Wala. Walang mensahe mula kay Miguel. Hindi ko alam kung ibabato ko ang phone ko, kung iiyak ako o kung pupuntahan ko siya sa Capitol para tanungin kung bakit hindi niya ako pinadalhan ng mensahe kahit alam niyang na-seen ko ang huling message niya sa akin at hindi ko iyon sinagot. Masyado ba siyang abala sa trabaho niya o baka naman iba ang pinagkakaabalahan niya? Ang pinagkakaabalahan ba niyang iyon ay nagngangalang...Archie? Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Tinatamad akong tumayo at binuksan iyon. "Sir, pinapatanong po ng Mommy ninyo kung hindi raw po ba kayo papasok? Kanina pa po sila naghihintay sa baba," tanong ng isang maid namin na pinasadahan pa ako ng tingin. Nagtataka kung bakit hindi pa ako bihis kahit mag-aalas siyete na ng umaga. "Pakisabi na hindi ak

