Chapter 5

1008 Words
Quiam's POV This girl is freakin me out. Masiyadong simple, walang ka class-class kung manamit. I wonder paano to nagustuhan ng kapatid ko. Ang bagsik pa kung magsalita akala mo ka-level lang niya ang kausap niya. Stupid girl I don't like her mannerism. Ilang saglit lang ay seseryoso tapos tatawa na naman. May psychological disorder siguro.. "Will you shut your mouth?" Inis kong ani. "Ayaw ko, akin ang bibig ko ako lang ang may karapatang mag-shut nito," sagot niya sa akin at ngumiti ng napaka-lapad. Bagong problema na naman ito. "Starting tomorrow you'll be my new secretary, now get out, stay out of my sight stupid," ani ko at ibinalik ang tingin sa laptop ko. Agad namang naningkit ang mata niya at tumingin sa akin. "What are you looking at?" Tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Ako? Stupid?" Tinuro-turo pa talaga niya ang sarili niya. This girl is unbelievable. "Absolutely, now get out!" Inis kong ani. "Baka kako ikaw. Akala mo kung sinong gwapo. Kahit mas matanda ka sa amin at may hitsura ka matanda ka pa rin. Bwes*t na 'to. Umayos ka ha, huwag mo akong ma-stupid stupid," sabat niya sa akin. Pakiramdam ko puputok na ang ugat ko sa batok ko. "You---" Benilatan lang niya ako at agad na lumabas. Nag-f**k you sign pa sa akin. Mabilis na kinuha ko ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. I need to calm down. Hindi pwedeng masayang ang mga session ko for my temper. Ishmel knows I am temperamental and I can't control it kapag sobrang napipikon na ako. "Stupid woman," mura ko ang sarap laplapin ng bibig ng babaeng 'yun. How dare she! "Kuya, relax," pagpapakalma sa akin ni Ishmel. "How could I relax? You saw her talking back. Paano ako makakapag-relax You know how disrespectful she is," inis na ani ko sa gagong 'to. Ang sarap ding tadyakan eh. "Thana, Kuya her name is, Thana. She's nice and very comfortable to be with," nakangiting ani niya sakin. Akala niya siguro madadala ako sa mga papuri niya regarding that stupid woman. "Hindi kaya ginayuma ka lang ng batang 'yon, Ishmel?" I abruptly asked him. Kaagad na kumunot ang noo niya at humagalpak ng tawa. Oh God! I can't believe it. "Hell no, Kuya the way you call her bata it seems like you're accepting the fact that you are already old," tukso niya sa akin at tumawa pa ang loko. Sarap ding tadyakan eh. "Saan mo ba nakilala ang babaeng 'yon? Why do you care about her so much?" Tanong ko sa kaniya. He just smiled and tapped my shoulder. "Pakisamahan mo lang siya, Kuya. She might be tackless and uncontrollable but she's too fragile," sagot niya. Fragile ba ang may ganoong ugali? "She might be the cause of my hypertension, Ishmel," seryoso kong ani. He smiled widely at me. "Kuya, this is not all about my life anymore. This is now all about you. You need to build your own family. Next year thirty nine ka na. Malayong-malayo ka na sa kalendaryo don't you think it's time for you to settle down?" Seryosong tanong niya sa akin. "I haven't found someone to be with. Ayokong magpadalos-dalos. Kung may darating tatanggapin ko kung wala then fine," sagot ko sa kaniya. "Pero you're growing old," sabat niya. "I'm just thirty-six, Ishmel and not thirty nine. I am still fit and able. Anytime I can marry any woman I want, but neither of them are my likes. Marriage is a waste of time. Why marry if I can have all the women I want?" Ani ko sa kaniya. Napailing lamang siya sa akin. "So you're not planning on settling down?" Tanong na naman niya ulit. "Sumasakit ang ulo ko sa paulit-ulit mong tanong," I stated. Nagiging kaparehas na yata ng babaeng iyon.. "Tumatanda na kuya? Baka tigang ka lang. Go and live your life. Mag-asawa ka na rin at ng hindi ka nagiging bugnotin. Tsaka hindi ako naniniwalang hindi ka makakapag-asawa. Someday mahahanap mo rin ang babaeng bibihag sa pihikan mong puso," natatawang ani niya. "Now you too get out of my sight. Follow that stupid girl orient her for her works at baka hindi ako makapagpigil mai-umpog ko kayong dalawa, crazy people," inis na inis na ako. Wala talagang patutungohan ang pakikipag-usap ko sa kaniya. Lahat na lang ng sasabihin ko kokontrahin. Kung hindi ko lang kapatid baka matagal ko na itong ipina-salvage sa triad ko. Pasalamat siya at ang bait-bait ko. "Ano 'yung narinig ko? Crazy people?" Sabat na naman ng machine gun ang bibig. Napapikit ako sa sobrang inis at pagka-bwes**t. "Halika na nga, Ishmel. Lumayo ka riyan sa kapatid mong gurang. Kulang lang ‘yan sa kadyot kaya bugnotin," singit na naman ng stupida. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. "I have my own s*x life and it is none of your business so shut the hell up!" Singhal ko sa kaniya. "Aysus, kunwari pa. Ilabas mo lang iyang sama ng loob mo para hindi ka naman palaging galit diyan. Palibhasa kasi gurang na, tama naman ang sinabi ni, Ishmel mag-asawa ka na," sabat niya. "Ishmel," I said. Mabilis na napa-tayo siya at nilapitan si Thana. "He's mad," rinig kong ani ni Ishmel. "Eh ano naman? Galit din naman ako ah," inis na ani niya. Naka-upo lang ako at nakatingin sa kaniya. Maganda sana walang manners. May narinig pa akong sinasabi niya pero hindi clear. "What did she say?" Tanong ko. "Gwapo ka raw sana, pero suplado. Baka raw tigang na tigang ka na, punta ka raw club at nang mahismasan ang init mo sa katawan," tatawa-tawang sambit ng kapatid ko. I'm having a headache dahil sa babaeng bata--- dalagang 'yun. Agad naman akong napahilot sa sentido ko. I won't have my enjoyable life as long as that woman lives with me. f**k it! Araw-araw na yatang magiging impyerno ang buhay ko. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD