Carmella POV Halata ko ang pag-iwas ng mata ni Latina sa akin. Si Bry at Vico naman ay seryosong nag-uusap, marahil doon sa nangyari kahapon. Sa lalakeng nagngangalang Arthur. Narinig ko na rin na nasa daan na ang lola nilang si Maam Imelda at ang ama ni Vico, at ang mga sumunod ay hindi ko na inabalang pinakinggan at mas binuhos ang atensyon ko kay Latina. "May gusto ka bang sabihin Latina?" pagpapaamin ko habang binabalatan ang masanas. "Ahm, ate... kasi.." nag-aalinlangan siyang sumulyap sulyap sa akin. Tiningnan ko siya. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. "Walang masama na humanga ka sa katulad niya Latina. Ang masama ay gawin ang bagay na hindi pa naayon sa edad mo." nilingon ko si Vico na paminsan minsang tumitingin sa amin lalo na kay Latina. "May panahon ka pa para hanapin a

