Carmella POV Hinahaplos ko ang buhok ng kapatid habang mahimbing na natutulog at unan ang hita ko. Tulala naman akong nakatingin sa hinlayan ngayon ni nanay. Alam kong darating talaga ang panahon na iiwan niya kami pero hindi ganito kabilis at bibiglain kami. May mga pangarap pa akong gustong kong matupad kasama siya pero iniwan na niya kami. Tiningala ko ang ulo ko upang pigilan ang nagbabadyang mga luha ko. Kailangan kong maging malakas sa harap ng kapatid ko. Ayaw kong ako ang maging kahinaan niya sa mga panahong ramdam niyang kami nalang ang natitirang magkasama. "Carmella!" naagaw ang pansin ko ng makita ko Bry sa pintuan. Humahangos ito na parang tumakbo ng kay layo makarating lang dito. Napansin ko ang lungkot sa mga mata nito ng makita ang kabaong ng nanay ko. Lumapit ito roo

