"Where did you sleep last night, Patrick?" Walang kangiti-ngiti na salubong sa akin ni Mommy pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay. Napasulyap muna ako sa mga kapatid kong naglalaro sa living room namin na napatingin sa akin dahil sa may kalakasan na boses ni Mommy. I sighed before walking towards my mom. Humalik ako sa kanya. "Mom, don't be angry with me anymore, please?" Siya naman ang bumuntonghininga. "Patrick, don't argue with your dad. He knows what he's doing." Naglakad siya papunta sa sofa at sumunod naman ako. Naupo ako sa tabi niya at kumandong sa akin ang kapatid kong si Belle. "Kuya, where have you been? I miss you!" Naglalambing itong yumakap sa akin. "I slept at a friend's house, baby. C'mon, play with Yujin. Don't make her cry, okay? Mom, I need to sleep. And I'

