Chapter 5

3258 Words
Carmella POV "Ate? Sino yung kasama mong lalake kanina?" Curious na tanong ng kapatid ko habang sinusuklay ko ang buhok ko. "Bry daw ang pangalan. Nakilala ko siya sa may kanto at nagprisentang ihatid ako dito sa bahay dahil masyadong gabi na kasi bunso." Paliwanag ko saka nilagay sa tabi ng salamin ang suklay at tumabi sa kapatid kong nakahiga na ngayon habang katabi si nanay na tulog na. Hindi ko rin pwedeng sabihin ang totoong nangyari kanina at baka mag alala lang ang kapatid ko at ganun din si nanay kapag nalaman din niya. "Baka may gusto sayo yun ate." Usal niya at kunot noo akong tiningnan siya. "Matulog ka na nga at kung ano ano ang iniisip mo diyan." Utos ko sa kapatid ko pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. "Ate. Ayaw na kitang nakikita na umiiyak." Bulong niya sa akin at napahigpit din ako ng yakap sakanya. "Hindi naman ako umiiyak eh." Tanggi ko. "Umiyak ka kay kuya Troy noon kaya ayaw na kitang makitang iiyak ulit sa ibang lalake." Humiwalay siya pagkakayakap sa akin at pinakita ang kamaong nakakuyom. "Dadaan muna sila sa akin." Bigkas niya. Napatawa ako sa sinabi niya. "Kaya mo akong ipagtanggol sa mga magpapaiyak sa akin?" Lambing ko at kinabig ulit siya para yakapin ulit ako. "Opo! Sabi ni tatay na kami lang daw na dalawa ang maasahan niyo ni nanay kapag may mang aapi sa inyo. Pero dahil wala na si tatay, ako na ang magtatanggol sa inyo ni nanay."mahabang lintaya niya na kinangiti ko. "Ang bait naman ng bunso namin. Big boy kana talaga." Sabay halik ko sa ulo nito. "Siyempre ate. May crush na nga din ako eh." Proud niyang sambit kaya nakangiti akong tumingin sakanya. "Aba! Binata narin pala. Pero pag aaral muna ang atupagin ha? Ok lang na magkacrush pero huwag pabayaan ang pag aaral." Pagpapaalala ko. "Opo ate. Magiging piloto pa ako siyempre." Usal niya. "Very good. Tulog na tayo at maaga pa tayo bukas." Sambit ko. "Goodnight ate." "Goodnight bunso" at hinalikan kong muli ang noo niya at natulog na kami. Kinaumagahan ay agad akong naghanda ng almusal nila nanay at kiko. Nag igib ng tubig panligo namin sa kalapit na gripo. Pagkatapos kong naligo at magbihis ay nagpaalam nadin kay nanay na ngayon ay kagigising palang. "Alis na po ako nay." Paalam ko. "Mag ingat ka anak. Ako nang bahala kay kiko." Sagot niya saka ko siya niyakap. Umalis akong medyo madilim pa. Pagkadating ko doon ay naroon na si mamg Carlito na nag wawalis sa bakuran at agad naman akong pinapasok. "Goodmorning iha." Bati ni manong Carlito sa akin. "Goodmorning din po manong Carlito. Pasok na po ako." Paalam ko at nakangiti itong nilahad ang kamay papasok sa kusina. "Nandito ka na pala iha. Baka naman may oras ka na mamaya na maabutan nila Mam Imelda dito para makausap ka niya ng personal." Aniya ni Manang Luz. "Sige po." Sagot ko na kinangiti niya ng malawak. Tulong tulong kaming apat sa paghahanda ng pagkain nila. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalagay at paghahain ng pagkain sa lamesa ay isang pamilyar na boses ang narinig kong bumati sa amin. "Goodmorning everyone!" Bati ng isang pamilyar na boses ng matanda. Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makitang muli ang mabait na matandang babae na tinulungan ko noong nagtratrabaho pa ako sa department store sa mall. "Goodmorning din po mam."ngiting sagot ay nakita ko ang tuwang gulat ng matandang babae ng makita ako. "Are you the cook iha?" Manghang tanong niya habang suot ang malawak na ngiti niya. "Opo mam." Sagot kong nakangiti parin. "Wow! Nice meeting you again iha. So you are Carmella, right?" Banggit niya sa pangalan ko. "Opo mam. Ako nga po." Sagot ko. "What a small world." Sambit niya na halata parin ang saya sa boses niya. "Now that we met again, ipapakilala ko rin yung apo ko na magsusuot ng mga pinili mong suit noon." Excited niyang banggit at bigla naman akong ginapangan ng kaba sa sinabi niya. "Magkakakilala na pala kayo ni Mam Imelda iha?" Bulong sa akin ni Manang Luz. "Nagkataon lang po na sales lady ako noon sa isang Mall at ako po yung nag assist po sakanya noon." Paliwanag ko at tumango tango naman siya. "Patawag ang apo ko Latina." Utos ni mam at agad naman sumunod si Latina. Maganda at mabait na bata rin si Latina. Sayang nga lang at hindi na ito nakapag aral ulit. "Sabayan niyo na kaming kumain." At umupo na ito. Nagkatinginan pa kaming tatlo at sumunod nadin sa inutos ni madam na saluhan sila. Ilang sandali ang lumipas ay dumating na si Latina galing sa taas. "Mam. Mukhang tulog pa po ata si Sir. Hindi po siya sumasagot eh." Paliwanag ni Latina. "Baka napagod sa pinuntahan kagabi. Hayaan mo muna at marami pang pagkakataon para maipakilala ko siya kay Carmella." Sabay matamis na ngiti ang binigay sa akin. Parang may kakaibang pahiwatig ngunit umiling lang ako at binura iyon sa isipan. "Tawagin ko lang po si Carlito Mam." Paalam ni aling Amelita. Ilang sandali pa ay bumalik na si Aling Amelita kasama si Mang Carlito na mukhang nahihiya pang humarap sa amin. "Nagpaalam po palang umalis kanina si sir Bry mam." Usal ni Mang Carlito na kinatigil ko sa pangalang nabanggit niya. "Saan naman pumunta ang batang iyon?" Takang tanong sa sarili ni mam. "Umupo kana Carlito at saluhan niyo nalang ako sa pagkain." Utos niya at nahihiya namang tumugon at sumunod si Mang Carlito. Puno ng kwentohan at halakhak ang hapagkainan dahil sa sobrang palakwento rin pala si Mam Imelda. You will never feel that your excluded in the group dahil sa napakafriendly niyang makipag usap. "May boyfriend ka ba iha?" Tanong bigla ni mam Imelda na kinatigil ko sa pagkain. I gulped. "Wala po." Ingat kong sagot. "Good to hear that!" She happily replied. My brows meet each other with curiosity. "Maswerte ang magiging nobyo mo iha. Bukod sa maganda, masipag, magaling magluto, ay mapagmahal pa sa pamilya. " pausal ni Manang Luz. "All in 1 kung ganun si Carmella." Tudyo naman ng Aling Amelita. "Naku. Kaswerte ng lalakeng iyon." Singit naman ni mang Carlito. "Tama ka diyan Carlito kaya ipipila ko ng apo ko iha ha?" Gulat akong napalingon kay mam imelda. "A-apo niyo po?" Pag uulit ko sa sinabi niya at ngiting tumango ito. Hanggang natapos ang umagang iyon ay hindi natanggal sa isipan ko ang sinabi ni mam imelda sa akin. Pagkatapos kong naluto ang para sa tanghalian ay nagpaalam akong umuwi na muna para tingnan ang nanay ko. "Nay! Andito na po ako." Tawag ko nang nasa pintuan na ako ng bahay pero napatigil ako nang makita ang lalakeng nakaupong kasalo sila nanay at kiko sa hapagkainan. "Andiyan ka na pala anak. Halika at sumalo ka narin sa amin at may bisita tayo. Si Bry. Kakilala mo daw." Masayang sambit ng aking nanay saka tumayo at kumuha ng plato saka nilapag sa tabi ni kiko. Nilingon kong muli si Bry na ngayon ay nakatitig sa aking nakangiti. Umiwas ako ng tingin at sinaluhan sila sa hapag kainan. Napataas ako ng kilay ng makita ko ang ulam na naihanda sa harapan. Ginisang sardinas sa itlog, nilagang kamote na sawsawan ay bagoong at pancit cantoon. Tiningnan ko si kiko na nakasimangot at paminsan tinitingnan ang bisitang lalake sa harapan niya habang kumakain siya. Si nanay naman ay todong asikaso naman kay Bry at turo sa mga ulam na nasa harapan at base naman sa mukha niya ay nagustuhan naman niya ang naihain sa harapan. Mas ngayon ko lang napansin ang mukha niya kumpara kagabi dahil sa madilim ang paligid. Hindi ko maitatanggi na gwapo siya. Matangos na ilong, mahahabang pilik mata at manipis na bibig na mapula pula pa. Nangangalit na panga at firmed muscled arms and chest base sa suot niyang gray V Neck Tshirt. May kalakihang tao din siya base kagabi dahil halos tingalain ko siya. "You're examining me?" Basag niya sa imahinasyong nasa isip ko at ngayon ko lang napagtanto na nakatingin pala ako sakanya. Napaiwas ako na halos tumaas ang init sa mukha ko sa kahihiyan. I cleared my throat. "Bakit andito ka pala?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. He composed himself at sinandal ang likod sa sandalan ng upuan. "Ahm. Pupunta sana ako sa farm namin kanina at saktong madadaanan ko pala ang bahay niyo kaya dumaan muna ako dito sa inyo." Kwento niya. "Kaninang umaga pa siya dito ate." Sabat naman ni Kiko na seryosong nakatingin na ngayon sa akin. Lumingon ako kay Bry. "So .. hindi ka pa umuuwi sa inyo?" Tanong ko at umiling siya. "Tinulungan ko ang nanay mo sa mga tanim niya. Medyo nakita ko rin na mabilis mapagod ang nanay mo kaya nagpresenta akong tumulong." Tuloy niya. "Ok naman na ako anak. Pasalamat nalang ako kay Bry at tinulungan niya ako kanina." Tugon ng nanay. Hindi ko maipalawanag ang nararamdaman ko ngayon pero pasalamat nalang kay Bry at nandiyan siya nung oras na yun. Natapos kami sa pagkain at naka urong nadin. Napansin ko rin na nilalayo ni Kiko ang sarili kay Bry na ngayon ay kausap ni Nanay sa labas. "Bunso." Tawag ko habang pinupunasan ang tuyong bimpo ang basang kamay ko. "Sabi ko sayo ate may gusto siya sayo eh." Seryosong sambit ni Kiko. Lumapit ako sakanya at tinabihan sa upuan. "Paano ka naman nakasigurado? Eh dumaan lang naman daw kanina. Pasalamat nalang tayo sakanya at walang nangyari kay nanay na masama." Ngiting sambit ko sa kapatid. "Opo ate. Mukhang mabait naman siya." Pagsasang ayon na niya. "Sa tingin mo?" Tanong ko. "Opo. Pero bawal parin siyang manligaw sayo." Babala niya. Napatawa ako at ginulo ko nalang ang buhok niya at tumawa naman siya. Sumunod kami sa labas at napansin ko ang mga tanim na mas maayos nang tingnan ngayon. May akyatan nading kahoy ang mga tanim na ampalaya at upo. Yung mga bagay na hindi magawa ni nanay ay si Bry ang tumapos. "Bisita ka lang dito iho kung kailan mo gusto." Anyaya ni nanay. Ngumiti siya at nakita ko kung paano baguhin ang unang impression ko ang simpleng ngiting pinakita niya ngayon. Ang maangas na mukha kagabi ay napalitan ng maamong mukha ngayon dahil sa pagngiti niya. "Kung yun po ay okay lang kay Carmella?" Paghingi niya ng permiso. I arched my brow. "Bakit sa akin?" Takang tanong ko. "Kasi ikaw ang talagang pakay niya ate." Sabat ng kapatid ko sa tabi ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi naman ako manhid pero ayaw kong bigyan ng ibang ibig sabihin ang mga sinasabi nila. "Bahala ka. Pero baka maabala ka namin sa mga gagawin mo." Aniya ko. "Wala naman akong ibang gagawin. Maliban nalang kung bibigyan mo ako ng ibang gagawin." Makahulagang sambit niya. "Bawal pa ligawan ang ate ko. Kagabi ka lang niya nakilala kaya dadaan ka muna sa akin." Tapang na sambit ng maliit kong kapatid sa tabi ko habang nakatingila sa lalakeng kaharap niya. Nilevel niya ang height ng kapatid at medyo niluhod ng bahagya ang isang tuhod nito habang ang isang tuhod ay mas mataas dito. "Ayaw mo ba na may laging nagbabantay sa ate mo?" Tanong nito sa kapatid ko pero salubong parin ang kilay na nakatingin kay Bry. "Ako lang ang magbabantay sa ate ko." Saka niya nilapad ang dalawang kamay na para bang ginagwardyahan ako sa lalakeng kaharap niya. Napangiting napakamot sa noo si Bry sa inasta ng kapatid ko. Nauubusan kaya siya ng pasensiya? "Patingin ng braso mo?" Aniya niya kay Kiko at pinakita naman niya agad ang maliit na braso nito. "May muscle na ako kaya kaya kong protektahan si ate." Dagdag niya ulit. Pinisil ni Bry ang muscle na tinutukoy ni Kiko pero napatawa kami sa lambot nito. "Hawakan mo yung muscle ko." Aniya at nilahad niya sa harap nito ang bicep niya at hinawakan ni Kiko. Manghang lumingon si Kiko sa akin. "Ate, matigas yung muscle niya." Manghang usal niya. "Kung gusto mong protektahan ang ate mo, dapat may ganitong kalaki at katigas na muscles. Hindi mo maproprotekrahan ang ate mo kung ganito kalambot lang." Tukoy niya sa muscle na pinagyayabang ng kapatid ko sakanya kanina. "Paano po ba magkaroon ng ganyan?" Tanong ng kapatid ko at mukhang nakukuha na niya ang loob nito. Ilang sandali pa ang pag uusap nila ay ngiting ngiti na ang kapatid kong nakikipag usap na kay Bry. Napailing nalang ako. Kanina kontrang kontra siya dito pero ngayon kabaliktaran na. Ilang sandali pa ay nagpaalam na din siyang may pupuntahan pa. Pagkaalis ni Bry ay pagpunta naman sa paaralan ni Kiko. "Pupunta ako ng bayan nay. May mga ipapabili po ba kayo bukod sa gamot ninyo?" Tanong ko habang nilalagay ang ibang gamit ko sa sling bag ko at dala din ang basket na lalagyanan ng mga bibilhing gulay at iba pang pagkain. "Wala anak. Basta mag ingat ka lang sa daan." Sagot ni nanay kaya nagpaalam na ako agad. Sumakay ako ng trycicle na ilang kilometro lang layo ng bayan sa amin. Pagbaba ko ay agad akong tumungo sa may mga isda at karnehan. "Totoong dumating na daw yung apong dalaga ni Ador?" Tanong nung isang tindera. "Oo. Kahapon lang daw. Gumanda ang dalaga nila. Nakapag aral lang sa manila ay umiba na ang kutis at yung kulot na buhok niyo non ay ngayon ay straight na." Kwento ng isang tindera ng mga isda. "Naku, baka pagpiyestahan yun ng mga binata natin dito sa Poblacion." Sabat naman ng isa. "Isang piraso lang po." Putol ko sa usapan nila at napatingin sila sa akin. "Dagdagan mo na ganda. Tutal mas di hamak na mas maganda ka sa apo ni Ador." Usisa ng tindera sa akin pero nginitian ko lang sila. Hindi ko rin naman kilala mga pinag uusapan nila. Nilisan ko sila doon na iyon parin ang topic nila. Pagkabili ko ng lahat ay agad akong umuwi. Inayos ko ang mga pinamili ko at dumeretso na sa Mansyon ng mga Salvador. Agad ko inihanda ang mga lulutuin sa panggabihan nila pero nagulat ako ng maramdaman kong may dumaan sa likod ko at napaigtad akong humarap sa taong nasa likod ko. "B-bry?" Utal ko sambit sa pangalan niya. "So.. ikaw pala yung cook namin?" Tanong niyang nakangisi habang hawak ang isang baso na may lamang tubig habang nakasandal ito sa lamesa. Dahan dahan akong tumango. "I wasn't informed not until your mom told me this morning." He informed. "Hindi rin naman po natin kilala ang isa't isa kung hindi lang nangyari kagabi yung... " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya bigla. "Babalik ka pa sa Bar?" He asked in a serious tone. Tinalikuran ko siya at tinuloy ang ginagawa ko. "Kailangan pa po ako doon at wala pa silang nakikitang pamalit sa akin." Imporma ko. "Tapos uuwi kang mag isa ulit? Aren't you worried that someone might try to hurt you? Lalo at babae ka pa?" Tanong niya na hindi parin nagbabago ang timbre ng boses niya. " Kaya ko po ang sarili ko." Sagot ko. "I will not leave you alone." He said in finality at haharapin ko pa sana siya para aangal pero paalis na siya. Pagkatapos kong naghanda ay tumulong na ako sa paghahain. Nakita ko ang ngiting pinakilala sa akin ni Mam Imelda ang apo niyang si Bry. Kakaibang ngiti ang nakikita ko sa mag lola pero binalewala ko iyon. Lumipas pa ang ilang araw ay laging nasa likod ko si Bry kahit saan ako pumunta. Hatid sundo niya ako lalo na sa gabing trabaho ko at minsan ay siya ang pumapalit sa akin sa pag awit. Hindi ko maitatanggi na ngayon lang ako nakaramdam ng kilig sa tanan ng buhay na parang ako naman ang inaawitan. Ang mga mata niyang nakatutok sa akin sa bawat pagsambit ng bawat liriko ng kanta at bibigyan din ng diin ang mensahe ang kantang inaawit niya. Hindi ko ito naranasan noon kay Troy. Hindi ko naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam na kikiligin ka gamit ang hatid na musikang inaawit niya. Hindi ko rin naman pwedeng ikumpara siya kay Troy dahil may mga bagay din na meron kay Troy at wala kay Bry, at meron naman kay Bry na wala kay Troy. I froze. What's happening to me? Kinukumpara ko si Bry kay Troy? Para saan eh hindi naman siya nanliligaw sa akin at magkaibigan lang kami. One thing more. Protective lang siya sa akin dahil sa nangyari noong una kaming nagkakilala. I shook my head and shrugged the thoughts inside of my head. Narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga nanonood at halos dumami din ang customer ng Bar nang tumuntong sa stage si Bry para umawit. Siya ngayon ang kasama ko dito at laking pasalamat ko din dahil kahit papaano ay makakapagpahinga rin ang boses ko. Natapos ang buong gabi at oras na para umuwi pero napako ang mata ko nang mapansin kong may kausap na babae si Bry. Maganda iyong babae, maputi, mestisa at mahabang straight ang buhok. Maganda ang katawan dahil sa hubog ng suot niyang fitted na sleeveless at skirt na hanggang taas ng tuhod. Tiningnan ko ang sarili ko sa simpleng medyo lumang blouse na sa tingin ko ay ok pa naman at pantalon na pinaresan ko ng sandal. Naconscious ba ako sa sarili ko? No! Ok lang naman na magkagustuhan sila. Gwapo at maganda naman sila. Umiling ako. Ano ba nangyayari sa akin. Isang buwan palang akong hiwalay kay Troy pero ano itong umuusbong sa akin. Tumalikod ako at tinungo ang pintuan para lumabas. Iniwan ko siya doon tutal mukhang hindi na niya ako naalala dahil sa kausap niya. Binilisan ko ang lakad habang hawak ko ang sling ng bag ko. Hindi ko ininda ang ibang nakakasalubong bagkos dirediretso lang sa paglalakad hanggang marating ko ang madilim na bahaging daan dahil sa napunding street light dito. Bigla akong kinalibutan sa samot saring naririnig ko na parang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon nilingon bagkos tuloy tuloy parin ako sa paglalakad ngunit napatigil ako nang may biglang humarang sa aking lalake na hawak ang isang bote ng alak. Akmang lalapit siya sa akin at aatras naman ako nang may humawak sa akin sa braso ko at matalim na bagay ang nakatutok sa tagaliran ko. "Huwag kang matakot miss Carmella. Pagbigyan mo lang kami kahit ngayong gabi lang." Bulong ng isang lalake sa akin na halos amoy ko ang alak sakanya. "Tatakas ka ulit? Ang tapang mo kasing maglakad mag isa eh. Tuloy natiempohan mo kaming nag aantay sayo." Sambit ng isang kasama niya at akmang hihilain nila ako papunta sa mas madilim na parte ng daan ay hinablot ko ang kamay ng lalakeng hawak ang kutsilyong tinutok sa akin at hinampas sila gamit ng sling bag ko. Nakatakbo ako pero sa kasamaang palad ay naabutan nila akong dalawa at hinawakan ako sa magkabilang braso pero bago pa nila akong mahila ay isang malaki at malapad ng kamay ang nagpatumba sakanila rason para bumagsak sa lupa at agad silang mawalan ng malay at makatulog. Nakita ko ang madilim na mata at tiim bagang mukhang nakatingin parin sa dalawang lalake na parang kahit anong oras ay makakapatay siya. Agad na lumambot ang mukha niya ng lumingon siya sa akin at agad akong niyakap. Hinaplos ang buhok ko at kinakalma ako dahil nung oras na niyakap niya ako ay doon palang lumabas ang takot na tinatago tago ko sa dibdib ko. Umiiyak ako habang yakap yakap niya ako. "Your safe now baby, shhh. Your safe now." Pagpapakalma niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD