KABANATA 19

2556 Words
Cannes, France Nakalabas ang kamay ni Venice sa bintana upang damhin ng palad niya ang hangin. Napakaganda at masarap ang hangin habang bumibyahe sila ni Gwen patungo daw sa Victoria's Company. Ipakilala daw siya sa ibang model at mga designer. Nung una ay kinakabahan siya dahil baka iba ang isipin sa kanya ng mga model at designer. Pero sabi ni Gwen sa kanya ay mababait daw lahat ng tao doon kaya nakampante siya. Malamig ang klima ngayon sa France kaya pala pinagsuot siya ng jacket at scarf ni Gwen. Maganda ang tanawin habang nakatingin siya sa Labas ng bintana. May isang Asul na asul na river habang may mga hotel at ilang bahay na parang mga vintage ang kulay at itsura ng mga building. Inaamin niya kahit saglit ay nakakawala ng lungkot at sakit na nadadarama niya nang makita ang tanawin. Parang napakapayapa ng lugar at nais nalang niyang tumanaw kesa mag-isip ng mag-isip. "We're here." pukaw sa kanya ni Gwen. Kaya napalingon siya rito at bago tumingin sa harap. Isang mataas na building ang nakita niya. Inalis niya ang seatbelt ng mapansin na kailangan niya ring bumaba. . "Follow me. I'm so excited to introduce you to all my friends here." nakangiti nitong aya kaya ngumiti siya at tumango. Sumunod siya rito habang tumitingin sa paligid. Maraming bumabati kay Gwen at laging tinatawag rito ay Madam. Pinagtitinginan din skya ng mga tao nito tila nagugulat na kasama siya ng isang Gwen. Tila respetadong tao talaga si Gwen dito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. "Hi, Madam. Welcome back." ani ng isang babae na fashionista ang suot. Hindi mo aakalain na mga saleslady ang iba dahil ang gaganda ng suot. "Thanks, Rica." nakangiting tugon ni Gwen bago pumalakpak. "Guys, Come here. I want your attention." pagtawag nito sa mga empleyado. May mga may hawak na papel na huminto. Meron din na nag-dedesign na binaba ang lapis. Meron din mga may hawak na medida habang sinusukat ang tamang sukat para sa damit na tumigil din. Hinawakan siya ni Gwen sa braso at inakay paharap sa mga ito. "She's our new model--Venice. She's my special friend and I want you guys treat her well." nakangiting wika ni Gwen at pagpapakilala sa kanya. "Oh, she's gorgeous and so sexy. Perfect for my creation." natutuwang sabi nang tingin niya ay nasa mid thirty na babae. Blond ang hair na kulot at maputi. Siya 'yung may hawak na pencil at tingin niya ay isang designer. "Your right, Sara. Konting diet lang at exercise pwede na siyang isabak sa susunod na Victoria Cat walk event natin." sabi ng isa na nagulat siya na marunong palang mag-tagalog. "Marunong silang mag-tagalog dahil lahat sila ay half pinoy." bulong sa kanya ni Gwen nang mapansin siguro ang gulat niyang mukha. "Madam, I think she need a make over. I want her to look like a hot chick. Medyo kailangan niya na magpakita ng alindog." sabi ng isang bading. Napangiti siya dahil bigla niyang naalala si Gret dito.. "If it's okay to her, why not?" sabi ni Gwen at tumingin sa kanya. "Are you agree with that, Venice?" tanong nito. "Huh?" nagugulat niyang anas. Napatingin siya sa mga empleyado na nag-suggest ng iba't-ibang nais para lang sa kanya. Mga nakangiti ang mga ito at hinihintay ang reaksyon niya. "Sige." tugon niya. Nagpalakpakan ang iba at nagulat siya ng maglapitan ang mga ito. "The make over start now!" natutuwang sigaw nung gay habang hatak-hatak na siya ng mga kasama nito. Tumingin siya kay Gwen na nakangiti at nag-thumbs up sa kanya. Pagdating sa isang room ay pinaupo siya sa isang recliner habang puro salamin at make-up ang nakikita niya. Tumingin siya sa gay na nakahawak sa baba nito habang nakatingin sa salamin. Bale nasa likod niya ito habang tinitignan siya mula sa salamin. Nagulat siya ng bigla itong pumalakpak at napangiti. "Alam ko na ang gagawin sa hairstyle mo." sabi nito. "Huh? Anong gagawin mo sa buhok ko?" takang tanong niya rito. Ngumiti ito. "Just relax and seat, Beauty." ani nito at nilagyan siya ng telang nilalagay pag ginugupitan. Kumuha ito ng gunting at inumpisahan nang ibahin ang style ng buhok niya. Habang minemake-over siya ay may naglilinis ng paa at kamay niya. Inaalis din ang dati niyang nail cuticle sa kamay at paa. Napahikab siya dahil inaantok siya dahil wala naman siyang sapat din na pahinga. Napapikit siya habang may mga taong inaayos ang anyo niya. Nagising lang siya ng may tumapik sa balikat niya. "Look girl. You are so gorgeous." ani ng bading.. Tumingin siya sa salamin at tinignan ang sarili. Napamaang siya sa kanyang nakita. Ibang Venice ang nakikita niya. May bangs at hanggang balikat nalang ang haba ng buhok niya. Itim na itim habang may mapulang labi dahil sa lipstick na ginamit at medyo makapal ang make-up niya sa mata. Parang nag-mature ang mukha niya. 'Yung parang nawala ang medyo inosente niyang anyo. Parang isang matatag na babae ang nasa harap niya na kailanman ay hindi na kayang saktan ng sino man. Ngumiti siya sa mga ito at nagpasalamat.. At muli siyang tumingin sa salamin habang tinatatak sa isip na hindi na siya muling iiyak. - After two years ay nagbago na ang kani-kanilang buhay. Naging isang mas malupit na businessman si Damon.. Lahat ng bumangga sa kanya ay ipapatumba niya. Naging malamig na rin siya kung tumingin. Simula ng hindi niya mahanap si Venice ay hindi na niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mahanap si Venice. Hindi siya makakuha ng sagot kay Gret dahil wala daw itong alam. "Daddy!" sigaw ng isang batang babae pagkababa niya ng sasakyan. Ngumi-ngiti lamang siya sa batang ito lang.. "Hi, baby." sabi niya rito at binuhat. "Daddy, who is she?" tanong nito at hindi niya napansin na may hawak pala itong litrato. Litrato ni Venice. Kinuha niya ito at pinakatitigan. "She's my--" "She just a friend of your daddy, baby." singit ni Ivy. "Really? She's beautiful. I want to see her." sabi ni jillian--her daughter's name. Walang duda na anak nga niya. Nagpakuha sila ng dna test upang malaman kung kanya nga. At gaya ng sinasabi ng resulta ay positive na anak niya si jillian. Dahil nais ni Grand Ma na tumira si Jillian sa bahay niya ay hindi na siya tumutol. Ang kaso ay pati si Ivy ay kasama. "She's not. I'm beautiful than her." sabi ni Ivy. "Shut up, Ivy." malamig na sabi ni Damon kay Ivy. "Why? Because you still love her, ha?! You know my feelings to you, Damon." naluluha nitong sabi. "Don't say that again, Ivy. Sinasaktan mo lang ang sarili mo." sabi niya rito. "Daddy, hindi mo po love si Mommy?" tanong ni jillian. Hindi makasagot si Damon dahil ayaw niyang masaktan si jillian. Lumuluhang tinalikuran sila ni Ivy papasok sa loob ng mansyon. Sa loob ng dalawang taon ay nakilala niya si Ivy. Wala itong naging kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ni Venice. Naging maayos naman itong ina kay jillian.. At lagi din siyang inaalagaan. Pero iba parin talaga ang hinahanap ng puso niya. Simula ng mawala si Venice sa buhay niya ay para bang hindi na siya nakapag-isip ng tama. Hindi din ganong kadali na makalimutan ito dahil ito pa rin ang hinahanap-hanap niya. Minsan ay may nakikita siya na kahawig nito pero nauuwi lang ang lahat sa pagkabigo. Trabaho, bar, bahay at paglalaro lang kay jillian ang routine niya sa buhay. Lagi siyang laman ng bar para maglasing upang makabawas ng sakit tuwing lagi siyang nag-iilusyon na akala niya ay nakikita niya si Venice. Pero hindi siya masyadong nagpapakalasing dahil ayaw niya nang maulit ang nangyari. "Hello, Mr. Wang?" tugon niya sa tawag ng isa sa investor na kapartner niya para sa gagawing malaking event para sa pagbubukas ng clothing line na negosyo niya. "May kilala na akong mairerekomenda sa 'yo na magaling na designer para sa negosyo natin sa damit. Pero mahirap mapa-oo. Dahil isa siyang sa magaling at may pangalan na designer at isa rin palang sikat na modelo sa France." sabi nito. Inalog niya ang hawak na alak habang nakatayo siya sa veranda ng kwarto niya. "Is she a girl?" tanong niya. "Yes. A hot chick exactly." manyak nitong sabi na kinainit ng ulo niya. "What's her name?" "Victoria." sabi nito. "I see. Maybe we offer her a big amount." sabi niya rito. "No, no.. That's not good. She's not into a money. What if you convince her. Talk to her in person." suggest nito. "Okay, I handle that. Make sure she's good enough for my business." sabi niya rito. "I assure you. Hindi ka mabibigo sa kanya. She's the best designer that I know." paniniguro nito. Sapat na para makuha ang atensyon niya. "Good. Because if you are wrong, you know the consequence." sabi niya rito at binaba na ang tawag. Pagkatapos ay tinawagan niya si Jess upang ipag-book siya ng flight patungong France. - Tila sa paglipas ng panahon ay talagang may magbabago. Ang dating Venice Santillan na nagmahal, nasaktan at ngayon ay nakabangon na. Ibang-iba na. Isang babae na Sophistikada. Pantasya ng mga kalalakihan. Isa nang magaling at sikat na Designer at Model sa France. Focus siya sa pagguhit ng isang gown para sa isang costumer na magde-debut. Gusto niya na maganda iyon kaya para walang istorbo ay sinabihan niya ang mga co-designer niya na 'wag na 'wag papasok sa work place niya. "Hey, gorgeous, Victoria." ani ng isang lalaking-lalaking boses na kilalang-kilala niya. "You don't know how to knock?" sabi niya na hindi man lang nag-aangat ng tingin sa kausap. Yes, she change her profile. She's Victoria coming from the name of Gwen's Company. Humalakhak ito tila natutuwa sa tinuran niya. "Kaya lalo akong nai-in love sa 'yo. Masyadong mahirap makakuha ng atensyon mo. Nakaka-challenge tuloy." sabi nito at naupo sa isang swivel chair paharap sa kanya. Nilagyan nalang niya ng signature note ang ginagawa niyang design bago tumingin sa kausap. Sumandal siya sa swivel chair niya at pinagsiklop ang kamay. "Ano ba ang nakain mo at pinuntahan mo ako dito?" tanong niya rito. "Gusto ko lang ipaalam na marami nang nagkaka-interest sa ginawa mong damit. Binalita palang na ipapa-auction iyon, pero marami na agad ang nag-ooffer na sila ang bibili sa malaking halaga." balita nito. "Hindi ko iyon ibebenta sa malaking halaga. Kailangan muna ng malaking dahilan kung para saan iyon at kung bakit nila nais na makuha. Kung sino man ang may magandang dahilan ay sa kanya ko iyon ipagbibili.." wika niya. "Kung iyon ang nais mong mangyari, hindi ko na tatanungin ang dahilan mo, dahil alam ko na kung bakit." sabi nito na kinangiti niya."Oo nga pala, kailangan nating magtungo kay Grand Pa. May nais siyang sabihin sa 'yo." pagpapatuloy nito. "Sige, nais ko rin makamusta si Grand Pa." tugon niya. "Miss Victoria!" tawag mula sa labas ng work place niya. "Come in!" tugon niya. Ilang saglit lang ay pumasok si Meg, ang assistant niya. Napatingin ito sa kausap niyang lalaki at yumukod bilang pagbati bago ito tumingin sa kanya. "Miss Victoria, nandyan po sila sister." sabi nito. Napaayos siya ng upo dahil sa sinabi nito. "Papasukin mo." sabi niya rito. Napatingin siya sa lalaking kausap niya ng tumayo ito. "Maiiwan na kita dahil alam kong busy ka pa. Pero gusto kong itanong kung pwede ba tayong mag-dinner tonight?" tanong nito. "Sige, tatawagan nalang kita." sabi niya rito. "Okay." sabi nito kaya ngumiti siya. "Thank you... Lei." sabi niya rito na patalikod na sana. "Welcome." sabi nito at tuluyan nang lumabas na siya namang pasok din ng mga sister. Malaki ang pasasalamat niya kay Lei dahil lagi itong nasa tabi niya upang tulungan siya lalo para makaangat. Hindi niya aakalain na magkikita sila ni Lei sa isang event.. Isa itong guest sa fashion show na kabilang siya. Dahil sa unang beses niyang rumampa na naka-Victoria Secret panty at bra ay ilang na ilang siya kaya nang makarating sa gitna ay napaupo siya sa kaba. Hiyang-hiya siya noon dahil natahimik ang paligid at pakiramdam niya ay sinira niya ang show ni Miss Gwen. Pero nabigla skya ng may naglahad ng kamay sa harap niya upang tulungan siyang tumayo. At doon nalaman niya na si Lei iyon. Kaya imbis na pumangit ang show ay napag-usap-usapan pa tuloy ang pagiging prince charming sa kanya ni Lei. "Iha, ayos ka lang?" nagbalik siya sa sarili ng pukawin siya ni sister. Tumukim siya at tumango rito bago ngumiti. "Yes, Sister." sabi niya rito. "Mabuti at nakapunta kayo rito. Pasensya na po at hindi ako nakakadalaw sa mga bata ngayon." pagpapatuloy niya. Hinawakan ni sister Maria ang kamay niya at tinapik ng mahina. "Ayos lang iyon, dahil alam namin at ng mga bata na may iba ka ring tungkulin na dapat gampanan. Nagtungo kami rito dahil namiss ka naming bata ka. Gusto din namin na malaman kung maayos ba ang lagay mo." sabi nito na kinangild ng luha niya. Tumayo siya at lumapit kela Sister Celia at Sister Maria at niyakap niya ang mga ito. Simula ng aksidenteng nakapunta siya ng Orphanage ng mga ito ay parang nahanap niya ang sarili niya. Nakatagpo siya ng ina sa mga sister at doon din ay nawala ang pangungulila niya sa anak niya dahil sa mga bata. Mga pilipino din sila Sister kaya mas lalo silang nagkaunawaan. Dito pasamantala nakatira ang mga sister dahil pinadala ang mga ito ng simbahan para maggabay sa mga batang pilipino na iniwan ng ofw. "Maraming salamat, Sister Celia at Sister Maria. Dahil din sa inyo ay para akong nagkaroon ng pangalawang Ina." umiiyak niya sambit sa mga ito na hinahod ang likod niya upang pakalmahin siya. "Hindi ka na iba sa amin, Venice. Kahit na nagbago ka ng pangalan ay susuportahan ka namin sa nais mo. Dahil alam namin kung gaano mo gustong makalimot sa nakaraan. At bilang ina mong maituturing ay parati lang kaming nakasuporta sa 'yo. At hindi mo rin maaalis sa amin na alalanin ka. Dahil nabalitaan namin na pinapagod mo daw ang sarili mo sa trabaho. Kaya kami napunta agad dito." tugon ni Sister Maria. "Kaya ikaw na bata ka! Huwag kang magpapagod kung ayaw mong makita ang pagmumukha namin na dito palagi." biro ni Sister Celia na kinatawa niya at bumitaw ng yakap sa mga ito. "Si Sister Celia talaga oh! Kahit na makita ko palagi ang mukha niyo ay hindi po ako magsasawa." sabi niya sa mga ito. Tumayo ang mga ito at ngumiti sa kanya. "Kung gano'n ay mauuna na kami, Anak. Alam namin na may gagawin ka pa. Kaya hindi ka na namin iistorbohin pa." sabi ng mga ito. "Po? Sandali, Sister. Gusto ko pong madalaw ngayon ang mga bata. Kaya po sasama ako sa inyo." sabi niya at kinuha ang bag niya. "Hindi ba may date kayo ng binata kanina?" sabi ni Sister Celia na kinailing niya. Malakas talaga sumagap ng usapan itong si Sister Celia. "Hindi po date iyon. Sasabihin ko nalang po sa kanya na kasama ko kayo at alam ko na mauunawan niya iyon." sabi niya at ngumiti. "Kung gano'n ay mabuti naman.. Tiyak na matutuwa ang mga bata oras na makita ka. Lalo na si Carlo." sabi ni Sister Maria. Lalo siyang napangiti at nanabik na magpunta sa ampunan. Isa si Carlo ang dahilan kaya siya lalong napamahal sa ampunan. At dahil din kay Carlo kaya nawala ang pangungulila niya sa anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD