"Okay. Thank you, Silas. I'll be there tomorrow." Pagkababa niya sa tawag, tiningnan niya ako at nginitian. Sinenyasan niya ako na pumasok muna sa loob. Nagpapakain kasi sila ng Lolo niya ng mga manok. Natigil lang nang mayroong tumawag sa kanya. Tinigilan ko ang pagtaas-baba sa poso at nagpaalam sa Lola niya na tinutulungan kong maglaba. Pagkapasok ko sa kwarto, naabutan kong mayroon ulit siyang kausap sa telepono. Nagpaalam siya at ibinaba ang tawag nang makita ako. Nilapitan niya ako at inayos ang buhok ko na nabasa na ng pawis kakabomba. "Do you still remember the man who helped you with that kidnapping incident?" He asked carefully. Tumango ako at naghintay sa sasabihin niya. “I don’t have to interrogate them because he volunteered to be your witness. I asked my friend to protect

