"Mikael! Sabihan ang lahat ng kawal na maghanda! Madali!" utos ni Duncan. Pormal na lumuhod ang guardian para sa official na utos mula sa pinuno ng buong Spirit World. "Masusunod, Lord Duncan." Nagsimulang magkaroon ng butas-butas na c***k sa iba't ibang bahagi ng silid. May kamay na lumabas sa butas malapit sa paanan ni Lexi na may hawak na espada at nahagip siya sa binti. "Aaaaaaahhhhh!" Napaluhod si Lexi. Nagsalubong ang kilay niya sa galit saka iniumang ang kamay. Tinamaan ng kidlat ang black spirit na sumugat sa kanya. Lumapit si Rapier kay Lexi. "Ayos ka lang ba, anak?" Napalingon si Lexi sa tunay na ama. Napangiti siya ng nahihiya dito. "A-ayos lang po ako." Ngumiti pabalik ang ama. "Maghanda kayo. Ang bawat bahagi na may sira ay maaaring magbukas mula sa iba't ibang bahagi ng

