Carmella POV Simula ng mapanaginipan ko iyon kanina ay hindi na ako nakatulog. Inoccupy niya ang buong oras na sana ay naibalik ko sa pagtulog. Takot at pangamba ang lumukob sa buong sistema ko at sa isip ko. Natatakot na baka mangyari iyon sa kasalukuyan. Sumikip bigla ang dibdib ko nang isipin pa lang na mangyayari iyon. Umiling ako at binura iyon sa isipan ko. Pinili kong manatili muna dito sa labas para magpahangin. Yakap ko ang balabal na siyang bumabalot sa akin. Pataas na ang araw sa silangan na halos nakukuha na ako ng bungang araw nito na masarap sa pakiramdam ang pagdapo nito sa akin. "Gising ka na pala nak. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" pag-aalala parin ni nanay sa akin. Ngumiti at tumango ako. "Ayos na po ako nay. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko at hinaplos ni nanay

