Carmella POV Mabilis lumipas ang araw sa amin ni Bry. Naging hatid sundo niya ako araw-araw. Mas naging panatag ako at mas naramdaman ko ang kaligtasan ko kapag andiyan si Bry na kasama ko. "Sigurado ka bang wala na iyong sasakyan na nagmamanman sayo anak?" pag-aalala na tanong ni nanay sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Mukhang natakot kay Bry nay." biro ko saka tumawa. "Pero parati ka paring mag-iingat. Hindi sa lahat ng oras nariyan si Bry para samahan ka." pagpapaalala niya sa akin . "Opo nay. Kahit papaano ay nasa puso ko parin ang mga turo ni tatay paano magself defense." pagyayabang ko na kinalungkot naman bigla ni nanay. "Malapit na ang kaarawan ng tatay mo nak, pero hindi parin ako mapanatag sa pagkamatay niya." naiiyak niyang sambit. Tumingin ako kay nanay at inintindi ang

