"Rest for a while. Mas mabuting matulog ka na muna. Ipapaakyat ko na lang ang pagkain mo." Agad kong kinuha ang mga papeles na pinirmahan ni Patrick. Iginiya ko siya pahiga at kinumutan. Hinalikan ko pa ang noo niya. "D--Daddy... my family..." natatakot niyang sambit. Hinaplos ko ang ulo niya. Kahit naman sino, matatakot sa sinabi kong consequences ng pananraidor mg isang kagalang-galang na opisyal ng probinsiya. It's Laurel against all of us. "I'll try my best to protect them," saad ko sa kanya at saka pinunasan ang mga bakas ng luha sa kanyang mga mata. Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto na hindi siya nililingon. Ayokong makita niya ang galit sa mga mata ko at ang ngisi sa mga labi ko. Hawak ko na ngayon ang susi kung paano ko mailalayo si Patrick sa pamilya niya. Ilang pirm

