Failed Seduction 19

2027 Words
I immediately felt his sincerity. He kept what he said that he wouldn't be angry with Cole's courtship. Parehas kaming hinatid ng kaibigan niya sa araw na iyon. Sinunod din ako nang sinabi kong ipakuha nalang ang kanyang sasakyan. Kinain ako ng awa sa paraan ng pagyakap niya sa akin sa loob ng sasakyan. Sa pagmamakaawa niya'y akala mo nama'y masiyado ko siyang inaapi at inaalipin. Napansin ko ang pangangalumata niya sa mga nagdaan na araw noong hinahatid sundo niya ako. Ang inakala ko'y napupuyat siya dahil sa trabaho subalit nang sinabi niyang ang hindi ko pagka-usap sa kanya ang dahila'y para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga naging malamig na pakikitungo ko sa kanya. Oo at nasaktan nga ako sa mga nasabi niya sa opisina niya at napahiya ngunit bumawi naman siya kaya bakit ba ako sobrang nasaktan sa ganoong pakikitungo niya? Normal lang sa magkaibigan ang pagkakaroon ng tampuhan at hindi pagkakaintindihan. Napag-uusapan dapat iyon at inaayos, kaya bakit ba parang dinaig ko pa ang girlfriend na hindi napagbigyan sa mga araw na hindi ko siya pinapansin? "Anong subject iyan?" Pakikiusyuso niya sa librong dala ko. "Math," "Ah! Magaling ako diyan!" Diniinan ko ang ibabaw ng libro para hindi niya makuha nang magtangka siyang kuhanin iyon. "Kaya ko! Ano bang ginagawa mo at nakabantay ka sa akin dito?" Nagkibit balikat siya at malakas na hinatak ang libro. Hindi ko na napigilan nang buklatin niya iyon. Hinayaan ko na rin at hindi na siya masiyadong inaaway nitong mga nagdaan na araw pagkatapos namin maging maayos. We were in the coffeehouse waiting for Cole's last class to finish. Ang sabi ko iwanan na niya ako at ako nalang ang maghihintay, ayaw niyang makinig at binuksan pa ang isang libro sa lesson ko para turuan ako sa subject na nahihirapan ako. "I'll leave when he arrives. Wag kang mag-alala. Hindi ko kayo guguluhin. Sasamahan lang kitang maghintay." Tinitigan ko siyang nakayuko sa akin. Naninimbang kung talaga bang aalis siya pagkarating ni Cole. Hindi ko pa naman nasabi na kasama ko si Enzo. Naisip ko na baka hindi matuwa si Cole sa kaalaman na narito ito. Nakakairita kaya 'yong ginawa niyang pagtulak kay Cole na para siyang notorious bully ng paaralan na naghahamon ng away. I adjusted my glasses. Hindi ako sanay sa araw-araw na contact lenses. Pinagsasalitan ko ang salamin at lenses pero mas madalas parin talagang nakasalamin ako. Bukod sa nasanay ako rito ay mas madali pang isuot. Nakapangalumbaba ako sa lamesa. Pinapanuod siyang seryosong sinusulat ang mga importante sa subject na kailangan ko ma-memorize. I didn't ask for help but he's persistent. He was already writing and my book was already in front of him so I just let him do what he want. I glance at him then reached for his phone and connected it to the earbuds I was using to play a song on his phone. Nilingon niya ako sa ginawa kong pangingialam sa cellphone niya. Sinilip niya rin ang ginagawa kong pag-check sa mga messages ng ilang babae. Marami pa siyang hindi nababasa na messages at mukhang sinadyang hindi na tignan. Hindi ko na iyon binuksan at binasa nalang ang mga nabuksan na niyang message. May conversation sila ni Jennica. Umusog ako ng kaonti para lumayo sa kanya at tignan kung tungkol saan ang mga pinag-uusapan nila. I scrolled up to check how long they were talking. Nagsimula ang convo sa pangungulit ni Jennica na hindi nirereplyan ni Enzo. Wala siyang reply sa mga naunang messages ni Jennica sa social media. Napalabi ako at lumagpas ang mata sa cellphone patungo sa kanya sa nabasa. Nabasa ko kasing nagreply siya kay Jennica noong araw na nag-usap kami sa kwarto niya at sinabi kong nag-aral kami sa coffee shop ni Cole. Nagreply lang siya dahil mayroon itinanong. Hindi ko alam kung maaawa ba ako bilang babae sa mga babae niyang lantaran na ginagamit niya lang, o hindi dahil mukha namang alam nila sa umpisa palang pero pumapayag sila sa ganoong set-up. I don't wanna judge their sexlife but I was confused how they tolerated a relationship without labelling. It seems confusing that you never know where you will end up. Nakakalito at hindi ka pwedeng mag-demand. They can pass as f**k buddy but more shorter term as that. As a woman I just think that they deserve more than that. Men should make women feel beautiful. Women deserve to be appreciated, valued, desired and most especially women deserve to be respected. I pursed my lips when I remembered that I was living in the modern era. Parang hindi na nga kilala ang salitang respeto ngayon. I shook my head a bit and stop thinking then continued reading their conversation. Enzo: Do you often see Felicity and Cole together at school? Jennica: Kailan ka pupunta dito? She didn't answer Enzo's question. I pursed my lips more. I could imagine Enzo irritated expression while typing a reply. Enzo: Answer me first. Jennica: Come here and I will tell you. I miss you! I pouted, he didn't reply. Hanggang doon lang ang usapan nila. Ang sunod kong nabasa na usapan nila ay noong sinundo niya ako at sinabi kay Jennica na nasa parking lot siya. Iyon 'yong naabutan ko na naghahalikan sila. "I'm done here. What are you reading?" Dali dali kong inalis sa social media niya. Then I hurriedly close the app I was reading a while ago. Wala naman nakakatakot sa ginawa ko na pagbabasa pero bigla akong kinabahan at nagulantang sa biglaang pagsasalita niya. Pakiramdam ko nahuli akong nang-s-stalk kahit alam niya naman na tinignan ko ang messages app kanina nang sumilip siya. "Wala, naghahanap ng magandang kanta," pagdadahilan ko at pinindot ang music player na nasa screen sa itaas bilang patunay. "Patingin!" Hinarap ko iyon sa kanya at ipinakita ang pag-scroll ko sa mga kanta para pumili. Halos iduldol ko iyon sa mukha niya para lang maipakita na totoo ang sinasabi ko at wala akong binabasa. "See?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Napapangiti. Tumango siya't inilapit sa akin ang mga isinulat niya. Pinapakabisado niya sa akin iyon. Iniwan sa akin ang phone niya at tumayo para kumuha ng inumin. Sinundan ko siya ng tingin. Kanina ko pa napapansin ang mga babae sa kabilang table na tingin ng tingin sa kanya. Nahulaan ko lang ang gagawin ng isang babae nang tumayo rin ito pagkatayo ni Enzo. Pumila ang babae sa likod ni Enzo na tingin ko ay sinadya. Sumunod ang isa pang babae at nagtutulakan sila sa likod ni Enzo. Napangisi ako at tumaas ang kilay. Hinintay na mapansin sila ni Enzo. Kung sakali ay mukhang magiging abala si Enzo mamayang gabi. Bago kami maging malapit nakilala ko siyang magaling talagang mambilog ng mga babae. Sa ilan taon ko siyang nakasama hindi ko pa nakitang naging seryoso siya sa isang relasyon. Kapag ganitong may pagkakataon sinusunggaban niya kaagad at alam ko kaagad na sa hotel ang bagsak nito. Natawa ako ng mahina sa pagbangga ng babae sa likod niya. Napatingin siya sa mga ito at kasabay ng hagikgik ng mga babae ay ang lalong pagtaas ng kilay ko dahil hindi niya pinansin ang mga iyon at sa halip ay tinalikuran ulit. Hindi na niya ulit nilingon ang mga babae hanggang sa makabalik siya sa table namin. "Enzo?" Tanong ko, natatawa at nagtataka. "Bakit?" Balik tanong niya, nagtataka rin. "Nasaan si Enzo? Ilabas mo!" Biro ko, natatawa pa rin. Nakakapanibago. Nang nakaraan lang ay puro makamundong bagay ang usapan namin tungkol sa mga babae niya. Ngayon mukhang wala yata siyang gana at hindi pinansin ang mga babae kanina. Bumalik na rin ang mga iyon sa table nila pagka-alis ni Enzo. "Get her number!" Tinulak ko siya ng bahagya sa braso pagka-upo niya sa tabi ko. "What?" He asked again, he's now irritated because I was pushing him. "Get her number! I think she likes you!" Tinulak ko ang pisngi niya para maiharap sa mga babae. Nakita nila ang ginawa ko, ang mga kaibigan ng babae na nagpapapansin kay Enzo ay tinutulak na ng mga kasama nito. Siguro'y tinutudyo dahil sa pagharap sa kanila ni Enzo. Iritadong inalis ni Enzo ang kamay ko sa pisngi niya, salubong ang kilay akong tinignan at padabog na inalagay ang isang inumin na in-order niya sa harapan ko. "Stop it, Fel.." he warned me but I just laughed. Tinulak ko ulit siya at halos mahulog sa upuan. "Bilisan mo na!" Nagtiim-bagang siya at tinignan ako ng masama. Nanatiling nakaupo at wala yatang balak tumayo. Mas nilakasan ko ang pagtulak, muntik pang matapon ang inumin niya. "Ano ba, Felicity!" Hinawi niya ang kamay ko pero hindi ako nagpapigil, paulit-ulit ko siyang itinulak hanggang sa mapatayo siya dahil wala na siyang upuan kakatulak ko. Nagmamadali kong ipinatong ang bag sa tabi ko para wala na siyang maupuan. Kaya lang, umikot siya at sa katapat kong upuan naupo. "Kanina pa tingin ng tingin sayo. Ang ganda ng babae.. mga tipo mo. Lapitan mo na!" "Wala akong gana, Fel. Wag kang makulit." Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Tinignan niya ako pero hindi ginantihan, hindi katulad nang dating ginagawa niya. Parang ang daming nagbago sa kanya. Dati kulang nalang mag-wrestling kami, ngayon hindi na niya ako pinapatulan. Nilipat niya sa kanyang harap ang drinks niyang nasa tabi ng inumin ko. Hindi niya pinansin ang pagsimangot ko at sa labas nang bintana tumanaw. "Kainis ka! Ang sabi mo aalis ka! Malapit na matapos ang klase ni Cole e! Hindi niya alam na nandito ka!" Reklamo ko. Natigil siya sa pag-inom at bumalik ang tingin sa akin. Umawang ang labi niya, tinitigan ako at marahang umiling. "Kaya mo ba ako pinapaalis dahil papunta na siya?" Seryosong tanong niya. Naibaba ang inumin at parang nawalan ng gana. Marahas niyang inagaw ang phone niyang nasa kamay ko at tumayo dala ang inumin. Walang salitang lumapit siya sa mga babae. Nakipag-usap siya sa babaeng bumangga sa likod niya kanina at tumabi, nakikipagtawanan at lalong idinidikit ang katawan. Binuklat ko ang sinulat niya kanina at nagsimula nalang magbasa. Patapos na ako sa mga binigay niya na sasagutan ko kaya tinignan ko ang ginagawa nila. Nanlaki ang mga mata ko nang malingunan na naghahalikan na sila at kulang nalang umalis dito para lumipat sa hotel na pinaka malapit. Napalabi ako at hindi na magtataka kung laman nanaman siya ng hotel mamaya. Nakapikit ang babae habang nakabukas ang mga mata niya, marahan ang naging paglipat niya ng tingin papunta sa akin at tinitigan ako habang hinahalikan ang babae. Seryoso ang kanyang mga mata at tingin ko'y nagyayabang nanaman ito sa loob loob niya. Kumunot ang noo niya nang matawa ako at nagpatuloy sa ginagawa. Bumubulong bulong pa ako at saglit na nagme-morize. Nag-pokus sa ginagawa't hindi na sila binalikan ng tingin. Saglit ko pang pinag-aralan ang ilang pahina ng libro at mga sinulat ni Enzo. Nang balikan ko siya ng tingin ay nakikitawa na siya sa mga babae, paminsan minsan ang tingin sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin, nagtagal ang titig niya ngunit nahiwalay ang tingin ko sa kanya at tumagos papunta sa likod niya pagkatanaw ko kay Cole na papasok sa pinto ng coffeehouse. Napatingin din si Enzo doon dahil sa pag-ngiti ko pagkakita kay Cole. Napatayo ako nang tuluyang pumasok si Cole para madali niya akong makita. Sa akin kaagad dumirekta ang mga mata niya at nagmamadali akong nilapitan. "Let's go?" Tumango ako at inayos ang mga gamit na nasa lamesa. Tinulungan niya ako sa pag-aayos at siya na rin ang nagbuhat ng mga gamit ko. Pagkalabas sa coffeehouse muli akong napatingin kay Enzo na naiwan sa loob. Bahagya siyang nakayuko, kinakausap ng babae pero ang mga mata niya'y nakatitig lang sa pinaglalaruan na inumin. "Eia," tawag ni Cole. Ngumiti ako at lumapit sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay sa loob. Habang nagsusuot ng seatbelt ay binalikan ko ulit ng tingin si Enzo. Naabutan ko siyang palabas na sa pinto ng coffeehouse at nakatanaw sa sasakyan ni Cole na umaandar na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD