"L-Lord Duncan, mahirap po yata ang pinapagawa nyo sa akin." Takot ang rumehistro sa mukha ni Admiral Pantheon. Napangisi si Duncan. "Wala ka namang choice. Either bring Master Rapier out or stay inside the Cell for eternity." Napaluhod ang Admiral at yuko ang ulo. Wala nga siyang pagpipilian. Kasalanan niyang lahat 'to. Nagpauto siya sa isang snake spirit. "Hindi lang si Rapier ang ilalabas mo, isama mo si Adder." Napaangat ang ulo ni Admiral Pantheon. "L-Lord Duncan?" Napatingin din ng may halong pangamba ang ibang Admiral at maging si Elisse. "Iyon lang ang paraan para hindi mawasak ang Cell at hindi sirain ang Brilyante. Basically, gusto lang ng partner ni Adder na makalabas siya ng Cell. She's just doing a drastic measure to free Adder." Paliwanag ni Duncan sa lahat. Lumapit si

