Tahimik na nakaupo sa tabi ko si Mrs. Laurel habang binabaybay na ng sasakyan namin daan patungo sa bahay na binili ko para kay Patrick. Kahit malalim na ang gabi, sinigurado kong Hindi niya malalaman kung saan iyon kaya ngayon ay may suot siyang blindfold. "Mrs. Laurel," tawag ko sa kanya na nagpakislot sa kanya sa kinauupuan niya. "Nais ko lang ipaalala sa'yo na mag-iingat ka sa mga sasabihin mo kay Patrick. Ipaliwanag mo nang maayos ang sitwasyon. Sabihin mong dahil sa ginawa ng asawa mo, kinakailangan na ninyong umuwi sa Korea at doon na muna magpalamig habang mainit pa ang sitwasyon niya. Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na tinakot ko kayo. Huwag mo siyang pagdedesisyuning sumama sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango siya. Kahit purong Tagalog ang sinabi ko, alam kong n

