
I pursed my lips and felt a tiny guilt. Sa akin yata nakuha ni Tita ang ideya na iyon. Iba kasi ang itsura sa litrato. Mas mabuti nga talagang tignan at puntahan bago magbigay ng opinyon.
"That might ruin the history of the whole house po. Kahit maliit na bagay dito na galing sa ninuno niyo ay parang ang hirap bitawan. And this is antique house, antique furnitures should stays inside," hindi ko alam kung tama bang nagbibigay ako ng opinyon, pero siya ang nagtanong kaya sinasabi ko ang palagay ko.
"Ano sa tingin mo ang magandang gawin sa bahay na ito?" Kita ko ang kislap sa mga mata niya habang naka-abang sa sagot ko.
Sasagot sana ako ngunit inunahan ako ni Enzo na nasa tabi ko na tahimik lang kanina.
"La, kailangan namin magpahinga. Sasali kami sa party mamaya at kailangan namin magbasta,"
"Saan nga pala gaganapin?" Tanong ko nang maalala ang party. Nawala iyon sa loob ko dahil nalibang sa kwento ng Lola niya.
Mula sa Lola niya'y inilipat niya sa akin ang tingin. Tinulungan niya akong hulihin ang buhok ko dahil hinangin iyon sa biglaang pag-pasok ng hangin sa malaking bintana.
"Dito. Sa ibaba."
Napatitig ako sa kanya. Ang akala ko kasi sa ibang lugar dadausin ang party'ng sinasabi nila Mommy. Kaya siguro walang gamit sa ibaba dahil ginagamit iyon kapag may mga salo salo.
"Mamaya lang may mag-aayos na diyan sa ibaba kaya magpahinga ka na,"
Hinawakan niya ako sa braso at hila hilang nilagpasan ang Lola niyang nakangiting pinapanuod kami.
"This is your room.." binuksan niya ang isang pinto ng kwarto. "Or you want to stay at my room?"
"Ano? Bakit naman ako matutulog sa kwarto mo?" May irita na tanong ko pero ang totoo kinabahan ako sa tanong niya.
Hindi ako nakakaramdam ng ganito dati. Nagsimula lang talaga ako makaramdam ng ilang at kakaiba simula nang halikan niya ako sa leeg.
"Tinatanong ko lang baka kasi gusto mo," ngumisi siya at binuksan ng maluwag ang pinto ng kwarto.
"Alam mo na.. luma na itong bahay.. at baka lang matakot ka.."
Ang kahoy na kama ay mukhang antique rin. Mayroon itong matataas na pundasyon sa apat na sulok. Sa itaas ay mayroon nakaladlad na puting kurtina pababa hanggang sa paanan ng kama. Katulad ng mga kama ng mayayamang angkan noong unang panahon. Napaisip tuloy ako kung ilang tao na ba ang nahiga diyan dahil sa sinabi ni Enzo. It was fascinating and beautiful but creepy at the same time.
Binalingan ko siya at tinulak sa dibdib. Hindi siya natinag at tinawanan pa ako. Hindi ko iyon naiisip kanina pero ngayon na binanggit niya naalala kong marami na ang gumamit ng bahay na ito. Panahon pa ng mga mananakop ay nakatayo na ito at nagsalin-salin lang sa mga sumunod na pamilya.
Sinasamaan ko pa siya ng tingin nang bigla niya akong itulak sa loob at saraduhan ng pinto.
"Enzo!" Katok ko sa pinto mula sa loob. Naririnig ko ang tawa niya sa kabilang panig.
"Nagbibiro lang ako! Pero kung gusto mo sa kwarto ko pwede ako magpalagay ng isa pang kama!"
"I'm fine here!" I shouted back then rolled my eyes.
Tumigil ako sa paghampas sa pinto at hinarap ang buong kwarto. This is huge and unique. Ang kahoy na sahig ay mukhang makapal at matibay at tingin ko kahit tumalon talon ako dito ay hindi maririnig sa ibaba o kahit dito sa pangalawang palapag.
Old people and old things were really amazing. Sa ikli ng buhay ang makitang magtagal na manatili rito sa mundo ang isang tao o mga bagay na makakapag-paalala sa kanila ay kamangha-mangha.
I pouted then glared at the door, it was as if Enzo was still there even though I heard he had left. Nagbuntong hininga ako at nagtungo sa kama. Malambot iyon, mabilis akong nakumportable pagkahiga. Pumikit at nagpahinga bilang paghahanda sa party mamaya.