Sa una ay pinagdikit lang niya ang mga labi naming dalawa ng ilang segundo at pagkatapos ay nagsimulang gumalaw ang mga labi niya. Parang tinitikman lang niya ang upper lip ko gamit ang mga labi at dila niya. Ilang ulit nga niyang pinasadahan iyon ng dila niya tapos parang hinihigop niya.
Kabadong-kabado ako mg mga sandaling iyon kaya napakapit ako sa balikat niya. Nang maramdaman niya ang mga kamay ko, bumaling naman siya sa lower lip ko. At gaya kanina, pinasadahan din niya iyon ng dila niya, sinipsip, but this timaz may halo na iyong kagat.
"Hindi ako nagkamali. You have the sweetest lips, Patrick," bulong niya sa mga labi ko bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ko. Pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at tila nilalasahan niya rin ako roon. Napaungol ako at mas humigpit ang pagkakakapit ko sa mga balikat niya dahilan para mas maging agresibo ang ginagawa niyang paglalaro sa mga labi ko. Naroong kumagat siya, sumipsip, at pati paghigop, ginagawa niya.
Noong una, syempre very conscious ako. Pero habang tumatagal, nawawala ang concentration ko. Nagsisimula ko nang i-enjoy ang ginagawa ng mga labi niya sa mga labi ko. Enjoyable din pala na nakakahilo at nakakadala. Paano na lang kung si Gov na ang kahalikan ko? Baka makalimutan ko nang buhay ako.
Halos mawalan na ako ng hininga nang magdesisyon siyang humiwalay sa akin. Nagkatitigan kami.
"Did you get it?"
"Ha?"
"Iyong mga ginawa ko sa lips mo," kumikislap ang mga matang paliwanag niya.
"Ah, oo. Oo!"
"Kaya mo na bang gawin iyon sa akin?"
Nagdikit ang mga kilay ko.
"Bakit sa'yo?" nagtataka kong tanong. Umikot naman ang mga mata niya.
"Natural. Kailangang praktisin mo sa akin yung mga itinuro ko para malaman ko kung talagang natutunan mo yun."
Napakagat-labi ako. Kailangan ko rin siyang halikan ng ganon? Kailangan kong sipsipin at kagatin at higupin yung lips niya? Kailangan kong dilaan yung loob ng bibig niya tapos laruin ng dila ko yung dila niya? Kailangan ko talagang sipsipin din yun?
"What, Patrick? Nakalimutan mo na ba lahat yung ginawa ko?"
Napalunok ako. Parang nakalimutan ko na nga lahat. Nahihiyang napatingin ako sa kanya.
"Pwedeng ulitin mo tapos dahan-dahan na?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ring nag-init ang buong mukha ko. Nang tumingin ako sa kanya, parang tumamis yung ngiti niya sa akin.
"Pwede naman, basta ikaw," pagpayag niya bago niya hinawakan ang mukha ko gamit ang mga kamay niya. Tapos dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi niya sa mga labi ko at sa pagkakataong ito, hindi na ako nagpadala sa sensasyong kumakapit sa kamalayan ko kanina. This time, I concentrated on his lips, tongue, and mouth's movements kahit aaminin kong nahihirapan ako. Valentin is such a good kisser. Nakakawala ng concentration yung paghalik na ginagawa niya.
Binilang ko pa sa isipan ko kung gaano ko dapat katagal kagat-kagatin at sipsipin yung upper and lower lips. Kung saang direksiyon dapat mauna. Pero habang tumatagal, nagsisimula na naman akong madala sa mga halik niya. Napapaungol pa nga ako. Saglit siyang humiwalay sa akin.
"Why don't you answer my kisses, Patrick? Try to imitate what I'm doing?" pang-eengganyo niya habang namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa mga mata ko.
"Okay," bulong ko. At nang muling magsalubong ang mga labi naming dalawa, ginaya ko na ang bawat galaw ng mga labi niya. Nagulat ako nang umungol si Valentin nang sipsipin ko ang dila niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas ginanahan ako nang marinig ko ang pag-ungol niya. Sinabayan ko na ang pagiging agresibo niya.
Mas lalong lumakas ang pag-ungol niya nang kagat-kagatin ko ang ibabang labi niya. I feel powerful at that moment kaya mas ginanahan pa ako. I even imagined na si Gov ang kahalikan ko. At dahil enjoy na enjoy ko na ang mga sandali, Hindi ko namalayang nakagat ko nang mariin ang labi ni Valentin. Oopps.
"Aww! Patrick!" angil niya.
"Sorry!" kaagad kong hinawakan ang mukha niya at tinignan ang sugat na nagawa ko sa labi niya. It's bleeding!
"Sorry, Valentin," pag-uulit ko habang pinupunasan ng thumb ko yung dugo sa gilid ng labi niya.
Nang mag-angat ako ng tingin at nakatitig siya sa akin kaya nag-peace sign ako sa kanya. Natawa siya sa ginawa ko at bumangon na at umalis sa ibabaw ko. Kinuha niya rin ang nga kamay ko at hinila ang mga iyon para makaupo ako.
"How was it?" curious niyang tanong sa akin habang nakakatitig sa mga labi ko.
"Hmm. Good," simple kong sagot sabay iwas ng tingin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakadama ng hiya ngayon sa ginawa namin.
"Good lang?" Napalingon ako sa kanya. Nang makitang naghihintay siya sa susunod na sasabihin ko, inikutan ko siya ng mga mata.
"Fine. Very good," pagbibigay ko.
"Very good lang?" tanong na naman niya. Napanganga na ako sa kanya. Ano bang sagot ang gusto niyang marinig para makontento siya?
"Amazing?" patanong kong sagot sa kanya. Napailing siya.
"Aren't you going to say that I am a very good kisser, Patrick?" ngiting-ngiti na tanong niya.
"I can't say that, Valentin."
"And why?" Nagtaka pa siya.
"Of course, paano ko sasabihin if I have no one to compare you with? How would I know that not everyone kisses that way if I haven't kissed them yet? Hindi ko pa naman pwedeng halikan ang Papa mo. Gusto mo ba na makipaghalikan ako sa iba para masabi kong ikaw ang good kisser sa inyong dalawa?"
Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Subukan mong makipaghalikan sa iba nang madurog ko ang nguso ng tanong iyon, Patrick," galit niyang saad na may halo pang pagbabanta.
"See?"
"Simpleng papuri lang ang hinihingi ko, gagalitin mo pa ako," pagpaparinig niya.
"I praised you! Sinabi ko na the kisses are good! Dinagdagan ko pa ng 'very' tapos gusto mo pang dagdagan ko ulit?" pagpupumilit ko sa kanya.
Naiinis na tumitig siya sa akin.
"Damn. Why are you so dense, Patrick?" Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo na siya. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
"I'm not dense!"
...
"Baba na," utos sa akin ni Valentin. Napatingin ako sa kanya bago ako tumingin sa labas ng sasakyan. Naririto na kami sa harapan ng bahay namin. I think nagtatampo pa rin siya kasi nakasimangot siya, eh.
"Valentin..."
"What?" masungit niyang tanong. Napahiya tuloy ako. Imbes na magpapasalamat ako, hindi na lang kasi ang sungit niya.
"Wala! Bye!" Binuksan ko na ang pintuan ng kotse pero pinigilan niya ang isang kamay ko. Naiinis na nilingon ko siya pero nang maramdaman kong may pinahawak siyang malamig na bagay sa kamay ko, napayuko ako roon.
It's a necklace. Medyo makapal ito at may pendant na twin dragons.
"Wear that starting tomorrow," sabi niya sa akin nang magkatinginan kami. Kaagad na nawala ang inis ko kasi hindi na siya mukhang masungit.
"Why are you giving me a necklace?" I curiously asked.
"It's a symbol of our arrangement. If you want to keep it after, then it's yours. Kung ayaw mo na niyan pagkatapos ng lahat, then pwede mong ibalik sa akin."
Napatitig ako sa kanya. Valentin is really handsome and charming kung mabait itong tignan. Pero kung galit ito, kamukha nito yung mga kontrabida sa TV na gwapong demonyo.
Kung tatanggihan ko ang binigay niya, baka Makita ko pa yung pang-kontrabida looks niya so I smiled at him and thank him.
"Are you coming to pick me up tomorrow?" tanong ko sa kanya.
"I'm not sure kung makakahabol ako sa uwian n'yo. But I'll try." Ngumiti ako sa kanya. Mukhang bati na kami kasi mabait na siyang magsalita.
"Okay. Thanks for today, Valentin." I even waved my hand at him nang makababa na ako. Isinara ko na ang pinto ng kotse siya at pinanuod siyang mag-drive palayo.
Nang pumasok ako sa bakuran namin, I saw at least 3 cars na hindi naman namin pag-aari. Baka may bisita si Dad.
Nang makapasok ako sa bahay, nagulat ako nang madatnan ko ang ex-vice governor and two current SBMs. Pero wala si Governor. Wala rin si Atty. Samuel. What is the meaning of this?
"Good evening po," bati ko sa mga naroroon.
"Oh, ito na pala ang panganay mo, SBM," sabi ni Ex-VG sa dad ko.
"Yes po, Vice," sagot ni Dad. Vice pa rin ang tawag sa matanda kahit ex-VG na ito. Then, bumaling si Dad sa akin.
"Umakyat ka na muna, Patrick. Ipapatawag na lang kita Mamaya," utos ni Dad sa akin kaya magalang akong yumuko sa mga bisita niya bago umalis.
The presence of those people brought me worries. Kalabang partido sila nina Governor noong last election. Anong ginagawa nila dito sa bahay namin? Are they asking my father to talk to the Governor for them or...
No. They aren't convincing my Dad to transfer his loyalty to them, are they?
Hindi. Dad wouldn't dare fight against the governor this coming election. It's inevitable. Matatalo si Dad. At kilala ni Dad kung paano magalit si Gov, di ba? Maybe, he's just listening to them out of respect. Ayaw lang niyang mabastos ang mga ito kaya hinarap niya.
Hindi tatalikuran ni Dad si Gov. If he will, then paano na kami ni Gov? Paano na ang love life ko kung magiging magkalaban sila sa pulitika?