Papikit na ako at nahehele na sa yakap niya nang may maalala. Kinalas ko ang kamay kong nakayakap pabalik sa kanya. Tumingala ako. Nakapikit pa siya’t papadilat pa lang. Hinawakan ko siya sa pisngi upang igiya ang kanyang mukha paharap sa akin. "If what you’re telling me now is the truth. Then, why did I hear you talking to Catelynn and telling her I love you?” Nag-explain siya ngunit hindi ito nasama sa eksplanasyon niya. Kung totoong wala na sila noon bakit may i love you-han pa ring naganap sa kanila? What is that? I love you as a friend? I love you as an ex? He creased his forehead like he was confused. He shook his head and grabbed my hand away from his face. He’s staring at me while he’s thinking about the day he called Catelynn. "I didn't talk to her while we were on the island.

