Carmella POV "Normal bang mainggit kapag nakakakita ka ng nagyayakapan sa harapan mo?" Nakahalukipkip na turan samin ni Rian. Nagpaalam bigla si Bry na luluwas sila ni Rian ng Manila. May problema daw kasi sila Mika ngayon na kailangang ayusin bago ang nalalapit na kasal nila ni Henry. "Ayaw mo ba talagang sumama? Hindi na magbabago ang isip mo?" Pagpupumilit niya sa akin. "Hindi na at walang kasama sila nanay dito. Natext ka naman na sakanila na ikaw nalang ang pupunta." tugon ko na lalo niyang kinahigpit ng yakap sa akin. "I'll be missing you Misis ko." malungkot niyang sabi. Maski ako ay nalungkot rin sa biglaang pag-alis nila pero kailangan eh. Kailangan sila doon. "Ako rin." Bulong ko. Tumikhim si Rian na kinalingon naming dalawa sakanya. "Ayaw kong paliparin ang sasakyan pa

