"Hello? Who's this?" Maarte na boses ni Rome ang una kong narinig. Tumikhim ako at hindi nagsalita. "Hello?" Tanong niya ulit. "Rome,” bulong ko sa pangalan niya. Kagaya noong una kaming mag-usap pagka-uwi ko galing sa Japan ang naging reaksyon niya. Natahimik siya at nasamid na para bang nabilaukan sa sariling laway. May narinig din akong nagkalaglag at mukhang mayroon siyang nabitawan. Hindi pa siya nagsalita. Narinig ko muna ang paglakad-takbo niya at ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan. "Lucienne? Buhay ka? Nasaan ka?” Umaalon ang boses niya at parang maiiyak. “Mula nang mawala ka hindi tumigil sa paghahanap sayo si Lucas! Nawalan ka ba ng alaala? Na-comatose? Bakit ngayon ka lang tumawag?” Sunod-sunod ang tanong niya. Huminga ako ng malalim at idinetalye sa kanya ang nangya

