Kinagat ko sa loob ng aking bibig ang gilid ng labi ko. Ang nakasimbakol na mukha kanina’y napalitan na naman ng pangangamatis ng mukha. Pinaglalaruan ni Lucas ang mga daliri ng kamay kong nasa hita niya. Ang Lola niya’y nagtatampo pa rin na nakatingin sa apo niya. Ang Lolo naman niya’y nagsimula nang kumain. "Naghihintay ako na ipakilala mo ang girlfriend mo ngunit ang madalas mong dahilan ay abala ang kasintahan mo! Kung hindi pala namin siya natagpuan sa dalampasigan ay hindi namin siya makikilala at tila wala kang balak na dalhin dito!” Nagkatinginan ulit kami ni Lucas. Ako ba ang tinutukoy ng Lolo at Lola niya o si Catelynn? Abala? I’m busy studying in Japan pero malay ko rin ba kung iba ang tinutukoy ng Lola niya. Napalabi ako dahil nalilito sa sinasabi ng matanda. Wala naman kami

