Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay ay agad akong nagkulong sa kuwarto ko. Binuksan ko ang isang social media app ko at hinanap ang account ni Valentin. Two years ago pa yata ang friend request niya pero dahil nga asar na asar ako sa kanya, hindi ko yun pinapansin. Paano naman kasi, sa totoong buhay ay papansin ang lalaking iyon.
In-stalk ko muna ang account niya. Konti lang Ang mga kaibigan niya sa account niyang ito pero karamihan ay mga nasa politics at mga babaeng malalaki ang dibdib. Akalain mo yun? Nagpaparinig sa akin pero marami naman pala siyang pwedeng landiin na babae. I'm quite sure na lahat Ng nga kaibigan niya sa account niyang ito ay nalandi na niya.
I opened some of his albums too. Hindi naman talaga maipagkakaila na malakas din ang s*x appeal ng lalaking ito kahit na mas moreno siya kay Gov at Congressman. Siya lang ang Filipinong-filipino ang kulay ng balat sa kanilang tatlong magkakapatid and I'll admit na bagay iyon sa kanya. He also had that naughty smile on his lips that even his pictures had captured.
"You're so playboy, Valentin," hindi ko mapigilang sambitin nang makita ko ang isang picture niya na napapaligiran ng mga babae sa isang party.
"Nakaka-curious. Andami mo namang pagpipilian, but why do you always tell me you like me?" bulong ko habang nagsa-swipe sa iba pang albums niya. Tumaas ang isang kilay ko nang makita ko ang isang album niya na puro half-naked ang naka-post na pictures.
"Male chauvinist," muli kong bulong habang iniisa-isa ang mga pictures na karamihan ay pini-flex niya ang muscles niya. Well, I hate it. I mean, I hate how he looks. Masyado siyang... mabigat.
I'd prefer men like his father. Tamang-tama ang katawan. He's way older than both his sons but in my eyes he's the handsomest. He's the most appealing. And he has the maturity that I want for a partner. Iyong tipong I feel like I'm the baby. Inaalagaan, minamahal. Valentine's type of man is the kind who will just use and abuse you. Itsura pa lang niya, masasabi mo nang hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon.
The problem is, siya ang nagpapakita ng interest sa akin. Well, marami naman ding uba sa school both boys and girls. Meron ding galing sa ibang universities, friends of friends. But if I'm going to depend on someone who will teach me the basics of a relationship and will help me grow my confidence in running after a man, Hindi ba at su Valentin ang the best candidate? He's experienced. He's mature enough to handle what I want. I'm sure he's gonna play me but at least I'll gain something from him... or rather, someone. Someone I like. Someone I'm head over heels in love with.
Huminga muna ako nang malalim bago ko pinindot ang accept button. Nagulat pa ako nang tumunog ang messenger alert tone ko pagkaraan lang yata ng isang segundo. The message came from none other than the man himself, Valentin 'Yabang' Simon.
"Finally." Iyan lang ang sinabi niya so why would I reply. Pagkaraan ng ilang segundo, nag-message na naman siya.
"No reply?" Duh! Wala na ngang reply, sasabihin pa niya.
When he finally realized that I won't reply, he called.
Ilang minuto ko pang pinag-isipan kung tatanggapin ko ba ang tawag niya or papatayin na lang pero napag-isip-isip ko na kailangan ko nga pala ng tulong niya.
"Bakit tumawag ka pa?" naiinis kong sabi agad.
"Sungit naman ni Little Prince. Wala. Masaya lang ako na friends na tayo." Friends mong mukha mo, Valentin.
"Hindi pa tapos ang party dyan, di ba?" tanong kong muli.
"Yeah, may nagsisidatingan pa nga," he shared.
"Then bakit ka pa tumawag. Bakit di ka tumulong sa pasalubong sa kanila?" tanong ko. Tuluyan na akong nahiga sa kama ko.
"You're always more important than them, Patrick." Umikot ang mga mata ko. I'm already expecting him to say that. He always let me know that for him, I'm the most important, and even more important than his family.
"How's your father? Baka pagod na siya. Kanina pa siya nag-aasikaso ng mga bisita niya," nag-aalala kong tanong. Biglang natahimik ang kabilang linya.
"Hello?" tanong ko. Tinignan ko pa ang phone kasi baka naputol na yung tawag niya pero hindi naman.
"You really like my father, huh?" muling nagdikit ang mga kilay ko. Why is he still asking if he already knows about it ever since?
"Yeah. I like him so, so much. He's my idol."
"Idol lang ba?" sunod niyang tanong. This time, napalunok na ako dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Will you hate me if I tell you that I like him more than that?" mahina kong tanong. Tatay pa rin niya si Gov and he might hate me Kasi I want to have an intimate relationship with his father.
"Are you in love with him, Patrick?"
I don't know kung bakit bigla akong nanlamig sa tanong na iyon ni Valentin.
"Patrick?" tawag niya sa pangalan ko dahil hindi ako makapagsalita.
"Yes," I finally said. Mahina lang iyon ngunit sapat para marinig niya sa kabilang linya. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya.
"Why him? Why not me?" may tawa sa boses niyang tanong. Nakahinga naman ako nang maluwag. At least, he's not angry with me.
"Because he's nice, he's mature, and he's a lovable man. He treats me well."
"I can be nice, mature, and lovable, too. I can treat you so much better, Patrick."
"But you're not him, Valentin."
Tumawa siya sa kabilang linya.
"Kung may limang babae at pagpipiliin between me and my father, they will right away choose me, Patrick. Pero ikaw, you'd rather choose him?"
"First, I'm not a girl. Second, it's him who I am in love with. Third, I don't even like you, Valentin," diretso kong sagot sa kanya. But when I realized what I've said, even if it's the truth, natakot akong mao-offend ko siya kaya bigla akong nag-aplogize sa kanya.
"I'm sorry, Valentin. I..."
"It's okay, Patrick. Alam ko naman dati pa na hindi mo talaga ako gusto."
Napalunok ako.
"Hindi mo na ba ako tutulungan?" kabado kong tanong sa kanya.
"Oh, yeah. Help. Kaya mo nga pala tinanggap ang friend request ko kasi kailangan mo na finally ang tulong ko," sarcastic niyang sabi. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. It's like a slap to my face kaya nag-init ang buong mukha ko.
"Look, I'm sorry if I've offended you. Just forget about it and the things that we've talked about, okay?" Bago pa siya makasagot ay pinatay ko na ang tawag. Nagpunta rin ako sa profile niya at hinanap ang block. Nang magawa ko iyon ay ibinato ko sa kama ang phone ko at saka ako sumigaw sa unan.
Damn! Sa lahat pa kasi ng naiisip kong makakatulong sa akin, siya pa talaga yung number 1. Napahiya pa talaga ako. Syempre, hindi niya ako tutulungan sa tatay niya. Maybe iniisip din niya ang Mama niya at ang kahihiyan ng pamilya niya kung sakaling magkakaroon nga kami ng relasyon ng tatay niya.
Why the hell did I tried asking for his help? Bakit Kkasi hindi na lang ako nakontento sa panunuod ng mga BL series na pareho ang sitwasyon sa amin ni Gob? The problem is imbes na makatulog yun sa akin na malaman ang nga complications ng forbidden relationship, para mas lalo pa akong na-in love. Mas lalo pa akong nanabik na maranasan iyong ganong klase ng relasyon. I tried watching porn between two men but I was traumatized by the first video that I've watched kaya hindi na ako umulit. Kaya naisipan ko talaga na walang ibang makakatulong sa akin kundi isang tao talaga. Totoong tao na hindi ako huhusgahan, masisiguro kong marunong magtago ng sikreto, at no strings attached. At si Valentin nga ang perfect na taong yun. But now, he hates me. Paano na kaya yan?
I'm sooo stupid. Sa lahat maman kasi ng lalaki, sa matanda pa talaga ako nagkagusto. At hindi lang basta matanda. Sa governor pa talaga. Bakit ba kasi napakahirap turuan ng puso? Ito na ba yung sinasabi nilang love is blind?
When I finally calmed down, muli kong kinuha ang phone ko. I went to my files and tapped the password to my hidden folder. Naroon ang napakaraming pictures ni Gob. Karamihan ay solo niya at ang iba ay magkasama kaming dalawa. I chose one at gaya ng ginagawa ko gabi-gabi, kinausap ko iyon. Itatanong ang napakaraming tanong na hinding-hindi naman masasagot.
"Bakit kasi ikaw pa? Why did I fall in love with you? There are a lot of pretty girls and boys out there but it was you who took my heart away? Why can't you like me the way that I like you? Why haven't you fallen in love with me yet?"
I sighed.
"Kung gusto mo rin ako, bakit ayaw mo pang tanggapin ang pagmamahal ko sa'yo? You're not happy with your wife anymore, right? She's already with someone else. Wala ka namang secret lover, di ba? If you choose one, ako na lang sana. I won't care about our age gap. I won't care even if you're older than my dad. Ang importante naman, you'll love me too, right? You just don't know, I'm willing to forget everything in exchange of your love. Damn, why am I so in love with you?"
Nang makaramdam na ako ng antok, I went to my messenger and sent an Ily to him which I do every night. Then, I waited for his reply. As expected, Hindi agad dumating iyon because he's busy celebrating his birthday with his family and friends. Muli akong napabuntonghininga.
Papikit na ang mga mata ko nang tumunog ang phone ko. Biglang nawala ang antok ko at agad na binuksan ang mensaheng natanggap ko. It came from him.
I smiled. It was just a smiley but I felt happy. So happy na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa pagtulog ko.