Nakakapagod mag-aral. Nakakapagod ang makinig sa mga teachers namin habang nagsasalita sila. Nakakapagod ang magsulat sa notebooks ng mga pinapakopya nila. Nakakapagod mag-solve sa mga Math problems na binibigay nila. Nakakapagod magpanggap na hindi ako matalino kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Sayang din naman ang binabayaran ng parent ko na tuition fee kung sasabihin kong sa bahay na lang ako dahil boring magturo ang mga teacher ko.
Nakakapagod makinig sa mga kaklase kong maiingay. Nakakapagod ding sumagot sa mga tanong nila tungkol sa kung anu-anong bagay sa buhay ko. At ang pinakanakakapagod sa lahat? Ang basahin ang mga messages ni Valentin na hindi ko naman sinasagot.
Hindi ba siya marunong makiramdam? Hindi ba siya nagsasawa sa kapapadala ng mga chats na wala namang kuwenta? Iisa lang naman ang isasagot ko sa mga itinatanong niya.
Ayoko na.
Ayokong isali pa siya sa kalokohang naiisip ko para lang pagselosin at akitin ang ama niya. Hindi ba at napahiya na ako sa kanya kagabi kaya bakit nagpupumilit pa siya?
Muli kong narinig ang message alert tone tg messenger ko. Tinatamad na kinuha ko ang phone sa loob ng bag ko tutal, wala pa naman yung teacher namin.
Patrick, c'mon. Hindi naman kita sisingilin ng talent fee.
Talent fee, my ass.
May talent fee pa siyang nalalaman. Pagpapakita ba ng talent iyong gagawin niya? If I know, siya lang naman ang makikinabang sa magiging arrangement namin. Bukod sa pagseselosin, tuturuan niya ako sa mga paraan para maakit ko ang ama niya. Tapos magsasawa siya sa kahahalik sa akin? Sa kahahawak sa akin? Baka nga hindi lang iyon ang gawin niya. Baka nga higit pa.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi ko habang iniisip ko ang mga pwedeng gawin ni Valentin habang tinuturuan niya ako. Kung bakit ba kasi na-trauma ako sa unang porn video na napanuod ko. Nakakainis naman yung ganito. Parang siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo na makapagbibigay ng kailangan ko.
Ipinasok ko ulit ang phone ko sa loob ng bag ko after ko itong i-mute dahil pumasok na ang subject teacher namin. English ang subject nito na siyang pinakapaborito ko pero sa mga oras na iyon, hindi sa topic ng teacher ang focus ko.
Gumala ang mga mata ko sa mga kaklase ko. Una kong tinignan ang napailing escort ng mga kaklase ko. Katulad ko, may foreign blood din siya. Half-Pinoy at half-Italian. Hmm, he's got the looks. He's tall too. But his body? Quite small for my liking.
Bumaling ang mga mata ko sa isa sa mayabang kong kaklase na isa ring anak ng pulitiko. Aura pa lang, bida-bida na. Okay naman ang itsura. Malinis naman siyang tignan. Malaki ang katawan kaya mayabang. Ang nakakainis lang, kiss and tell siya. Ilang kuwento na ba ng pakikipaglandian ang naipagyabang niya? So, just like our classroom escort, X din siya sa akin.
I moved to my next male classmate. Hmm, he's quite tall kaya nakapasok siya bilang isa sa mga varsity players ng school namin. Hindi masyadong guwapo but he's got the muscles at the right places. I admit, malakas din naman kahit papano ang s*x appeal niya. Pero bakit ganito? Habang tumatagal ko siyang tinitignan, parang naaamoy ko siya. Naaamoy kong amoy paa siya.
Damn it. Bakit ba ang choosy ko pa kasi? Kung pumayag na sana kasi ako sa offer ni Valentin, solved na sana ang problema.
Kaya lang kasi... natatakot talaga ako sa kanya. Secret lang iyon kasi nasusungitan ko pa naman siya kapag nagpaparinig siya tungkol sa damdamin daw niya para sa akin. I am scared that things may get out of control lalo na kapag gagawin na namin iyong mga ituturo niya. Besides, kung siya ang magtuturo sa akin, that will mean na siya ang makakakuha sa mga firsts ko like my first kiss, my first touch, my first... fuc....
No. No. Hindi ko gusto. Ayokong siya ang makakuha sa mga bagay na reserved na para sa ama niya. Pero paano nga naman ako matututo kung hindi ko iyon gagawin sa kanya? How can I master kissing if I won't kiss him? At paano ako gagaling sa pang-aakit sa ama niya kung hindi ko muna iyon gagawin sa kanya as practice? Would he be able to stop if I'll ask him to stop? Makokontrol ba niya ang sarili niya if I say it's enough?
Shit. Ano ba itong ginagawa ko for the sake of love?
Manuel... Manuel... Would I really need to sacrifice my body and my pride just for you to notice me? Just for me to have you? And of all people, ang anak mo pa talaga ang magiging trainor ko.
Halos hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase namin. Napatayo na lang ako nang nagsipagtayuan ang mga kaklase ko. We said goodbye to our teacher after praying and then, nag-unahan na ang mga klase ko sa pagtakbo palabas ng classroom namin dahil hindi naman na namin kailangang maglinis. We have janitors to do that for us.
As expected, ako ang pinakahuling lumabas sa classroom namin. I lazily walked along the way towards the parking area kung saan naroon na ang driver-bodyguard na assigned sa akin. Ewan ko ba kay Daddy. Ewan ko kung bakit kailangang ko pang maihatid-sundo sa school with matching driver-bodyguard pa kung kaya ko namang mag-commute. Minsan, kung umakto si Daddy, daig pa niya ang mga bigating politician tulad ni Miguel na gobernador ng probinsiya namin. Haay, Miguel na naman. Siya na naman ang laman ng isipan ko.
"Patrick."
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang isang boses ng lalaking tumawag sa pangalan ko. Dali-dali akong lumingon.
"What are you doing here?!" dikit ang mga kilay na tanong ko sa lalaking ngiting-ngiti sa akin.
"Ano pa kundi sinusundo ka? Pero meryenda muna tayo. Name the place, it's my treat." Kumindat pa sa akin si Valentin. Inikutan ko siya ng mga mata.
"Ayokong magmeryenda. Ang gusto ko, umuwi na." Tinalikuran ko na siya ang nagsimulang humakbang palayo sa kanya.
"Wala na yung driver mo. Pinauwi ko na."
Bigla akong nag-about face paharap sa kanya.
"What the hell, Valentin?! Bakit mo siya pinauwi?!"
Humakbang siya papalapit sa akin at umakbay. Naiinis kong inalis ang braso niya sa balikat ko pero muli rin niya iyong ibinalik. Inalis ko ulit. Ibinalik niya ulit. Siniko ko siya sa tiyan.
"Ouch!" exaggerated na ungol niya. Yung tipo ng ungol na parang hindi naman paniniko ang ginawa ko sa kanya. Yung tipo ng ungol na nanlalandi o may ginagawang kalandian. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko sabay lingon kung may mga naglalakad na nakarinig sa kanya.
"Ano ba, Valentin?!" naiinis kong bulong sa kanya dahil napansin kong may mga school mates akong nakatingin na sa amin.
"Sumama ka na kasi. Dami mong
arte..." Lalo akong nanggigil sa huling pangungusap na ibinulong niya. Ibinulong pa niya talaga, ha? Eh, rinig na rinig ko naman.
"Besides, marami tayong dapat pag-usapan." Hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya dahil biglang sumeryoso ang boses niya.
"Pag-usapan? I don't think may kailangan tayong pag-usapan."
"Actually, marami tayong dapat pag-usapan."
"Like?" pagmamaang-maangan ko.
"Like how to seduce my father at his office? Or how to make him jealous? Ayaw mo bang malaman kung paano mo gagawin iyon? Malay mo, sa unang subok mo pa lang, bumigay na siya. Eh, di natupad agad ang pinapangarap mo."
Matagal akong natahimik. Pinag-iisipan kung papayag na ba ako o tuluyang aayaw.
"Huwag mo nang pag-isipan pa. Just say yes, Patrick. Wala naman ng ibang tutulong sa'yo kundi ako."
"M--meron..." kinakabahan kong pagsisinungaling. Matagal na napatitig sa akin si Valentin nang marinig ang sinabi kong iyon.
"Meron?" pag-uulit niya sa sinabi ko.
Napalunok ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Sinubukan kong humakbang paatras nang muli siyang humakbang papalapit pa pero kaagad niyang nahawakan ang isang braso ko.
"Tell me the truth, Patrick. Meron ka nang nakausap na iba?"
Parang hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya.
"You told him that you'll let him kiss you? Touch you?!" Lalo siyang nanggalaiti nang hindi ako nakasagot. Nang tignan ko ang mga mata niya, hindi na galit ang naroroon. Apoy na.
"I... I..."
My throat went so dry that I needed to swallow two times para lumabas ang boses ko.
"I... lied," mahina kong sambit. Tumitig muna siya sa akin nang matagal bago kumalma ang mga mata niya. Huminga din siya nang malalim bago niya ako muling inakbayan. Wala na akong lakas para alisin ang braso niya sa balikat ko dahil sa takot na namamahay pa rin sa buong katawan ko.
"Only me and my father can do those things to you. You're still lucky that I am even sharing you with my father."
"You don't own me!" Bigla akong nagkaroon ng tapang dahil sa sinabi niyang iyon. The nerve. Kung makapagsalita siya, parang pag-aari na niya ako, ah.
"Hmm, you're right. I don't own you yet. Not yet anyway..." tatawa-tawa na niyang sabi.
Magrereklamo pa sana ako pero hinila na niya ako papunta sa nakaparadang kotse niya.