Nakatayo ako sa harap ng veranda at naninigarilyo, habang nagkakape. Tanaw ko ang kabuohan ng lungsod. Ilang araw na ako hindi nagbubukas ng aking cellphone, dahil ayaw ko malungkot. Pero may parang kung ano na humihila sa akin para buksan ko ang aking cellphone. Kaya't bumalik ako sa loob at pinindot ko ang on, at binuhay ang aking cellphone. Nag pop-up ang maraming notification, missed calls at messages. Pero inuna ko lang ang message ni Kuya Ben, “She rejected me, go back home. Because she loves you more, than me,” napakunot ako ng aking noo. Naguguluhan na nasabunutan ko ang aking buhok at nauntog sa pader ng mahina. Hindi ganito ang gusto kong mangyari, ang gusto ko ay maging maayos sina Kuya Ben at Jevie. Hindi ang maging mas magulo pa sila. Muli akong naupo sa gilid ng veran

