I called the event coordinator while watching the traffic light changing numbers.
"Walang sumasagot?"
Umiling ako kay Enzo. Pinatay ko ang tawag na panay lang ang ring. I called Mom instead of calling the event coordinator again. Kaagad niyang sinagot iyon, hindi pa ako nakakapagbigkas kahit isang salita'y alam na niya ang itatanong ko.
"I forgot to tell you that the practice today was cancelled! And I'm sorry honey.. I told to Millary to don't answer your call-"
"Millary who? The event coordinator Mom?"
"Yes! She has a daughter named Millie, I will introduce you to her next time! Anyway, give your phone to Enzo, hija,"
Hindi na ako nagtanong at inabot nalang kay Enzo ang phone. Sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay, nagtatanong ang mga mata.
"Mommy wants to talk to you,"
Mabilis niyang kinuha iyon at isang kamay nalang ang gamit para sa pagmamaneho.
"Yes, Tita?"
Sandali siyang nakinig sa sinabi ni Mommy. Pagkaraa'y sinulyapan niya ako at tumikhim. Nangunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan nila ni Mommy.
"It's alright, Tita. Ako na po ang bahala," magalang na sagot niya, pinatay ang tawag at ibinalik sa akin ang phone.
"Anong sinabi ni Mommy?"
Nagkibit balikat siya pero mayroong tumatakas sa labi na mala-multong ngiti.
Pinanliliitan ko siya ng mga mata. Pasulyap sulyap ako sa kanya dahil parang alam niya kung saan ako dadalhin kahit sa pagkakaintindi ko ay hindi natuloy ang practice sa araw na ito.
We stopped in front of the fine dining italian restaurant in BGC. I checked my wrist watch. It was still early for dinner but late for lunch. Nakaramdam ako ng gutom pagka-park ni Enzo at pagbuksan ako ng pinto.
Kahit nagtataka ay sumunod ako sa kanya. Hawak niya ang itim na coat sa isang kamay at mukhang balak sana dumiretso sa trabaho pagkatapos ng practice kung natuloy.
"Do you have a reservation, Sir?" We were greeted politely by the waiter.
"Mrs. Alfonso made a reservation for two," I looked at Enzo when he answered.
Mom made a reservation?
"Pupunta si Mommy dito?" Tanong ko, nakasunod sa kanya nang paakyatin kami ng waiter sa itaas.
Hindi ko mapigilan pasadahan ng tingin ang paligid ng restaurant. It's very European. I had seen italian restaurant before that serving italian foods but the ambiance wasn't italian.
Kaya't humanga ako sa ayos ng restaurant kahit maliit lang. It feels like I was being in Italy for the while. I couldn't taste the mellow song they were playing but it sounds appetizing in my ears. They sounds soft, rich and delicate.
Pumasok sa aking tainga ang mabining musika at umakyat sa aking utak, muling bumaba patungo sa aking dila at para akong lalong nagutom.
Sa mga ganitong negosyo kabilang talaga ang lugar sa mga pinupuntahan maliban sa pagkain. Kung masarap magluto ang chef kailangan ay malinis at maganda rin ang istraktura ng lugar. Aanhin mo naman ang masarap na pagkain kung hindi naman kagana-ganang tignan ang paligid.
Some people too rates the place base in their foods and the atmosphere. It's more than the dining outside, it's about how creative the owner is, to create comfort to every costumers.
Mas mainam at mas nakakagana kung kaaya-ayang pagmasdan ang paligid. Lalo pa ngayon na halos lahat ng mga kumakain sa mga fine dining ang hanap ay instagrammable na lugar. They took photos to have a souvenir of what they eat.
Tumigil ang waiter sa pang-dalawahan na lamesa. Mula rito sa itaas ay nadudungaw ang mga kumakain sa ibaba. Tanging salamin na aabot lang sa aking bewang ang harang.
There are long curtains from ceiling to the floor which parted sideways, the same color of tablecloth. This place looks classic and what's relaxing was the costumers aren't noisy. They seems talk in whisper, o siguro'y ginagalang din nila ang bawat costumer lalo at tahimik din ang tugtog at nakakarelax. I could even sleep here if I was still sleepy. Just one look and you can say it was a high class restaurant.
Napalabi ako at napatingin sa suot na damit. Mabuti nalang pala at pinasuot sa akin ni Mommy ito. Hindi babagay sa lugar na ito kung mga normal ko lang na damit ang isinuot ko.
"Darating ba si Mommy?" Tanong ko ulit pagka-upo namin dahil hindi niya sinagot ang naunang tanong ko.
He's seriously looking at the menu. Kinuha ko rin ang menu na magalang na inabot sa akin ng waiter pero hindi ko muna iyon binuksan at hinintay siyang sumagot.
"She reserved a table for two. There are two of us here so no, she's not coming," he answered then looked at me to tell me to choose my food.
Tumango ako at sinunod siya dahil gutom na rin. Binuksan ko ang menu at muling dinungaw ang paligid bago tinignan ang mga pagpipilian na pagkain.
They are pricey but they look worth it. We ordered fillet steak, salmon, and of course pasta as known as italian dish. Enzo added salad and soup as we both declined the wine. The waiter also asked us for dessert. I said no but Enzo ordered panna cotta for me while tiramisu and ice cream for him.
"I want ice cream too!" I joked.
"We could share," he smirked.
Umirap ako at naisip kung mauubos ba namin iyon dahil parang ang dami naming na-order.
Nag-usap kami ng ilan sandali tungkol sa trabaho niya at tungkol sa susunod na practice. The practice should be early than Mom said. Nakalimutan niya raw sabihin na cancelled ang practice pero inayusan niya pa ako? She might be too excited to forget to tell me.
Natahimik kami sa pagdating ng pagkain. Parehong busy sa pag-nguya dahil naparami talaga ang in-order namin. Proportion were small but the main courses were surprisingly delicious.
Natatawa si Enzo sa tuwing napapa-ungol ako at napapatango sa bawat masarap na natitikman.
"You look really pleased. We will definitely go back here," he chuckled after his last bite.
Nauna akong nakaubos ng pagkain sa kanya. Pina-serve ko na rin ang macaroons ko at ako na rin ang lumantak sa ice cream niya.
I was slowly eating Enzo's ice cream when a manager who introduced himself suddenly approached us. He gave me a flower and a heart shape chocolate. I was surprised but he explained that we were chosen as the couple to dance in front.
Dinungaw ko rin ang mga kumakain sa ibaba at ngayon lang tuluyang rumehistro sa akin na araw ng mga puso ngayon dahil sa mga couple na narito.
Walang disenyong puso ang buong restaurant ngunit sa bawat mga lamesa ay mayroong katulad sa akin, mga bulaklak at hugis pusong chocolate. Bukod tanging mas malaki lang ang sa akin.
Tatanggi na sana ako dahil hindi naman kami couple ngunit tumayo si Enzo at inilahad ang kanyang kamay.
"May I have this dance, Eia Felicity Alfonso?" His voice was low but deep.
I slightly parted my lips and gaze at him with astonishment because the way he asked me to dance him sounds too romantic.
I cleared my throat then looked at the manager and waiters who's waiting for me to reach his hand. Kinabahan ako at sa hindi malamang dahilan ay biglaan ang pagkalabog ng dibdib ko.
Tiningala ko si Enzo na seryosong nakatitig sa akin. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko pinamulahan ako sa titig niya. Hindi ko pa naitataas ang kamay para abutin siya ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. Napasinghap ako sa pagdampi ng mga palad namin at nang hilahin niya ako patayo.
Siguro ay dahil sa hiya kaya't nakakaramdam ako ng sobrang kalabog ng dibdib na halos hindi ko na marinig ang tinutugtog nang grupo ng musikero dito sa loob ng restaurant. The song sounds familiar but my heart is too busy beating loud to remember the title of song they were playing.
Hawak ni Enzo ang kamay ko habang pababa kami sa hagdan at papunta malapit sa mga tumutugtog. Mahina siyang natawa nang magkatinginan kami. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko pagkarating namin sa harapan.
With the first phrase of the song everything went blurry even with the contact lens I was wearing. Everything became timeless as the indescribable feelings makes it seem magical and exciting.
Maharan at parang naging ma-drama ang pagharap namin sa isa't isa. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa kanyang balikat. Umawang ang aking labi at marahang pumikit nang maramdaman ko sa nakalabas na balat sa likod ang pagdampi ng mainit niyang palad. Ang isang kamay niya'y pinadulas niya mula sa gilid ng aking bewang paikot sa aking balakang. Nagmistula siyang nakayakap sa akin at ganoon rin ako sa kanya.
Hindi ako dumilat kahit nang maramdaman ang paghapit niya sa akin dahilan para lalong magdikit ang aming mga katawan.
Dumilat lang ako nang maramdaman ang paglapat ng pisngi ko sa kanyang dibdib. Hindi pa ako nakakabawi sa lapit namin ay sunod kong naramdaman ang pagbaon ng ulo niya sa pagitan ng aking leeg at balikat.
"Enzo," mahinang tawag ko sa pangalan niya dahil sa naramdaman na pagdampi ng labi niya sa balat kong naroon, inaamoy ako at marahan na humahalik.
"Ang bango mo.." napapaos na bulong niya, tila wala sa sarili. Para siyang bampirang inaamoy ang aking leeg, uhaw at gustong kumagat pero bawal.
"Enzo?" Naguguluhang tanong ko.
Sinubukan kong kumawala subalit hindi niya iyon hinayaan at mas humigpit ang yakap niya.
"Just stay still. Let's just finish the song."
Pinagtaasan ako ng balahibo sa mainit na hininga niyang tumatama sa aking leeg paakyat sa punong tainga ko.
Marahan siyang gumalaw, isinasabay ako sa marahan na sayaw niya.
At first he was just humming the song, but soon after he's already singing.
'Well, I won't give up on us,
Even if the skies get rough,
I'm giving you all my love,
I'm still looking up,'
I swear I almost stop breathing when he sang near my ear. His voice was cold and deep but it's unexpectedly good and mellow. Hindi ko pa siya narinig na kumanta, ngayon palang. Sobrang lapit pa namin kaya't rinig na rinig kahit parang ibinubulong niya lang naman sa akin, at sa akin niya lang gustong iparinig.
"Enzo, what are you doing?" I asked, very nervous. I almost fainted in front of these people.
"Singing," he answered like he was saying that it's obvious.
"Let's go back to our chair," I whispered, then gasped when I felt him on my neck slightly shook his head.
"They are watching. Tapusin lang natin ang isang kanta, Fel. Lalayo ako kaagad pagkatapos,"
"But.. I feel uncomfortable.. I can't breathe.."
He's body was so warm and his heartbeat beats as mine. Sobrang lakas din ng t***k ng puso niya na para bang pareho kami ng nararamdaman.
"You just have to close your eyes and hold me.. feel the rhythm of my heartbeat.. dance with me for as long as the song lasts.." he breathe softly as he held me tighter.
Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Napangiti siya sa leeg ko nang pumikit ako at sundin ang sinabi niya.
I clung my arms around his neck and I feel like I'm on cloud nine. It was as if I was dreaming. Ang gaan sa pakiramdam. Nawala ang lahat ng tao at kaming dalawa ang natira. Marahang sumasayaw sa saliw ng musika at lumulutang sa paligid na puno ng ulap. Pakiramdam ko'y hinehele ako at pinapatulog sa bawat pintig ng puso niya.
"I love you..."
My heartbeat tripled when I heard someone whispered in the air. Para lang itong dumaan at mabilis na lumagpas.
Dumilat ako sa narinig. Marahan akong humiwalay kay Enzo at tiningala siya. Mapungay ang kanyang mga mata na niyuyuko ako. Tapos na ang kanta at hindi ako sigurado sa narinig dahil sumabay iyon sa palakpakan ng mga taong narito.
Maybe one of the costumers here said that to their partner? Kasi malabong...
Tinitigan ko si Enzo. Ngumiti siya at hinila na ako paalis doon. Panandalian akong natulala bago ipinilig ang ulo at kinalimutan ang narinig.