Failed Seduction 22

2379 Words
We both quiet the whole travel going home. Pareho yata kaming nakaramdam ng ilang pagkatapos ng sayaw. Binasag niya lang sa malakas na tugtog sa kanyang sasakyan. Pagilid ko siyang sinamaan ng tingin. Alam niyang ayoko sa sobrang ingay na tugtog kapag nasa loob ng sasakyan. Natawa siya at hinayaan akong hinaan iyon. Saglit lang ang naging biyahe. Pagka-uwi sa bahay padabog kong isinara ang pinto ng kanyang sasakyan na tinawanan niya ulit habang bumababa. Maganda ang mood ni Enzo'ng sumunod sa akin papasok sa bahay. Nabungaran namin si Mommy at Tita Graciela sa sala. Nagtatawanan at mukhang may masayang pinag-uusapan. "Hija!" Napatayo si Mommy pagkakita sa pagpasok namin ni Enzo. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya, ganoon din ang ginawa ko kay Tita Graciela na nanatili sa pagkaka-upo at nakangiti sa anak. "How's the date, hija?" Mula kay Tita Graciela'y napabaling ako kay Mommy dahil sa paunang tanong niya. Malaki ang ngiti at naghihintay ng kwento mula sa akin. "Date, Mom? What do you mean?" Maarteng pumilantik ang pilikmata niya. Tinawanan ako at iniba ang tanong. "I mean how's the food in L'Opera? I reserved for two. That should be for me and your dad, kaya lang naiwan siya dahil may trabaho.. so.." salitan niya kaming tinignan ni Enzo. "How's the food?" She asked again instead of her first question. "Great, Tita!" Si Enzo ang sumagot. "Well, that's good! How about you, hija?" Tinitigan ko siya. Hindi niya naman siguro sinadya na kami ni Enzo ang pumunta doon, 'di ba? Wala namang rason para gawin niya iyon kaya't palagay ko'y para talaga sa kanila ni daddy iyon na hindi napuntahan dahil nga hindi naka-uwi si daddy. Bumuka ang labi ko at hindi pa nakakasagot nang hinila niya ako paupo sa sofa. Si Enzo ay tumayo sa likod ng sofa kung saan nakaupo ang Mama niya. "Anyway, me and your Tita Graciela were invited to the party.. and we talked about the two of you attending the party tomorrow!" She announced as if she wouldn't let me refuse if ever I don't wanna go. "Tomorrow? Again, Mom? Bakit hindi nalang po kayo ang um-attend Mommy? Daddy's still out of town, wala ka pong gagawin dito sa bahay-" "I have some errands to do, Hija! We were out of town for weeks, so certainly there's have lot of works waiving at my office," "Just reject the party po or don't attend anymore if you are busy!" I reasoned. I don't really like attending parties. I go sometimes but not often. "We can't, Hija. That's a big party that we can't just refuse.. we already emailed that we're coming.. nakakahiya kung walang pupunta.. please, hija.. kasama mo naman si Enzo.." "Si Enzo? Hindi mo pa nga siya natanong mommy. Hindi ka pa sigurado kung sasama siya-" "I think you're talking about the party on our ancestral house, Tita?" My words halted and my glare instantly went to Enzo. I wanted to cut his tongue and stop him from talking. "Yes," "I'll go, Tita. No problem," Napanganga ako at lalong tumalim ang tingin sa kanya. Siya ang idadahilan ko para hindi na kailangan um-attend tapos nangunguna siya sa pag-payag ngayon? Inirapan ko siya pagkakita niya sa matalim na tingin ko sakanya. Nilingon ko si Mommy sa tabi ko. "Ancestral house, Mom? You mean their ancestral house in Aklan?" "Yes-" "That's too far Mom! Ilang araw kami doon? May pasok po ako!" "It's just three days. I'll talk to your school," Wala na akong nagawa nang tumayo si Tita Graciela at nagpaalamanan sila ni Mommy. "Tawagan mo ako!" Mahina ngunit may panggigigil na utos ko pagkalapit ni Enzo at halikan ako sa noo. Magaan na nakalapat sa gilid ng bewang ko ang isang palad niya. Nakaalalay para mas mahalikan ako. "Why would I do that? Miss mo ako kaagad?" Nakangising tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at naiinis na inalis ang kamay niyang hindi pa rin inaalis sa bewang ko. Natawa siya't sumunod palabas sa Mama niya. He video called after I went up and change my clothes. He's using two laptops, one was on his lap and one he was using for video call. Naka-upo siya sa kama, nakasandal sa headboard, nakasuot ng silver metal glasses na salamin at nasa kandungan ang laptop na gamit sa trabaho. Ang gamit niyang pang-tawag sa akin ay nakalapag sa kama kaya't kitang kita ko siya. Manipis na sandong puti ang suot pang-itaas at manipis na itim na boxer shorts sa pang-ibaba. I don't usually feel awkward whenever he's wearing clothes like this. Hindi ko nilalagyan ng malisya ang bawat kilos niya, bawat kilos namin dahil pakiramdam ko bawal. Limitado. He's like my best friend, my brother. The idea that we can be more than that felt incest. Since what happened at the restaurant earlier I suddenly feel uncomfortable with him. Sumayaw lang naman kami ngunit hindi mawala sa pakiramdam ko kung paano niya ako inamoy at hinalikan sa leeg. I don't know if he do that just to annoyed me or the perfume I used really smelled too good and he couldn't resist to smell it. It never left my mind no matter what his reasons for smelling and kissing me. "Aalis tayo ng maaga. Maghanda ka na ng gamit mo-" "Dapat tumanggi ka! Ang dami kong gagawin sa school baka mapag-iwanan ako!" Sinulyapan niya ako sandali at bumalik rin kaagad sa laptop. "Kung tumanggi ako pipilitin pa rin ako ni Mama. Aalis pa rin tayo. Kaya kung ako sayo, mag-impake ka na ng gamit mo. Iuuwi kita sa ancestral house at ipapakilala kay Lola," "May Lola ka?" Natawa siya sa gulat na tanong ko. Hindi kasi nila nababanggit at akala ko walang nakatira sa ancestral house nila. "Asawa ng Lolo mo?" I know his grandfather, the chairman of school. But not his Lola, hindi ko pa siya nakitang may kasamang matandang babae. Tinawanan niya lang ulit ang tanong ko. Nag-usap pa kami. Nag-paalam lang siya nang makita na naghihikab na ako. After his call I opened Cole's messages. He's invited me out this afternoon as he greeted me happy valentine's day. Hindi ko nakita ang messages niya dahil naiwan ko ang phone sa sasakyan ni Enzo at pagkauwi ay hindi ko nagawang bisitahin ang telepono, kinuha ko lang ito at sinagot ang tawag ni Enzo pagkalabas sa banyo Napaahon ako mula sa pagkakahiga at kunot noong nagtipa ng sagot. Me: Sorry, Cole. I didn't saw your messages. I bit my lower lip and waited for his reply. Hindi naman nagtagal ay may sagot kaagad na dumating. Cole: It's Fine, Eia. February's still long. How about tomorrow? Aren't you busy? I was about to say I'm not busy. Naalala ko nga lang ang party na sinabi ni Mommy. Enzo said yes to Mommy so I had no choice but to attend too. Ang problema pa ay malayo iyon at aabutin kami ng tatlong araw. Me: Actually there's party I have to attend tomorrow. I will stay in Aklan for three days. Cole: Aklan? Sinong kasama mo? Me: Dalawa kami ni Enzo sa ancestral house nila. After three days pa ako makakauwi. Hindi siya kaagad nakapag-reply. Humiga ako ulit at matutulog na sana kung hindi ko naramdaman ang pag-vibrate ng telepono sa reply niya. Binuksan ko kaagad iyon para basahin. Cole: Let's meet when you get home. Let's talk about us. Good night, Eia. Bahagyang tumalon ang puso ko sa nabasa. Hindi pa kami nakakaalis ni Enzo parang gusto ko nang umuwi kaagad. Napangiti ako at nasabik na umalis bukas para bumilis ang araw at makauwi kaagad kami. "Nasa baba na si Enzo!" "Opo, my! Pababa na!" Ngayon palang ako nag-ayos ng gamit kaya't halos ibalibag ko ang mga dadalhin na damit sa loob ng dadalhin na bag para lang makaalis na kami. I am productive at school but I'm absolutely unproductive when it comes to waking up in the morning. Kapag may pasok ay nagpapagising pa ako kay Mommy o sa katulong kaya hindi ko nakasanayan mag-lock ng pinto. Walang pasok ngayon at pagkatapos namin mag-usap ni Cole ay nakatulog ako kaya't heto ako ngayon at halos hindi magkandaugaga sa pageempake. Tinakbo ko na ang pagitan ng kwarto at ng sala pagkatapos mag-ayos. Nakahalukipkip si Enzo at nakaabang sa pagbaba ko. Nang makita ang pagtakbo ko'y lumapit siya at sinalubong ako para agawin ang gamit na dala ko. "Ito lang?" Kunot noong tanong niya, tinutukoy ang maliit kong bag. "Oo, tatlong araw lang naman tayo," nilagpasan ko siya at naupo sa sofa para maisuot ng maayos ang running shoes na susuotin sa pag-alis. "Paano kung gusto mong magtagal? Wala ka nang gagamitin na damit?" "Hindi ako mag-e-extend Enzo. Three days lang ang usapan," Lumabas ako sa bahay habang magulong tinatali ang buhok. Ni hindi ako nakapagsuklay at kamay lang ang ginamit pang-ayos ng buhok. May ibang nagmaneho sa amin papunta sa airport. Tahimik lang ako at inaantok pa kaya naman pagkaupo na pagka-upo sa designated seats nami'y bagsak ang katawan ko at mabilis na nakatulog. Ginising ako ng malambing na haplos sa aking pisngi at mahinang pagtawag sa pangalan ko. Namulatan ko si Enzo na nakatayo sa gilid ng upuan, hawak na niya ang lahat ng gamit namin. Nakayuko siya para haplusin ako sa pisngi at gisingin. "We're here, Fel," he huskily whisper then help me up. "Sorry. I think I oversleep," hingi kong paumanhin pagkatayo. Wala kasi akong ginawa sa oras ng biyahe kundi matulog. "Namamaga pa ang mga mata mo," napapikit ako nang padaanan niya ng haplos ang mga mata ko at ayusin ang buhok kong bahagya lang na nagulo. Kinuha niya ang kamay ko at hawak ako hanggang sa makalabas ng eroplano. Bumitaw lang siya pagkakita sa mga maingay sa airport. Natatawa siyang lumapit doon at isa isang ginulo ang mga buhok nito. Napatulala ako sa ginawa niya. Mga bata ito at mayroon din dalawang babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ngunit mas bata sa kanya. Nagtakbuhan ang mga ito at sinalubong siya, nasa mga mata na tuwang tuwa sa pagdating niya. Nanatili ako sa kinatatayuan kung saan niya binitawan. Pinapanuod siyang nakikipagtawanan at masaya. "Girlfriend mo ba siya?" Nakarinig ako ng maliit na boses na nagtanong. Sinipat ko ang mga bata ng tingin at nakitang ang babaeng pinakamaliit sa kanila ay nakatitig sa akin. Humupa ang halakhak ni Enzo at naging ngiti. Nilingon niya ako at tinitigan. Hindi niya sinagot ang bata, sa halip ay pinutol niya ang tingin sa akin para buhatin ang batang nahihiwagaan sa presensya ko. "Akala ko ba ikaw ang girlfriend ko?" Natatawang tanong ni Enzo. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ito. Pero ngayon nakikita ko siyang may kargang bata'y sa tingin ko magiging mabuti siyang Ama balang-araw. "Siyempe dapat kakilala ko ang kakompetensya ko," matatas na sagot ng bata, nakay Enzo na ang tingin. "Kung hindi mo siya girlfriend ibig sabihin hindi mo rin siya gusto, 'di ba?" Natawa si Enzo at binalikan ako ng tingin. Hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi ng bata. Hindi ako napangiti sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng kanyang pananalita. Lumapit ako at tumigil sa harapan nila ni Enzo. Sa tantiya ko ay nasa apat na taon lang siya ngunit mukhang marami nang alam. "Sorry to say but we're just friends. Ikaw ang girlfriend niya dahil hindi ko siya aagawin," natatawang pakikisakay ko. Natahimik si Enzo. Nagtagal ang titig niya sa akin bago naisipan na ibaba ang bata at yayain na ang mga itong umuwi. Hinuli niya ang isang kamay ko at nasa kabilang kamay ang batang babae. Sumilip ito at nakalabing tinignan ang kamay ni Enzo na nakahawak sa akin, kalaunan ay umangat ang mata ng bata at inirapan ako. Ang mga gamit namin ay nauna na, kinuha ng tingin ko'y driver ng sasakyan na dala nila. Gusto kong alisin ang hawak ni Enzo sa kamay ko ngunit dahil sa nakakatuwang reaksyon ng bata ay naisipan ko itong asarin. Pagkasakay sa loob ng sasakyan ay hindi ko hinayaan na maghiwalay ang kamay namin ni Enzo. Sumandal pa ako sa balikat niya, ganoon rin ang ginawa ng bata sa kabila at nakikipag-kompetensya sa akin. "What are you trying to do, huh?" Natawa ako sa nagdududang tanong ni Enzo. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at ipinatong ang mga kamay namin na magkasalikop sa ibabaw ng hita niya. Nakasimangot ang batang babae hanggang sa dumating kami sa bahay na sa litrato ko unang nakita. Mayroon matandang babae na naghihintay sa labas ng bahay. "Lola mo?" Mahinang bulong ko bago pa tumigil ang sasakyan. "Oo. Lola mo na rin," Nagsalubong ang kilay ko. Naguguluhan ko siyang tinignan pero hinila na niya ako pababa. Kinarga niya sa isang braso ang batang babae na hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko. Binitawan niya lang ako pagkalapit sa Lola niya para magmano. "La, si Felicity po," lumapit ako at nahihiyang nagmano nang ituro ako ni Enzo. His Lola somehow reminds me of old people. Not literally old by age but old as time of the ancient. Nakangiti ito sa akin hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kanina, sunod ay ibinaba nito ang salamin sapat lang para silipin at ngitian ng makahulugan ang apo. Natawa si Enzo sa ginawa ng Lola niya. I was a little confused by their actions and by the way they smiles meaningfully. It was like a silent communication. "Mabuti at nakasama ka, hija," may pagkapaos na ang boses nito, marahil ay dahil sa katandaan. Ngumiti lang ako. Sa sinabi niya kasi at sa paraan ng pagpapakilala ni Enzo parang matagal na ako nitong kilala. Nakumpirma ko na nai-kwento ako ni Enzo sa Lola niya nang anyayahan ako nito sa loob at sabihin nitong napag-uusapan nila ako madalas ni Enzo kapag umuuwi rito. Nagulat ako na kilalang kilala na niya ako samantalang ni hindi ko nga alam na may Lola pala si Enzo dito sa Aklan. -----Miss IYA----- Enjoy Reading Chapter 22 and 23! Wala pa tayo sa kalahati. Sana di ko kayo ma-bored. As I promised FS is just a light story. Sa gitna tayo papalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD