"Inimbitahan mo lang ba ako rito para panuorin kang magpakalasing?" Pabagsak kong inilagay ang bote ng beer sa glass table bago ako lumingon kay Sonny, ang pinakamatalik kong kaibigan dito sa bayan namin. Narito kami ngayon sa isa sa pinakasikat na bar sa bayan namin kung saan hindi lang ang alak ang dinadayo kundi pati na rin mga babae. Sa dami ng mga ganitong klase ng lugar sa bayan namin, isa ito sa mga pinakatago at pangbigating mga tao kaya dito ako madalas nagpupunta mula pa noon. Marunong din kasing magtago ng sikreto ang mga may-ari ng bar. Pagkatapos akong iwan ni Patrick kanina at sumama sa driver ng Papa na magdadala sa kanya kung saan sila magdi-date, dito na ako dumiretso. Gusto ko mang pigilan siya sa pagsama at pakikipag-date kay Papa, anong magagawa ko? Hindi naman ako a

