Halos paubos na ang kape ko nang lumapit sa akin ang isa sa mga Rao ko. "Gov, dumating na si Vice." Tumango ako rito. Mabuti naman at dumating na ang pinakahihintay ko. Inilapag ko ang tasa ng kape sa mesa at naghintay. "Gov," tawag ng isang boses sa akin. Hindi ko kailangang lumingon para alamin pa kung sino ito. "Anong nangyari? Anong ginawa ninyo sa asawa ko?! Nasaan ang mga anak ko?!" Nag-aalala itong lumapit sa asawa na nakahiga sa mahabang sofa. Pinanuod ko ito habang pilit na ginigising ang asawa. Nang hindi pa rin ito magising-gising sa kabila ng pangyuyugyog nito, bumaling sa akin ang galit na tingin ng bise gobernador. "Gov, anong nangyari sa misis ko? Bakit siya walang malay?! Ang mga anak ko, nasaan?!" pag-uulit nito sa mga tanong na hindi ko sinagot kanina. Ngumiti ak

