Hapon na at nagpasya ako na bumaba at lumabas ng aking silid. Naupo ako sa sala, kung saan nanonood ang mga kasambahay ng telebisyon habang nag memerienda. “Anong kinakain ninyo Manang?” tanong ko sa isang kasambahay na si Manang Analyn. “Pinakro na saging, gusto mo ba anak?” tanong nito na tinanguan ko. “Si Sir Kenneth po, Ma’am!” napalingon ako sa TV, dahil si Ken nga, habang nakaupo at katabi ang magandang babae. Mukhang engagement party ng mayaman. Dinukot ko ang aking cellphone at nagsend ako ng voice message sa lalaki. Pagkatapos ay muli akong naupo sa sofa, kung saan nakaupo ang mga kasambahay na magpapahinga. “Salamat,” sabi ko sa kasambahay na inabutan ako ng kanilang kinakain. Sinandukan ako ng matandang babae, ng pagkain sa katamtaman na sukat ng mangkok. Nakangiti a

