Chapter 7

1665 Words
Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Hindi ko alam kung dahil Yun sa kissing lesson namin ni Valentin o dahil iyon sa mga inabutan kong bisita ni Daddy. Aaminin ko, Hanggang ngayon ay fresh pa rin sa isipan ko yung lessons sa kissing na itinuro ni Valentin sa akin kanina. Hanggang ngayon nga, may pamamaga pa rin sa lips ko. Napansin din iyon ni Mommy kaninang nag-dinner kami. Sinabi ko na lang na may nakain akong medyo allergic ako kaya namaga yung lips ko. Kung alam lang siguro ni Mommy na si Valentin ang may gawa kung bakit ganon yung lips ko, baka hanggang ngayon na 11pm na, sinesermunan pa rin niya ako. Bukas, kapag namamaga pa rin ang lips kong uuwi, hindi ko na alam kung lulusot pa kay Mommy yung excuse na yun. I wonder kung namamaga din yung lips ni Valentin ngayon kasi ilang beses ko silang kinagat at sinipsip kanina. Kunsabagay, kahit buong mukha niya ang mamaga, walang papansin sa kanya kasi matanda na siya. Baka isipin lang ng makakakita na nakipag-lips to lips siya sa mga chic niya. I am wondering too if the governor is as good as him. Siguro, magaling ding humalik si Gov kasi magaling si Valentin. Namamana kaya iyon? Or is it a skill to be mastered? Hmm, if the governor is not a good kisser, then I'll be the good kisser between us. Does he tastes as sweet as Valentin? Wait. Did I just say that Valentin taste sweet? Hmm, I'm not gonna lie but he does. For sure kapag narinig niyang he tastes sweet to me, hanggang tenga na naman ang ngiti niya. Lahat yata ng praises na ibibigay ko sa kanya, ikamamatay niya sa tuwa. I hope he's father is like him. Konting puri lang tuwang-tuwa na. Konting smile ko lang sa kanya, parang binigay ko na sa kanya ang mundo. But his father always rejects my advances. Maybe, he finds what I do lousy kaya lagi siyang umiiwas kapag nagpaparamdam ako. Sana kapag kasing galing na ako ni Valentin na humalik at mang-akit, tuluyan na siyang mai-in love sa akin. I sighed. Hinawakan ko ang pendant ng kuwintas na binigay sa akin ni Valentin kanina na ngayon ay suot ko na. Kung pwede lang turuan ang puso, mas magiging madali sana ang lahat kung kay Valentin ako ma-in love. He's younger, he's handsome, he's charming, and he does everything that pleases me. But my stubborn heart fell in love with his father. And I have no choice but to follow my heart because I know that this will make me happy someday. I wonder what the governor is doing right now. Kaya naman kinuha ko ang phone ko and stalked his personal account. Wala namang na pictures or posts. So, I went to messenger and sent him a good night message. I smiled sadly when it went unseen. Inilapag ko ang phone ko sa kama at muling napabuntonghininga. Kahit hindi ako masyadong pinagtutuunan ng pansin ni Gov, Hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa kaaasa that someday, he will. Muntik na akong mapatalon pa alis sa kama nang tumunog ang messenger alert tone ko. Excited kong inabot ang phone only to frown when I saw who messaged me. Haay, it's Valentin. Again. "Still awake?" I sighed again. Buti pa siya kahit hindi ko padalhan ng message, kusang nagme-message sa akin. "Yeah. Can't sleep." reply ko sa message niya. "Why? Are you thinking about the kisses we shared?" Nanlaki ang mga mata kong singkit dahil sa message niya. Para namang boyfriend kung makapagsalita itong lalaking ito. As if the kisses we shared are voluntary. "You mean the kisses you taught me?" pagtatama ko sa kanya. "Same thing." I rolled my eyes. "Valentin, how's your dad? Where is he?" Imbes na patulan ang sinabi niya, nagtanong na lang ako. "Patrick, how dare you?!" Napanganga ako sa reply niya sa akin. Magta-type sana ako ng panibagong tanong pero biglang pumasok ang next na message niya. "You're talking to me tapos you're asking for my father?!" "He's not answering my message!" galit kong reply. "Serves you right." Napasimangot ako kahit hindi ko siya kaharap. "C'mon, just tell me, please?" Matagal bago siya sumagot kaya muli akong nagpadala ng mensahe. "Please, pogi." Dinagdagan ko na ng pambobola para sagutin na niya ang tanong ko. "He's having a meeting with some officials." Sa wakas sumagot na rin siya pero napakunot-noo ako. "Until at this hour?!" nagtataka kong tanong. "He said it's an emergency meeting. But your dad is not here." Nagdala ng kaba ang huling mensahe niya sa akin. Is the meeting connected with the meeting my dad had with the ex-vice governor. "Valentin, Dad had a meeting with the ex-vice governor a while ago." Naghintay ako ng sagot niya pero imbes na message, tumawag siya sa akin. "Patrick, what was their meeting all about?" seryoso ang boses na tanong niya. "I really don't know. Naabutan ko lang sila kaninang nag-uusap noong hinatid mo ako," sagot ko sa tanong niya. "Sino pa ang dumating?" sunod na tanong niya. "Yung mga kapartido ni Ex VG. Why?" "Patrick, I think they're convincing your father to run under their party." "What? He's loyal to your father. I don't think they'll be able to convince him," pagtatanggol ko sa daddy ko. "I hope his loyalty will make him say no, Patrick. If your father gets ambitious..." Kahit hindi ituloy ni Valentin ang sinasabi niya, I know what he's really getting at. Kung sakaling titiwalag si Dad sa partido ng Governor, magiging magkalaban sila at magagalit ang governor sa daddy ko. Kahit hindi nito kalabanin ang current governor sa position nito, the fact that he will run against them means my father betrayed them. "Patrick..." tawag sa akin ni Valentin pagkatapos dumaan ng mahabang katahimikan sa aming dalawa. "I'm still here," sagot ko naman sa kanya. "If you'll have the chance to talk to your father, better tell him not to run against his present party. My dad may be kind to him be cause they both belong to the same party. Pero kapag nalaman ni Papa na tatakbo siya sa kalabang partido, my father won't forgive your father. Hindi mo pa siya nakikitang magalit, Patrick. I'm telling you, you won't like it when he's angry." Sobrang kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. "Will he... hurt my dad?" natatakot kong tanong. "Just convince your dad, Patrick." "Valentin..." Malakas siyang bumuntonghininga. "If worse comes to worst, I hope you know which side you will go with, Patrick. I cannot promise that nothing will happen but I want you to remember that I am just a call away. Kaya gawin mo ang lahat para hindi umalis sa partido ng Papa ang daddy mo. Naiintindihan mo?" "I'll... try." Muli kong narinig ang pagbuntonghininga ni Valentin. "Matulog ka na. I'll see you tomorrow." "Okay..." Pagkatapos sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag. What Valentin said disturbed my mind kaya hindi ako nakatulog agad ng gabing iyon. Eventually 2am na yata noong nakatulog ako at gumising ng 5:30 ng umaga para pumasok. Dahil sa puyat, medyo masakit ang ulo ko pero nagmadali pa rin ako sa pagkilos dahil gusto kong makausap si Dad. He's already at the dining table and feeding my sister while my mom was cooking food when I arrived. "Good morning," bari ko sa mga magulang ko bago ako umupo sa puwesto ko. Humarap ako kay dad at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Dad, yung mga bisita kagabi..." pagsisimula ko. Tumingin sa akin si Dad at alam kong alam na niya kung ano ang gusto kong itanong. He smiled at me. "They're asking me to run for governor, Patrick." "Dad, don't! The governor will be angry." Mapait na ngumiti si Dad. "I am expecting that to happen, Patrick." "Then, what's your decision, Dad? Please don't tell me that you will go against the governor," nagpa-panic kong tanong. Napatingin ako kay Mommy na umupo sa tabi ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. "They're giving me 50 Million Pesos, Patrick." "So?" Napalatak si Daddy sa pambabalewala ko sa perang sinabi niya. "Patrick, are you listening? That's 50 Million pesos." "Dad, ipagpapalit mo ang loyalty mo sa governor sa 50 Million Pesos na offer nila? You will surely lose!" "Paano mo masasabing matatalo ako, Patrick? Hindi pa lang nagsisimula ang laban!" galit na tanong sa akin ni Dad. "Dad," nasa boses ko na ang pagmamakaawa. "parang hindi mo sila kilala. They'll do everything to win! You are putting us in danger if you'll run against the governor!" "Have you forgotten how I won the landslide last election, Patrick? Marami ang may gustong tumakbo ako. Nagsasawa na sila sa pamamahala ni Gov sa probinsiya. It's time for change, anak." "Dad, ngayon lang yan. Kapag nanalo ka, the Simons will be angry with you. Kapag natalo ka, they'll still be angry with you. Dad, please! Don't do it!" Halos sumisigaw na ako sa pagmamakaawa ko sa kanya that made my little sister cry. "Patrick!" pananaway sa akin ni Mommy habang kinukuha ang bunsong kapatid ko mula kay Dad pero hindi ko siya pinansin. Na kay Daddy ang buong atensiyon ko. Tumalim ang mga mata ni Daddy sa akin. "Win or lose, I'll have the 50 Million pesos, Patrick. Kung magagalit sila sa akin kahit natalo nila ako, then we will leave. Well just go to Korea and start a new life there." Korea? Iiwan ko ang Pilipinas? Iiwan ko si Gov? "Dad, I don't want to leave!" Nagdadabog na tumayo ako at saka nagmamartsang lumabas ng bahay kahit hindi pa ako nag-aalmusal. I can't believe my father will really betray the governor. Of course, kapag nagalit ito kay dad, siguradong damay ako sa galit niya. Hindi pwedeng mangyari iyon. Hindi pa siya in love sa akin. Manalo o matalo si Dad, magagalit talaga si Governor sa kanya. Dad won't really have a choice but to leave. Paano na ako? Paano na kami ni Gov kapag nangyari iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD