Nahulog si Admiral Pantheon sa gitna ng parang lumang templo. Sobrang luma pero halatang matibay ang pagkagawa. Ganito pala ang itsura ng gate sa kabilang panig ng Prison Cell. Kahit paano ay hindi siya mahihirapang hanapin ang daan pabalik sa Spirit World.  Walang ibang nilalang sa paligid. Tahimik. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng templo. Sinilip ang labas. Bumungad sa kanya ang napakalawak na Prison Cell, at mukhang wala itong hangganan.  "Saan ko naman hahanapin si Master Rapier dito?" Tila nawawalan ng pag-asang nasabi ni Pantheon. Ngayon niya mas lalong pinagsisisihan ang katangahan niya. Nauto siya ng isang snake spirit. Naglakad-lakad si Pantheon at baka sakaling mahanap niya ang mga pakay niya. Spirit World Dumating si Master Penn sa tanggapan ni Lord Duncan. "Lord D

