Nakangiti kong isinara ang email ko. Sa wakas, natanggap na ako sa inaapplyan kong trabaho sa New Zealand. Matagal kong hinintay iyon, halos taon. I silently prayed. Finally, nakatagpo ako ng panibagong oportunidad. Finally, makakalayo na ako nang tuluyan. Makakalaya na ako mula sa kamay ni Miguel Simon. Sampung taon ng buhay ko ang nakulong sa kanya. Sampung taon na ginamit niya ang katawan ko at tinapakan ang pagkatao ko. Sampung taong kong tiniis ang kababuyan niya. Hindi ko inaasahan ang pagpasok niya sa buhay ko. Akala ko nga noon ay napakasuwerte ko dahil sa lahat ng aplikante, ako ang napiling maging Personal Assistant niya. Ayon pa sa sekretarya niya, siya mismo ang pumili sa akin. Akala ko, na-impress ko siya sa impressive scholastic records ko. Hindi ko naman inakalang iba pa

