"Miss Venice!" tawag sa kanya ni Carlo na may hawak na patpat habang nakangiting lumalakad palapit sa kanya. Mabagal lang ang lakad nito dahil hindi ito nakakakita. "Hi, Carlo. Namiss kita alam mo ba iyon?" natutuwa niyang sabi rito at niyakap ito ng makalapit ito. "Kayo din po namiss ko. Alam nyo po ba na nag-pray ako na sana ay mayakap ko po kayo." sabi nito na kinangiti niya lalo. "At dahil nag-pray ka kay god, kaya heto tinupad na niya," sabi niya rito habang nakaluhod na sa harap nito. "pasensya na at hindi ako nakadalaw, Carlo. Pero bilang ganti, may gift ako sa 'yo at sa ibang bata rito." pagpapatuloy niya. Pumalakpak ito at napatalon sa tuwa. Ito ang isa sa dahilan kung bakit unti-unting nawala ang lungkot niya sa pagkawala ng anak niya. Nagpapasalamat parin siya sa panginoon

