Failed Seduction 20

2394 Words
We went to the mall and bought flower seeds for the school garden. Hinatid niya ako tatlong bahay malapit sa gate namin. Pagkauwi ko at pagkatapos makapaglinis ng katawan doon ko palang na-check ang aking cellphone. Maraming messages si Enzo pagkabukas ko at ang huling mensahe na natanggap galing sa kanya'y pinapatawag niya ako pagkauwi ko. I dialed his number while putting scented lotion on my body. Mom gave those to me. Tinuturuan niya akong mag-ayos at mag-alaga ng katawan na hindi ko naman masiyadong pinagtutuunan ng pansin. But a bit of scented lotion and perfume won't hurt. Hindi nga lang ang mga make ups, hindi ko iyon kayang gamitin cuz I don't think that's necessary to use inside or outside school. I put my phone on the dresser then I loudspeaker as soon as he answered. "Kakauwi mo lang?" Paos ang bungad niya. Narinig ko ang paggalaw ng kama at mukhang nahiga. "Yup!" I said popping the p, then poured some of lotion on my palm. Narinig yata ni Enzo ang pagtunog niyon dahil medyo nag-ingay pagkapindot ko. "Did you just fart?" He laughed. Napanganga ako at sinamaan ng tingin ang telepono dahil sa pang-aasar niya. "I'm not! That's my lotion! You're gross!" "You're gross!" I frowned when I heard him laughing while mimicking my voice. "Did you just call to annoy me?" I rolled my eyes then continued putting on my lotion. "I didn't call. You called.." he couldn't stop laughing. Then I realized, ako nga pala ang tumawag. "Pinatawag mo ako, Enzo! Kaya practically, ikaw ang tumawag!" He laughed hard. I exhaled angrily when I also find no logic to my reason. "Okay. But I still didn't call you-" "What do you need?" I asked cutting him off, already annoyed. Hindi ko alam kung magaling lang talagang mang-asar si Enzo o sadyang pikunin lang ako. "Agahan mo bukas. Susunduin kita," "Bakit? Saan tayo pupunta?" "Nakalimutan mo? Practice natin sa cotillion mo," tumayo yata siya kaya hindi muna ako nagsalita. Narinig ko ang pag-click ng switch na mukhang pindutan para bumukas ang ilaw. Tinapos ko nalang ng tahimik ang pag-pahid ng lotion sa hita habang hinihintay na bumalik siya sa kama. "Check your camera," he said huskily after a moment of silence. Nalito ako noong una ngunit pagkatingin ko sa screen ng cellphone ko tsaka ko natanto na nag-video call siya. Nakasuot lang ako ng malaking t-shirt at manipis na underwear lang ang nasa pang-ibaba. Ang ginamit kong tuwalya ay nanatili sa aking buhok para tuyuin iyon. I hesitated at first but he already turned the call on video call so I had no choice but to answer it. Wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin. Hindi ko na masiyadong inisip dahil hindi naman kita ang underwear ko at si Enzo lang naman itong kausap ko. Pinatayo ko ang cellphone sa dresser para makita niya ako kahit hindi ko hawak ang telepono. Tapos na ako magpahid ng lotion sa binti at hita pero hindi pa sa braso kaya't nagpatuloy ako habang ka-video call siya. Hindi siya nagsasalita at pinapanuod akong mag-lagay ng lotion sa ibabaw ng palad. Dalawang beses ko siyang binalikan ng tingin sa screen at nakitang seryoso lang siyang nakatitig sa ginagawa ko. Nang matapos sa braso'y inilapit ko ang mukha sa screen, hindi ko kasi siya masiyadong makita. Nagulat siya't napa-atras sa loob ng screen sa paglapit ko. Hindi pa yata nakuntento at inilayo pa ang screen sa kanyang mukha. Bahagyang bumuka ang labi niya at nanlaki ang mga mata sa ginawa ko. "What are you doing?!" Tanong niya, bigla nalang nairita. "Tinitignan ka. Hindi kita makita ng maayos," Naka-upo siya at nakasandal sa headboard ng kama. Walang suot na pang-itaas pero mayroon nakapatong sa ibabang katawan na puting unan. Hindi ko tuloy makita kung naka-sweatpants ba siya o naka-boxer shorts lang. "Anong nangyari sayo? Bakit gulat na gulat ka?" Kunot noong tanong ko. Umiling siya at nahiga sa kama, itinaas ang isang braso upang gawing unan, ang isang kamay ay hawak ang telepono niya. Napunta sa kanyang braso ang atensyon ko dahil sa pagsilip ng mga muscles sa ginawang unan na braso. "Saan kayo nanggaling?" Tanong niya't binasa ng dila ang ibabang labi, doon naman napunta ang tingin ko. Mas lalong pumula iyon dahil nabasa. Napakurap ako at inisip kung anong tinatanong niya. Naalala ko na umalis nga pala kami ni Cole. "Sa mall. Bumili lang kami ng flower seeds. Balak namin paramihin ang mga bulaklak sa school," "Ah, dalawa lang kayo? Kailangan niyo ng tulong? Pwede akong tumulong!" Natawa ako at lumayo sa screen. "Ano naman ang alam mo sa pagtatanim, Enzo?" Nakangising tanong ko, hinila paalis ang tuwalyang nasa buhok. Bumagsak ang basa at mahaba kong buhok sa likod. Hinayaan kong nakabukas ang tawag ni Enzo kahit hindi ko masiyadong maaninag ang ekspresyon niya sa screen dahil lumayo ako at kalahati lang ng katawan ko ang kita niya, natatabunan ang ibabang katawan ko ng dresser dahil doon nakapatong ang telepono habang nakaupo ako at nakaharap sa salamin. "Pwede naman matutunan iyon. Turuan mo ako-" "Wag na! Pampatagal ka lang kung tuturuan kita! Madali lang naman iyon kaya lang baka harutin mo lang ako at wala tayong matapos!" "Hindi, pag-aaralan ko. Tutulong ako," may pinalidad na sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na sinagot. Tignan natin. Baka sa salita lang ito dahil mababagot lang siya habang nagtatanim lalo pa't hindi niya naman iyon nakahiligan. Hindi ko pa nga siya nakitang humawak ng kahit anong halaman. Binuksan ko isa isa ang drawer, hinahanap kung saan ko naipasok ang suklay kanina na hawak ko. Nakalimutan ko kung saan ko nailagay dahil sa pag-tawag kay Enzo. "Nasaan na iyon?" Mahinang bulong ko, tinatanong ang sarili. "Anong hinahanap mo?" Tanong niya nang marinig ang bulong ko, pinapanuod ang pagbukas-sara ko sa mga drawer nang dresser. "My hair brush. I forgot where I put it," I said with my small but frustrated voice. Lumapit siya sa screen, mayroon tinignan sa likod. Bumalik ang tingin niya sa akin at itinuro ang likod ko. "Hindi ba iyon?" Nilingon ko ang tinutukoy niya. Naroon nga ang suklay, nasa ibabaw ng kama na nasa likod ko. Ibinalik ko ang tingin sa screen at ngumiti sa kanya. Nasa akin na ang titig niya. "Ang linaw ng mata mo. Thanks," saad ko sabay tayo. Narinig ko ang singhap niya pagkalapit ko sa kama. Nakatalikod ako sa kanya nang yumuko ako para abutin ang suklay. Muli akong humarap sa screen pagkakuha ko niyon. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ang pamumula niya sa loob ng screen. Sobrang pula na kitang kita kahit nasa malayo ako at papalapit pabalik. "Anong oras mo ako susunduin?" Naglalakad habang nagsusuklay na tanong ko. Bago pa ako maka-upo biglang namatay ang screen. Binilisan ko ang paglapit doon at sinuri kung bakit biglang nawala. His name was there but he ended the call. I pursed my lips and before I could call again I recieved a message from him. Enzo: I'll pick you up in the morning. I'm going to sleep. Good night, Felicity. I bid my good night too then dried my hair to go to sleep. Natulog akong tahimik ang telepono subalit nagising rin ako sa walang tigil sa pag-iingay nito. Umungol ako at dumapa sa kama. Nakapikit, nakadapa at inaantok pang kinapa iyon sa ibabaw ng bed side table para patigilin sa pagtunog. Kasabay ng pag-abot ko at pagdilat ng isang mata ay ang malakas rin na katok. Napipilitan akong bumangon, hindi alam kung ano ang uunahin. Ang telepono kung saan naroon ang pangalan ni Enzo o ang pinto na walang tigil kung sino man ang kumakatok. "Answer my damn call lazy bum!" Tuluyan akong nagising sa boses ni Enzo sa likod ng pinto. Padabog at magulo pa ang buhok na sinagot ko ang tawag niya. "Anong trip 'to? Nasa labas ka na tumawag ka pa sa akin? My door aren't lock!" "What are you wearing?" I knotted my forehead when he asked me that instead. Naguguluhan kong ibinaba ang tingin ko sa suot na pantulog. Bumaba ako ng kama at lumapit sa pinto para pagbuksan siya. "My sleepwear last night. Magka-usap tayo kagabi, hindi mo ba nakita?" Pagkalapit sa pinto'y inabot ko ang door knob at binuksan. Ngunit hindi ko pa tuluyang nabubuksan ay muli na 'yong sumara. Hinila niya mula sa labas at nakarinig pa ako ng ilang mura galing sa kanya. "You don't need to open the door! I'll wait you downstair!" He shouted then I heard his footsteps, hastily running down. Naguguluhan man sa wirdong kilos niya'y ipinag-kibit balikat ko nalang at piniling palampasin dahil nakita ko ang oras at totoong tinanghali na ako. Pumipili ako ng damit nang pumasok si Mommy. Lumapit siya sa malaking cabinet ko at pinanuod akong naghahanap ng susuotin. Saglit akong natigil sa ginagawa at humalik sa pisngi niya. "Anong oras po kayo nakauwi?" Tanong ko at nagpatuloy sa ginagawa. "Nauna ako kaninang madaling araw. Iniwan ko ang daddy mo dahil nagkaroon ng trabaho doon," Tumango-tango ako. Kalauna'y hindi na siya nakuntento sa panunuod, pinigilan ang kamay ko at siya na ang umabot ng damit. "Try this one, hija," pangingialam niya at idinikit sa katawan ko ang damit. Sumimangot ako sa napili niyang damit. It was a black halter dress above the knee. Labas ang buong balikat at kalahati ng likod. "I don't wear that kind of clothes, Mom," "Sige na, hija, para masubukan mo na rin at malapit na ang kaarawan mo! Try it for me, please.. and I'll help you put your contact lense!" She seems giddy. "Mom, practice lang ang pupuntahan ko at hindi ko pa birthday ngayon para mag-ayos," "I know. I know.. just try it. Okay?" Huminga ako ng malalim at pinagbigyan siya. Isusukat ko lang naman, magpapalit nalang ako mamaya. Nagtungo ako sa banyo. Pagkalabas ko'y suot ko na ang damit. Para siyang tuwang tuwa na bata at nagandahan sa inayusan na manika. Patakbo siyang lumapit sa akin at hinila ako papunta sa harap ng dresser para ipakita sa akin sa salamin ang itsura ko. It shows too much skin on the shoulder and on my back but it feels comfortable. Nakabakat ang hugis ng katawan ko dahil fitted ang dress mula sa itaas hanggang bewang. Ang pababa ay bagsak at maluwag. Natawa ako nang pina-ikot ako ni Mommy at sumunod sa galaw ang ilalim ng damit. "Sasayaw kayo. Magandang tignan iyan mamaya pag-ikot mo!" Napaharap ako kay Mommy dahil sa sinabi niya. Nalukot ang aking mukha at sinubukan abutin ang zipper na nasa likod ng dress na pinasukat niya. "I'm not gonna wear it, Mom! Ang sabi mo po isukat ko lang!" Reklamo ko, napalabi nang pigilan niya ang kamay ko sa pag-hubad ng damit. Sinuklay niya ng kamay ang buhok ko at sapilitan akong pina-upo sa harap ng dresser. Sanay na sanay si Mommy sa pag-aayos at hindi na ako nakapagreklamo nang ipusod niya pataas ang buhok ko. She hurriedly pulled back all my hair. Twisted it loosely and wrapped in a circular coil around itself. She loosely bunned my hair elegantly and secured it with a hair tie. It looks messy but fashionable. Bumagay ang ayos ng ipit ko sa suot na damit. Matapos akong ipitan ay pinatayo ako at mayroong pinasuot sa akin na black lace-up flat sandals. She also forced me to wear one of my lenses and help me spray a perfume properly. Nang masiyahan sa ayos ko'y itinulak ako palabas at hindi na binigyan ng pagkakataon na tumutol. Naghihilahan kami ni Mommy nang matanaw ko si Enzo sa kabilang dulo ng hagdan. Tamad na nakasandal sa railing. Nasa sala ang kanyang tingin ngunit nang marinig ang ingay namin ni Mommy ay napatingala siya. Bahagyang bumuka ang mga labi niya at napaayos ng tayo pagka-kita sa amin. Kung kanina'y tamad siyang nakasandal sa railing, ngayon ay diretso ang kanyang tindig na nag-aabang sa dulo. Nakatingala at seryosong pinapanuod ang paghila sa akin ni Mommy. Umirap ako at naghalukipkip pagtigil sa harapan niya. Tatlong baitang nalang ay nasa ibaba na ako. Tinignan ko ng masama si Mommy na nag-tuloy tuloy sa kusina at iniwan kami. Hindi ko ililipat ang tingin kay Enzo kung hindi niya inabot ang isang kamay. Nasa ere iyon at nakalahad sa akin, naghihintay na abutin ko. "Let-" he cleared his throat. As if something had stuck in his throat. "Let's go?" I pouted and frown. Humakbang ako pababa pa ng isang beses. Nasa harapan ko na ang kamay niyang nanatiling nakataas. Hindi ko inabot iyon at sa halip ay itinuro ko ang sarili ko. "Mommy is so annoying! Look at me! What does she think of me? Her doll? Kaya ayokong pumayag sa party na ito e!" I complained and slightly stomped my feet. He chuckled without taking off his eyes on me. He was staring at me intently as he was offering his hand to me. "Don't be annoyed. She just want to make you look more beautiful.." he speaks huskily, still staring at me attentively. Ang kamay niya'y nanatiling nakataas kahit hindi ko inaabot. Umawang ang labi ko. Nagulat sa sinabi niya. Tinitigan ko siya ng maigi dahil kahit kailan hindi ko naisip na sasabihin iyon ni Enzo. Mas kapani-kapaniwala pa kung iniinsulto niya ako ngayon ng harap-harapan. Napansin niya ang paninitig at gulat ko. Parang natauhan siya. Umiwas siya ng tingin at pagkabalik ng mga mata sa akin ay nakangisi na. Maya maya ay natawa. "Tsk! Maybe Tita is getting tired of your ugly face!" He smirked evily, still waiting for me to reach his hand. Umirap ako at hinampas ang kamay niya. Padabog na bumaba sa hagdan, hindi na siya binalikan ng tingin hanggang sa makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. ------Miss IYA I can't give you flowers and chocolates but I can give you Chapter 20 and 21 as a Valentines gift. Hindi ko muna sasaktan si Enzo sa ngayon. Isiningit ko lang ito isulat today para makapag-update kahit busy sa pagtuturo sa panganay ko. I hope you enjoy Reading my Valentines gift for all of you, especially Chapter 21. Love Lots Everyone and Happy Hearts Day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD