Carmella POV Mahigpit ang kapit ko sa sling bag ko. Hindi ko maiwasang lumingap lingap sa paligid na baka nariyan pa ang sasakyang kanina ko lang nakitang nagmamasid sa akin kahit na nasa mansyon pa ako ng Salvador. Mabalis akong tumakbo ng makita ko na ang karinderia. Pumasok agad ako sa likod at doon ko naabutan si auntie Basha na naghahanda na ng ibang putaheng ididisplay sa labas. "Tumakbo ka ba? Hingal na hingal ka ata." napansing tanong sa akin ni auntie. Hinubad ko ang sling bag at sinabit ito sa may pako. Kinuha at sinuot ko naman ang apron na katabi nong nakasabit. "Akala ko po kasi masyadong late na kaya tumakbo na po ako." pagsisinungaling ko saka pinunasan ang pawis sa noo ko. Nang magsisimula na sana ako sa paghahanda ng gulay ay biglang tumunog ang cellphone ko. Humingi

