Chapter 4

1141 Words
Thana's POV "Babe," tawag sa akin ng gonggong kung ex. "Huwag mo nga akong matawag-tawag na babe. Hindi ako baboy at naiinis lang ako kasi naaalala ko si, Aling Babing," Inis na ani ko. Pun**ta talaga ang sarap kurutin sa singit eh. "Still rude as before, Thana," nakangising aniya akala niya siguro natatawa ako. "Bw**it ka talaga," reklamo ko. "Oh, watch your mouth lady halika na nga. Napaka-high blood mo naman," natatawang ani niya. Sino ba naman ang hindi maha-high blood. Ilang oras na akong naka-upo rito tapos ang dami ko nang nakaka-away. Agad naman akong sumakay sa kotse niya na pangmayaman. Makintab eh tsaka ang ganda sa loob. "Diretso na ba tayo sa bahay niyo?" Tanong ko. Kahit kelan hindi pa ako nakapunta sa bahay nila. Ayoko rin naman kasi wala akong pakialam. Kaya grab the opportunity ang drama ko ngayon. Baka sakaling masamyo ko ang amoy ng mayayamang bahay. "Nope," sagot niya kumunot naman ang noo ko. "May pupuntahan ka pa pala where?" Tanong ko ayaw ko naman maging chaperone niya no. Aba! Ang swerte niya diyosa itong kasama niya. "In your heart," nakangising sagot niya sa akin. Wala talagang pinagbago agad ko naman siyang binatukan tinawanan lang ako ng pun**ta. After 30 minutes ay pumasok kami sa isang subdivision. Pagkatapos ay binuksan ng dalawang guards ang gate at tila nalula ako sa nakikita. Ang laki-laki ng bahay at napaka-ganda. "F**k! Ang yaman niyo pala," literal na napanganga ako sa kagandahan at laki ng bahay. Mansion hindi bahay day. "Your mouth lady," nakangising sambit ni Ishmel. Natutop ko naman agad ang bibig ko. Binuksan ko ang wind shield ng kotse at napatingin sa second floor ng bahay nila. Nasagip ng magagandang mata ko ang isang napaka-gwapong nilalang hindi naman nagsabi si Ishmel na may kapatid siya noh chismis lang naman kasi 'yon. Hindi ko namalayang napa-titig na pala ako. Lumingon ang lalaki sa kinaroroonan ng kotse buti na lang at nagsalita si Ishmel kung hindi sobrang kahihiyan ang matatamo ko. "I don't have a brother," nakangising sambit niya ulit. Kung ganun sino 'yung gwapo sa taas? Trabahador, ang gwapo namang trabahador. "Ah, hindi naman kita tinatanong eh," ani ko. Natawa lamang siya. "Ask me questions later let's go," ani niya. Kumunot ang noo ko. Minsan talaga asyumero itong si Ishmel. Agad naman kaming lumabas kukunin ko na sana ang mga luggage ko sa compartment ng pigilan niya ako sa kamay. "Don't, my brother is waiting. And he hates waiting let the maids take care of that," nakangiting ani niya at hinila na ako papasok sa palasyo nila. Grabe mas mataas pa yata ang chandelier nila sa akin.. "I'm gonna swing from the chandelier, from the chandelier," kanta ko. Pumiyok pa sa last part kaya tinawanan ako ni Ishmel. "Feeling, Sia ka kasi 'yan tuloy," natatawang ani niya. "Hindi lang ako nakapag-warm up no," irap ko sa kaniya. "Good evening Senyorito, inihabilin po ni Senyorito Harold na na sa library siya naghihintay," ani ng katulong kay Ishmel. "Okay, get the luggage’s on my compartment bring it to the black room," sambit ni Ishmel. Heto ako patingin-tingin lang. Grabe ang mga paintings ang gaganda. "Masusunod po Senyorito," ani ng katulong. "Halika na," aya sa akin ni Ishmel. Sumunod na rin ako. Tulala lang ako rito, alam kong mayaman sina Ishmel pero hindi ko naman inakalang ganito kayaman no pest*ng pera 'to. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko parang kinakabahan na excited na nata-tae. Agad naman kaming naglakad papunta sa isang staircase ang gaganda na naman tingnan ng chandeliers nakakalula. "Amazement is very visible in your eyes babe, kanta ka na ulit," nakangiting ani niya. "Ang yaman-yaman niyo pala putang-**a ka!" I exclaimed char English. "So? Did you regret on leaving me?" Nakangising tanong niya sa akin. "Hoy! Baliw 'to anong akala mo sa akin pera lang ang habol? Alam kong mahalaga ang pera ngayon, pero mas mahalaga pa rin na pahalagahan ang damdamin ng tao hindi madaling masaktan noh," dikit ang kilay na ani ko. Letsugas talaga kung ano-ano lumalabas sa bibig eh. "Kaya mas lalo kitang nagugustuhan eh," seryosong ani niya. Mula sa isang masayahin na mukha ni Ishmel ay biglang sumeryoso iyon hindi ako naka-imik. "Hahahahaha joke lang 'to naman we're here," ani niya. Agad ko naman siyang binatukan. Nag-assume na ako eh sinira pa. In fairness kinabahan ako sa sinabi niya. "Punyeta ka talagang loko ka," naiinis kong sambit. Pinagloloko niya talaga ako eh. Agad namang binuksan ng isang katulong na nakatayo sa gilid ng pinto. Ito na siguro ang library. "Are you ready to meet my brother?" Tanong niya sa akin.. Iniisip ko lang ang kapatid niya na tuwid pag-umupo may dalang tungkod mamuti-muti ang buhok at sobrang istrikto ang dating, kinikilabutan na ako. Naisip ko na naman ang gwapong lalaki kanina yung trabahador na yummy. Pumasok na kami at napa-tingin sa lalaking kaharap ko na ngayon. "HAHAHAHAHAHAHA.." Humagalpak ako ng tawa sa nakikita ko pinapatawa talaga ako ng mga lokong ito 'yung gwapong lalaki ang nakikita ko. Wala lang gusto ko lang tumawa ang gwapo eh beke nemen mepensen. "T-teka hindi ba ang sabi mo kanina, Ishmel wala kang kapatid? Hindi pa kayo magkamukha uyy, kayo ha baka naman iba-iba ang nanay niyo. Ahy, tanga ko talaga may hindi ba magkapatid na pareha ang nanay?" Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko ang sarap magpa-gulong gulong sa carpetted floor nila habang hawak hawak ang tiyan ko ang gara kasi mukhang malambot. Natatawa ako sa mukha nilang nakatitig sa akin. Tiningnan ko silang dalawa na naka kunot ang noo. Buti nalang na himas- himasan na ako. "Bakit? Masama bang tumawa?" Natatawa ko na namang tanong. Pakiramdam ko mauutot ako sa pagpipigil ng tawa ko. "Ishmel? Are you sure this girl is not crazy?" Naiiritang tanong ni gwapo. "T-thana, let's sit first," uutal-utal na sambit ni Ishmel. Problema ng isang to? "Okay," natatawa ko pa ring sambit. "What are you laughing at?" Cold na tanong sa akin ng brother kuno ni Ishmel na halos magkasing-edad lang naman kami. Ang Sungit niya nakakakilabot ang boses parang ang taas niya napakahirap abutin. Alam mo 'yung unang tingin pa lang sa kaniya parang napaka-taas na ng level. Sa aura pa lang alam mong may kalalagyan ka. Pero siyempre wala akong pakialam. "Kuya, she's the girl I want you to meet. Thana he's my brother, Harold Quiam Roosevelt a thirty six years old bachelor and a business tycoon," pagpapa-kilala ni Ishmel. Napaka pamilyar ng mukha at pangalan niya. Siguro narinig ko na somewhere. Hmm, pinagana ko na ang malaman kong utak at umilaw naman agad. "Hala! Ang galing ikaw nga 'yung nasa TV noong isang araw no?" Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD