Nagising ako ng may maramdamang akong humipo sa ulo ko. Nabungaran ko ang isang maamong mukhang puno ng pag aalala.
"Ok na ba ang pakiramdam mo?" Kalmadong tanong niya sa akin sa mababang paraan ng boses niya.
Bat ganun? Parang naglalaro sa tenga ko ang boses niyang iyon na pakiramdam ang sexy'ng pakinggan.
Tumango ako at dahan dahang bumangon. "Anong oras na?" Tanong ko dahil nakikita kong sumisilip na ang araw sa may yerong bintana namin.
"7:30." Namilog bigla ang mata ko at tumingin sakanya.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Taranta ko pero naramdaman ko ang sakit ng katawan ko dulot ng nangyari kagabi.
Mga siraulong mga lalakeng iyon. Sana mabulok sila sa kulungan. Agad kasing rumusponde ang mga tanod ng makita kami at ang dalawang bagsak na lalake sa lupa at tinanong kami kung ano ang nangyari. Pinaliwanag lahat ni Bry at siya nadin naghatid sa akin pauwi.
Kita ko ang pag aalala ng nanay ko ng makita ang itsura ko. Pulang pula ang dalawang braso ko at magang mata dahil sa pag iyak.
"Sinabi ko na sa bahay na hindi ka muna makakapagluto doon sa buong araw at kailangan mong magpahinga." Aniya niya saka tumayo sa harapan ko.
"Pero... "
"Walang pero Carmella. Huwag ka nang makulit." Saad niya na kinakunot ko ng noo.
"Sana hindi mo sinabi sakanila ang nangyari kagabi." Pag aasam ko na sana hindi nga.
"Alam nila sa bahay. Sila rin ang nagsabi na huwag ka munang pumasok." Pagpapaalam niya.
My lips parted. Sabagay tatanungin din naman siya bakit hindi ako makakapasok.
Dahan dahan akong tumayo at aakma siyang aalalay sa akin pero pinigilan ko siya.
"Kaya ko." Saad ko saka lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng makita ang mga nakahanda ng pagkain sa lamesa.
Nilingon ko siya sa likod at malawak ang ngiting nakatingin sa akin.
"Kain ka na." Yaya niya saka ako dinala sa upuan at pinaupo.
"Ikaw ang nagluto?" Manghang tanong ko.
"Yung pritong itlog lang. Yung iba ang nanay mo na." Aniya niya saka sumandok ng kanin at nilagay sa plato ko at sinunod din ang itlog na niluto niya.
Kinuha ko ang kutsara at tinidor saka sinimulang kinain ang kanin at ulam na nilagay niya.
"Masarap ba ang itlog ko?" Tanong niya na kinaubo ko sa klase ng tanong niya.
Inabot niya ang baso na may tubig sa akin at ininom ko agad iyon.
"Ayos ka lang?" Pag aalalang tanong sa akin.
"Ayos lang ako." Sagot ko.
"Hindi ba masarap yung luto ko?" Tukoy niya sa pritong itlog na niluto niya. Umiling akong natatawa sa itsura niyang mukhang problemado.
Nagulat ako ng kinuha niya ang niluto niya at akmang itatapon ito sa labas.
"Saan mo ilalagay yan?" Tanong ko at lumingon agad siya.
"Itatapon kung hindi masarap. Magluluto nalang ako ng iba." Paliwanag niya pero agad ko siyang hinabol at pinigilan sa gagawin niya.
Sayang din yun tapos itatapon niya lang. Wala naman kasing problema sa ulam. Ang problema lang ay yung sinabi niya na kinaisipan ko ng ibang meaning.
"Masarap yang itlog ... n-na niluto mo." Aniya ko na kinaiwas ko rin agad. Parang agsagwa sa isip na banggitin yun.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya napalingon ulit ako sakanya.
"May problema?" Kunot noong tanong ko.
Nilapag niya ang itlog sa mesa at hinarap ako na ngiting ngiti parin.
"Wala naman. Baka kasi ibang itlog yung naisip mo sa sinabi ko kanina." Aniya niya na kinainit ng mukha ko.
"H-hindi no!" Tanggi ko pero narinig ko siyang tumawa pa kaya inirapan ko lang siya.
"Gising ka na pala anak?" Agad kaming napalingon sa pintuan nang magsalita si nanay.
"Saan po kayo galing?" Tanong at agad akong lumapit pero mas mabilis nakalapit si Bry para buhatin ang mga buhat na supot ng nanay ko.
"Salamat iho." Pasasalamat niya kay Bry na tinugunan naman niya ng ngiti. "Galing ako kina Nardo at nangamusta lang. Bumili narin na asin sa tindahan nila at naubusan na pala tayo." Kwento ni nanay.
"Pwede naman na ako nalang po sana ang bumili." Saad ko pero tinapik lang ako ni nanay sa balikat.
"Magpahinga ka nalang at walang araw na hindi ka rin nakapagpapahinga sa katratrabaho mo." Ngiting ani ni nanay sa akin.
Napangiti ako sa pag aalala ng nanay ko sa akin. Wala naman sa akin kung puro trabaho ako basta maibigay ko lang ang pangangailangan nila sa araw araw. Di bale na ako. Masaya na ako kapag nakikita ko silang masaya.
Natapos akong kumain. Nag ayos sa loob ng bahay at kukunin sana ang mga balde sa gilid ng kahoy na lababo namin pero hindi ko iyon nakita. Akmang tatawagin ko si nanay para tanungin pero nakita ko si Bry na buhat buhat na ang dalawang balde na may laman ng dalawang tubig.
Napaderitso ako ng tingin sa damit niyang nabasa at hapit sa puting tshirt niya. I can't deny na talagang nabiyayaan ito ng ganda ng katawan na halos pinagyayabang pa sa mata ko ang laki at tigas ng biceps habang buhat ang dalawang balde magkabilaan at ang dibdib niyang sumasabay din.
Napailing ako sa isipan at gumilid ako para bigyan siya ng daan at ilagay sa lababo.
"Ako nalang sana nag igib." Sambit ko.
"Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat. Habang nandito ako, I will not let you do those chores." Seryosong saad niya. "Just sit and relax. Or you can watch me." Ngising tuloy niya pero inirapan ko lang at narining ko ang munting pagtawa niya.
"Wala ka bang ibang gagawin sa bahay niyo or sa farm ninyo?" Tanong ko. Andito lang kasi siya at baka may pinapagawa ang lola niya sakanya.
"Nakausap ko naman na sila Bricks and Jeloy. It's ok. I manage everything." Saad niya at hinubad ang puting damit at nalahad ang mala tinapay na abs niya.
Napaiwas ako ng tingin sa walang hiyang hindi pagpapaalam niya na huhubarin niya sa harapan ko.
I was speechless. Lumabas siya ng bahay na dala ang palakol na kinuha sa gilid ng pintuan at sinimulang magsibak ng kahoy sa harapan ng bahay. Hindi ko napansin ang sariling katawan kong napalapit sa pintuan at sinilip siyang nagsisibak ng kahoy. My eyes was stuck on his big body.
Sa bawat paggalaw ng mga muscle niya ay ganun din kasexy sa paningin kong panoorin siya. Natauhan nalang ako sa pinaggagawa ko ng makita ko si uncle Nardo na paparating. Anyare sayo Carmella?
Saglit akong nagtago at inayos ang sarili saka nagpakita.
"Uncle!" Tawag ko at napatigil naman si Bry sa pagsibak.
Ang mata ni uncle ay wala sa akin kundi nasa taong nasa gilid namin.
"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung apo ni mam imelda Salvador?" Tanong niya kay Bry at tumango naman ito. Nasilayan ko ang malawak na ngiti ni uncle kay Bry.
"Oh Nardo, andito ka pala." Tawag ni nanay na nasa taniman niya lang pala nakatambay.
"Naku Teresita, naiwan mo iyong isang bote ng mantika na binili mo kaya ako na nagdala dito." Saad ni uncle at ako na ang umabot doon.
"Naku salamat. Nakalimutan ko." Nahihiyang aniya ni nanay.
"Walang anuman sa akin iyon." Sagot ni uncle at lumingon siya ulit kay Bry. "Nililigawan mo ang pamangkin ko?" Nakangiting tanong ni uncle kay Bry na kinamilog ng mata ko.
"Hindi po siya nanliligaw uncle." Agad na sagot ko sabay tingin sakanya na nakatingin din sa akin at agad akong tumingin uli kay Uncle.
"Sayang naman kung hindi mo liligawan ang pamangkin ko." Ani ni uncle.
"Hayaan mo na sila Nardo na magpakiramdaman muna." Ngiting singit naman ni Nanay.
"Sabagay at nabanggit nga ng nanay mo na kahihiwalay mo lang sa dati mong nobyo noong isang buwan." Pakwento ni uncle. "Oh siya. Hindi rin ako magtatagal at walang tao sa tindahan." Paalam niya at umalis na din agad.
"Ako na magpapasok niyan anak." Boluntaryo ni nanay saka kinuha ang bote ng mantika sa kamay ko at pumasok ng bahay.
Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
"Bakit kayo naghiwalay?" Sabay sa pagsibak ng kahoy sa harapan niya at inayos na waring alam na alam ang ginagawa.
"Mahabang kwento."tipid kong sagot. Hindi sa ayaw kong ikwento, ayaw ko lang na maalala at maramdaman ulit ang sakit na dulot non.
"You can count on me. I will listen." Sambit niya na kinalingon ko ulit sakanya.
Napaisip ako ng ilang sandali.
Humarap ako sakanya at kwinento narin ang lahat. Hindi ko kwinento kina nanay at kiko ang lahat. Sinabi ko lang na wala na kami maski kay Abbie pero alam kong alam na niya ang rason bakit ako nakipaghiwalay.
Habang kwinekwento ko ang punot dulo ng hiwalayan namin ay hindi ko maiwasan ang mapangiting mapakla na maalala ang araw na nakita ko silang magkasama ng babae at ang gabing natanggap ko ang tawag.
Sa una ay hirap kong paniwalaan na kaya niyang gawin iyon sa akin. Pinaniwalaan ko ang mga salita niyang 'hindi niya ako iiwan' 'na ako lang ang mahal niya kahit anong estado pa ng buhay namin.' 'Na hindi siya maghahanap ng iba'.
Hindi naman talaga siya naghanap ng iba. Sadyang tadhana lang nila ang ipakasal sila sa ibang kaperahas ng estado ng buhay nila. Ako na ang nagparaya at umalis para hindi na siya mahirapan sa pagpili.
"Mahal mo parin?" Seryosong tanong niya.
Tumango ako. Hindi ko naman pwedeng itanggi na hindi ko pa siya mahal dahil sa haba din ng pinagsamahan namin ay masasabi kong mahirap siyang kalimutan. I admit that I was still in pain. Pero nagmomove on naman.
"Never cry for the person who doesn't know the value of your tears. Better keep those tears for the right person who can give you real happiness instead of sadness. Tears of joy kumbaga." Saad niya.
"Hindi pa ako ready. I'm still on the process." Sambit ko.
"Then, I can wait." Aniya niya na kinatingin kong naguguluhan sa sinabi niya
"Wait for what?" I asked.
"Wait until you're ready." He smirked.
"Bry iho." Tawag ni nanay na kinalingon namin dalawa. "Kanina pa tumutunog yung cellphone mo. Mukhang may tumatawag." Nagkatinginan kami ni Bry at agad naman sumunod sa loob.
Nasa kwarto ako at nag aayos ng masulyapan ko siya sa bintana na may kausap sa phone niya.
"May kasama na akong aawit para sa kasal niyo Brent, her name is Carmella, pakilagay na sa program Rian!" Banggit niya sa pangalan ko at napakunot ako ng noo.
Lumapit ako sa bintana at inantay siyang matapos sa pakikipag usap sa mga kasama niya. Lumingon siya sa akin pagkatapos.
"Narinig ko ata yung pangalan ko?" Tanong ko. Napansin ko ang pagngiti niya.
"Oo. I was incharged with my friend's wedding songs. Hanap daw ako ng kasama at ikaw ang naisip ko." Pag imporma niya.
"Bakit ako?" Kuryuso kong tanong.
"Kasi ikaw ang gusto ko." I was stunned. Eto nanaman siya.
"Bakit nga ako ang gusto mong makasamang umawit sa kasal ng kaibigan mo?" Pagklaklaro ko sa tanong ko.
"Kasi nga ikaw ang gusto ko. No buts. No objection and no question. " he just simply said with an authoritative voice.
"May trabaho ako sa bahay niyo." Pagpapa alala ko.
"Pag aalis na tayo papuntang Manila, sasama na si mommyla. So wala ka nang lulutuan sa bahay." Imporma niya.
"Tayo? Di pa ako pumapayag." Saad ko.
"Why?" Biglang seryosong tanong niya.
"Walang makakasama sila nanay at kiko dito. Hindi ko sila pwedeng iwan." Paliwanag ko. Totoo naman. Baka anong mangyari ulit kay nanay kung iiwan ko sila dito na sila lang ni Kiko.
"Habang nasa Manila tayo, doon muna sila sa bahay." Usal niya.
"Nakakahiya! At ayaw din ni nanay yun." Tanggi ko.
"Ako ang kakausap sa nanay mo." Sagot niya agad.
"Bry!" Banta ko pero nginitian lang niya ako.
"Huwag ka nang kumontra." Sambit niya sabay pisil sa pisngi ko pero agad kong tinapik ang kamay niya.
"Hindi nakakatuwa." Sabay irap ko sakanya.
"Ang suplada mo parin. Pero okay lang. Gusto ko ang mga babaeng masungit at medyo pakipot." Tudyo niya sabay kinindatan ako.
Para tuloy gusto kong sumipa ng tao.
"Dapat last week pa kaming nasa Manila." He added.
Bigla kong naalala yoong sinabi ni Aling Felicidad non na isang linggo lang daw talaga sila dito at di ko napansin ang araw na sumobra na pala sila sa isang linggo.
"Bakit nga ba?" Tanong kong muli.
"Because of my request." Saad niya.
"What request?"
"Secret." Ngiti niyang sagot at iniwan ako sa bintana.
Bukod sa mahangin ang lalakeng yun, masyado ring bulgar sa nararamdaman niya. Ewan ko ba kung seryoso. Hindi ko rin alam ang background niya. Baka mamaya pala babaero. Masasaktan nanaman ako. Kaya sa puso ko? Huwag ka munang mahulog sa taong kailan mo lang nakilala, okay?
Saka ako lumabas ng kwarto.
Gabi na at narito parin si Bry sa bahay. Mukhang balak na dito tumira. Saan naman siya matutulog? Halos pagsiksikan pa namin ang katawan naming tatlo sa isang kama. Hindi naman siya pwedeng matulog sa baba at lupa lang ang tanging sahig namin. Hindi simento.
"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Tanong ko.
"Mamaya na. Pag tulog na kayong lahat." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Wala kaming pampsweldo sayo." Aniya ko.
"Dito muna si Kuya Bry ate." Sabat ni Kiko. Wow ah. Kailan lang nung ayaw niya si Bry pero ngayon siya pa ang nagpapapigil na umalis ito sa bahay.
"Requested by your little brother." Proud niyang sagot sa akin.
Nagkibit balikat ako sa dalawa. Bahala sila. Umalis ako sa harapan nila at tumulong kay nanay. Pagkatapos kumain at agad na akong nagbihis para pumasok sa Bar.
"Saan ka pupunta?"tanong ng isang maawtoridad na boses. Lumingon ako at nakita ko ang seryosong mukha na pinagmamasdan ang suot ko.
"Sa Bar. Papasok ako." Sagot ko.
"Hindi ka muna papasok don." Utos niya.
"Bakit? Yun lang ang tanging trabahong mapapasukan ko sa buong araw na ito." Reklamo ko.
I heard him sighed.
"Wait for me here." At lumabas agad siya ng bahay.
Saan yun pumunta? Hindi ko nalang pinansin at tinapos ang pag aayos ko sa sarili.
"Ate antayin mo daw si Kuya Bry." Pigil sa akin ng kapatid ko nang makalabas ako sa kwarto.
"Habulin nalang niya ako sa daan bunso. Aalis na ako." Paalam ko pero bigla akong hinawakan sa kamay ng kapatid ko na parang pinipigilan ako.
"Sumunod ka kay Kuya ate, baka mapano ka sa daan. Huwag nang matigas ang ulo ate." Sermon ng kapatid ko. Napataas ako ng isang kilay sa inasta ng kapatid ko.
"Tama naman ang kapatid mo anak. Baka anong mangyari ulit sayo sa labas. Mas maganda na yung kasama mo si Bry sa paglabas labas ngayon." Suhestiyon ni nanay.
Wala akong nagawa kundi sumunod sakanila. Ilang sandali palang ay narinig namin na parang may sasakyan na tumigil sa harap. Agad kaming tumayo at sinilip sa labas.
"Kuya Bry!" Tawag ni Kiko nang lumabas si Bry galing sa loob ng sasakyan.
"Bantayan mo si nanay ha?" Paalala ni Bry at ngumiting tumango si Kiko. "Let's go!" Yaya niya sa akin. Lumingon ako kay nanay at sinenyasan akong sumama na kay Bry.
"Alis na po kami." Paalam ni Bry at kumaway naman sila sa amin.
Pinagbuksan ako sa passenger seat at agad siyang lumipat sa driver seat na makasakay ako. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Bar. Marami na agad ang customer at halos dumadami na rin ang babaeng pumupunta dito.
"Naku kanina pa nila kayo inaantay lalo na si Sir Bry." Ngiting imporma ni auntie Grace.
Tumingin ako sa mga customer ay halos nakatingin sa amin lahat dito. Naramdaman ko nalang ang kamay niyang humawak sa kamay ko at napatingin ako sakanya.
"Sige po. Aakyat na po kami mamaya." Sagot ni Bry saka tumingin sa akin at kinindatan ako. Napaiwas agad ako ng tingin.
Napansin ko na sa kamay namin nakatingin si Auntie Grace kaya agad itong nauna at aasikasuhin na daw ang ibang customer.
"Duet tayo." Suhestiyon niya saka ako hinila papunta ng stage.
Nakaupo na kami sa harapan at hawak na niya ang guitara.
"Anong aawitin natin?" Pabulong na tanong ko. Tumingin siya sa akin.
"You are the one." Sambit niya.
At sinimulan na niyang kalabitin ang bawat string ng guitara. 'You are the one' song are one of those songs I sung for troy na akala ko siya na yung taong para sa akin. Pumikit ako at sinambit ang bawat lyrics nito.
Another day passes by, I'm dreamin' of you
And though I know it might be just a dream, dreams come true
Somewhere, somehow I'll find you even though it takes all of
My life (all of my life)
Napamulat ako nang mag echo siya sa last.
And when I finally do (and when I finally do)
I know inside my heart (I know inside my heart)
That there could be no doubt, I knew it from the start
Napatitig at napangiti ako sa ganda pala ng combination ng boses namin.
(You are the one)you are the one
That I've been searching for my whole life through
(You are the one)you are the one that I've been looking forever
And now that I have found you
I'll never let you go, I'll hold you in my arms
You are the one
Natapos ang awit namin at marami rin ang nagrequest pagkatapos non. Parang mas naenjoy ko ang umawit na may kasama sa stage at hindi ko naramdaman ang pagod sa boses ko kumpara sa mga nagdaang gabi.
"Ang galing niyo. Kinikilig ako sa boses niyo habang umaawit kayo." Galak na bati ni auntie Grace.
Napangiting hilaw lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Auntie.
"Salamat po." Tanging sagot ko lang.
"Pero iha. Bantayan mo na yan si Sir Bry. Naku, mauunahan ka diyan ni Elena. Yung anak ni Adonis. Ayy, hindi mo pala kilala. Yung apo iyon ni mang Ador na katiwala nila Sir Bry sa Farm nila dito. Baka masulot sayo. Nakuu. Balita pa man din dito sa bayan ang pagdating niya pero iba ang kutob ko noong nagdaang gabi dahil panay lapit niya kay Sir." Pagbabanta niya na parang pakiramdam ko ay nabahala din ako.
"Naku, bahala na po sila doon." Pagwawalang bahala ko.
"Ikaw din iha. Baka magsisi ka sa huli, yung akala mong wala kang nararamdaman ay meron na pala, pero paghanap mo sakanya, nasa iba na pala siya." Makahulugang saad niya sa akin.
Agad hinanap ng mata ko si Bry na nagpaalam lang na magCR kanina. Winaglit ko ang kaisipang iyon. Siguro ay humahanga lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko.
Ilang sandali pa ay nakita ko siyang lumabas galing ng CR ngunit nagulat ako ng agad siyang sinalubong ng babaeng tinutukoy na Elena. Nagtanguan, nagngitian at mukhang masaya sa pinag uusapan. Hindi ko alam pero parang umiba ang ihip ng hangin sa akin.
Nainis ako na para bang inaagawan ako ng pag mamay ari ko. Naglakad ako patungo sakanila at don palang ako napansin ni Bry at lumingon naman sa akin si Elena.
"Pasensiya na sa istorbo pero kailangan na nating umuwi." Tukoy ko kay Bry.
Napansin ko ang pagkabigla at pagkaawang ng labi niya sa sinabi ko.
"You're living together?" Gulat niyang tanong kay Bry.
"Soon." Sagot niya na parang binibigyan na clue si Elena na wala na siyang pag asa sakanya na kinaawang ko din.
"Alis na kami Elena. Nice to see you again." At inabot niya ang kamay ko saka nagpaalam kay Elena na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nalaman.
Nasa sasakyan na niya kami at doon ako naglakas loob tanungin siya sa sagot niya kanina.
"Anong soon ang sinagot mo kanina Bry?" Inis kong tanong.
But he just grinned at me.
"Soon!" Pang aasar na pag uulit sa sinabi niya kanina.