KABANATA 8

2956 Words
THREE IN THE afternoon nang magsimula ang pictorial shoot ni Venice. Suot niya ang sexy v-neck long sleeve split button dress Boho evening party maxi beach dress, habang ang buhok niya ay kinulot ang dulo at nilugay. Sa isang wooden bridge ang napiling background ng mga photographer. "Okay! Nice, express your sexy pose. Good.. Okay, one more shot." sabi ng photographer habang kinukuhanan siya. Isang kuha pa ng mag-thumbs up na ang photographer. Kaya napangiti siya at umayos na ng tayo. "Hangang-hanga sa 'yo ang mga taong nasa paligid, Venice. Kahit anong angulo wala daw tapon." nakangiting sabi sa kanya Gret habang nilalabas ang cellphone nito. "Okay, smile!" sabi nito at tinapat ang cellphone nito sa kanila para mag-selfie sila. Binutones na niya ang suot niya dahil masyado kita ang balat niya para maging sexy ang damit. Napahinga siya ng malalim dahil napagod siya. Last shoot na 'yung ginawa nila at pauwi na sila sa pilipinas, pero hindi man lang nagte-text o tumatawag sa kanya si Damon. "May problema ba?" tanong ni Gret na napansin ang pananahimik niya habang papunta na sila sa room nila. "Wala naman. Napagod lang ako at gusto ko munang matulog." sabi niya. "Huh? 'Di ba sabi mo pupuntahan pa natin ang sikat na bar dito? You promised me, Venice. Don't break your promise." nangongonsensya nitong sabi. Meron nga pala silang pupuntahan. Bakit ba nakalimutan niya? "Okay, okay. Mamaya pa naman 'yon. Iidlip na lang muna ako saglit." sabi niya rito. "Okay, sabi mo 'yan, ha? Baka mamaya 'pag dinaanan kita dito, e, tulog ka pa. Naku, Venice, sinasabi ko sa 'yo." paalalanan nito. "Oo nga. Sige, pasok na ako." natatawang sabi niya at pumasok na siya. Pagdating sa sala ay nakita niya 'yung kasamahan niyang modelo na nanonood. Kaya nginitian niya ito ng tumingin ito sa kanya. Tumango ito at binalik muli ang tingin sa television. Nagtungo siya ng kwarto niya at dumeretso na agad sa kama. Paghiga niya ay dinapuan na agad siya ng antok. - *RING* Naalimpungatan si Venice ng mag-ring ang cellphone niya. Dahil akala niya si Damon na 'yon ay agad siyang bumangon at sinagot ang tawag. "Da--" "Hoy, Venice! Gising na! Magbihis ka na dahil nagbibihis na ako." Naputol ang sasabihin niya ng si Gret lang pala ang tumawag. Bumagsak ang balikat niya at walang gana na sinagot si Gret. "Okay. Salamat sa paggising. Maliligo lang ako." tugon niya. "Sige. Ibababa ko na ito para makabihis ka na." sabi nito at binaba na nga ang tawag. Napahinga siya ng malalim at tumingin muli sa cellphone niya. Hinihintay niya kung tatawag ba ang boyfriend niya, pero hanggang ngayon ay hindi pa. Kaya naman sinubukan niya na tawagan ito. Humugot siya ng malalim na hininga at tinapat na sa tenga niya ang cellphone. Nag-ring ang cellphone ni Damon at napangiti siya ng sinagot na nito iyon. "Yes?" boses ng isang babae ang sumagot. Parang nanigas siya sa kinauupuan na iba ang sumagot sa tawag at alam niya kung sino iyon. "Si Damon ang gusto kong makausap. Bakit mo hawak ang cellphone niya?" sabi niya rito. "Hmm.. Nasa shower pa siya, e. Ang tagal nga, e. May round 2 pa kami. Bitin na bitin pa sa akin." mapang-asar nitong sabi. Napatayo siya at napakuyom ng kamay. Nanginginig ang mga kamay niya at tumulo ang luha niya, pero agad din niyang pinahid iyon. "Hindi ako naniniwala sa 'yo!" galit niyang sabi rito. "Okay. Edi 'wag. Enjoy ka d'yan, ako na ang bahala sa boyfriend mo." sabi nito at binaba na ang tawag. Hinagis niya ang cellphone niya sa kama at napaupo siya. Sapo-sapo niya ang mukha habang humahagulgol. Ayaw man niya maniwala pero bakit nito hawak-hawak ang cellphone ni Damon? Kailan man ay hindi nagpapagalaw ng gamit iyon, tangi siya lang ang nakakahawak no'n. Bumabalik sa isip niya ang sinabi nito. Hindi niya mapigilan mag-isip. Kaya ba hindi siya tinatawagan ni Damon dahil may kalandian pala ito habang wala siya? Akala niya iba ito! Manloloko din pala! Niloko na naman siya. "Venice! Ready ka na?" tawag ni Gret mula sa labas ng pinto ng room niya. Siguro wala na 'yung kasama niyang model kaya walang maingay sa loob ng room nila. Nang maalala na may pupuntahan silang bar ay agad siyang tumayo. Pinahid niya ang luha at agad na nagtungo ng banyo. Ayaw niya na malaman ni Gret ang natuklasan niya. Ayaw niya na sabihin nito na totoo ang lahat ng pangaral nito sa kanya. Kahit sa ilalim ng shower ay walang humpay ang pagtulo ng luha niya. Hinampas niya ang dibdib dahil ang bigat-bigat no'n. Parang sasabog na sa sobrang sama ng loob. Gusto niya na ilabas iyon at gusto niya na magwala, pero siguro kahit anong gawin niya ay hindi na mawawala iyon. Paglabas niya ng banyo ay agad siyang nagtungo sa closet at sinuot ang black casual sleeveless party evening cocktail short mini dress. Nagtungo siya sa harap ng salamin at naupo sa upuan. Halata sa mata niya ang pag-iyak. Kaya nag-blower muna siya ng buhok at pagkatapos ay tsaka siya nag-make up ng makapal. Naglagay siya ng eye liner para hindi mahalata na galing siya sa pag-iyak.. Nude lipstick lang ginamit niya at kinulot niya ang dulo ng buhok niya. Nang maayos na ay kinuha niya ang lotion at nagpahid sa hita at braso. Baka ma-dry ang skin niya dahil sa lights ng bar. Nang matapos siya ay nakita niya ayos na ang porma niya kaya agad siyang nagsuot ng high heels na color white at kinuha niya ang pouch. Lumabas na siya ng kwarto at nakita niya si Gret na naiinip na naghihintay sa kanya sa sofa.. "Sorry, natagalan ako. Nakaidlip muli ako." pagdadahilan niya. "Bakit malat ang boses mo? Umiyak ka ba?" mapanghinala nitong tanong. "Ano ka ba! Syempre kakagising ko lang ng maligo ako kaya siguro ako minalat." nakangiti pa niyang sabi para hindi na ito manghinala. "Okay. Akala ko umiyak ka." sabi nito at tila naniwala na. "So, let's go. Excited na ako." aya na nito kaya tumango siya. Nauna itong maglakad at sumunod siya. Napahinga siya ng malalim sa pasasalamat na hindi na ito nagtanong pang muli. Tahimik lang siya habang pagtungo sila sa bar na sinasabi nito. Sumakay sila ng taxi at nagpahatid sa bar. 'Pag kinakausap siya ni Gret ay pinipilit niya na maging interesado sa kinikwento nito, pero ang totoo ay lutang ang isip niya habang iniisip ang pagtataksil sa kanya ni Damon. "Hey, Venice! Are you okay?" pukaw sa kanya ni Gret. Gulat na napatingin siya rito at napansin niya na huminto na pala ang taxi. "Oo. Tara na." sabi niya ng makabawi sa bigla. Pinigil siya nito mula sa pagbukas ng pinto. "Umuwi na lang kaya tayo? Tila may dinadamdam ka na malaki." nag-aalala nitong sabi. "Wala. Tsaka gusto kong magpunta ngayon sa bar. Tara, 'wag mo na akong isipin." nakangiti niyang sabi para iparating dito na okay lang siya. "Siguraduhin mo lang. Naku, kapag ikaw may tinatago ka sa akin, sasabunutan talaga kita." banta nito kaya tumawa siya. "Wala nga. Tara na!" sabi niya rito at binuksan na niya ang pinto ng taxi. Hinintay niya si Gret at nang makalapit na ito ay sabay na sila na pumasok sa bar. Pagpasok nila ay ang dami na agad na tao. Puro mga ellites ang mga costumer. Medyo sweet na tugtugin ang pinatugtog at medyo dim ang ilaw. Bawat makakasalubong nila ay napapatingin sa kanila. Nginingitian siya ng mga lalaki pero hindi na niya sinuklian. Wala siyang panahon na makipag-flirt. Humanap sila ng table ni Gret at may nakita sila sa medyo madilim na parte. Ayos na rin para walang masyadong makapansin sa kanya. "Order na tayo. Ano sa iyo, Nice? 'Wag 'yung hard. Baka malasing ka at magalit pa ang boyfriend mo." sabi nito. "'Yung nakakalasing na. Sayang naman ang pinunta natin dito kung hindi natin susulitin." sabi niya. Tamang-tama pala ang punta nila, may paraan siya para makalimot. Hindi siya marunong uminom at gusto niyang malaman kung effective 'yung sinasabi ng iba na 'pag nalasing ka ay maaari kang makalimot sa problema kahit saglit. "Sure ka? Hindi ka naman umiinom, ah. Baka hindi mo kayanin? Ladies drink na lang kaya." "Hindi. Sige, um-order ka. Ipapakita ko sa 'yo na kaya ko." hamon na sabi niya rito. Wala namang nagawa ito kundi tumayo at magtawag ng waitres. Sinabi nito ang o-order-hin nilang drinks at snacks. "Tell me. Alam ko na may problema. Bakit ba ayaw mong sabihin?" pagpapaamin nito sa kanya ng matapos itong um-order. Napatungo siya at pinagsiklop ang mga kamay. Nanginig na ang balikat niya at tumulo na ang luha niya. Naisipan niya na sabihin na kay Gret dahil kahit itago niya ay alam niya na malalaman din nito. "N-niloko niya ako, Gret. Kaya pala hindi siya tumatawag dahil may kalandian pala siya habang wala ako. Kaya pala ang dali niyang payagan ako na magtungo dito para nga naman makapagloko siya. Akala ko iba siya, 'yun pala.. 'Yun pala.. katulad din siya ni Vince na manloloko!" galit niyang sabi habang patuloy na lumuluha. Hinawakan siya ni Gret sa balikat at niyakap. Humagulgol siya sa balikat nito at nilabas ang sama ng loob sa pag-iyak. "Shhh. . . Shhh. . . Paano mo nasabi na niloko ka niya? Nakita mo ba? Baka nagkakamali ka lang?" Umiling siya at umalis sa pagkakayakap nito. Pinunasan niya ang luha niya. "Tinawagan ko siya, pero iba ang sumagot... Si Celine... Nung una talaga hindi ako nanghinala, baka kako siya lang ang nakasagot. Pero sinabi ni Celine na nasa shower daw si Damon. May round two pa nga daw sila, e. Mga walanghiya! Naiinis ako! Dahil wala ako doon para sabunutan ang babaeng iyon. Talagang pag-uwi ko hindi ako papayag na hindi ko mapahiya ang babae iyon!" nanggagalaiti niyang sabi. "Relax, Nice. Paano kung gumagawa lang ng kwento 'yung babae iyon? Dapat si Damon ang komportahin mo. Mamaya nanahimik lang pala ang tao doon, tapos 'yung girlfriend niya nakarinig lang sa iba ng maling balita ay naniwala na agad." payo nito. Dumating ang waiters at nilapag ang order nilang drinks. Hindi napigilan ni Gret si Venice na agad binuksan ang bote ng alak. Napapailing siya sa kaibigan dahil napakadaling maniwala sa iba. Napahinga siya ng malalim at sinabayan na lang ito. Pero hindi siya iinom ng marami at baka malasing ito at ano pang mangyari sa kaibigan. Nilapag ni Venice ang bote ng alak. Napatawa siya habang hawak-hawak ang bote na nakapatong sa lamesa. "Ah, Nice, banyo lang ako. 'Wag kang aalis, baka saan ka magtungo." bilin ni Gret. Tumango ito kaya napailing siya. Medyo nakaramdam na rin siya ng hilo kaya kailangan na nilang umuwi, baka lalong malasing si Venice. Naiwan si Venice sa lamesa. Lumingon siya sa nagsasayawan at lasing na napangiti. Nahihilo na tumayo siya at pa-gewang-gewang na naglakad sa dance floor. Tinaas niya ang kamay at nakisali sa mga sumasayaw. "Whooo! Ang sarap ng ganitong buhay! Walang problema." natatawa niyang sinabi. "Hi, Miss.. You're so hot and gorgeous." may bumulong sa kanya at sumayaw sa likod niya. Dahil hindi niya alam ang ginagawa ay humarap siya rito at humawak sa balikat nito. "Thanks." sabi niya at tumawa. Ngumiti ito at humawak sa baywang niya. "Sinaktan ka siguro ng boyfriend mo kaya ka naglalasing? May luha ka pa sa mata." sabi nito. Tama ba ang naririnig niya? Tagalog din ang salita nito. Pinoy ang kasayawan niya. "Yeah. Niloko niya ako. Ang saya, 'di ba?" natatawa niya pang sinabi. "Sa ganda mong 'yan, nagawa ka pang lokohin? Ang tanga naman kung sino man siya." sabi nito. Umiling siya at natawa. "Pare-pareho lang kayo, kaya 'wag kang magmalinis. Kaya ka lumapit sa akin dahil gusto mong makipag-flirt." pranka niyang sabi rito na kinangiti ng mysteryosong lalake. "Hindi naman.. Isa lang ang inibig ko pero inagaw lang sa akin ng kapatid ko. Pero dahil pinaiyak niya, babawiin ko na." makahulugan nitong sinabi. "Good luck sa 'yo." nakangiting sabi ni Venice at tinapik ang balikat nito. Tinignan niya ang mukha nito at napansin na parang may kahawig ito. Umiling siya dahil si Damon ang nakikita niya na kahawig nito. Nawala ang lalaking kasayaw niya ng bigla itong bumagsak sa sahig. Parang nawala ang kalasingan niya ng makita na binubugbog na ito ni Damon. "f**k you, Assh*le! Sinong may sabi hawakan mo ang girlfriend ko, ha?" galit na sabi ni Damon. Tinulak niya si Damon mula sa pagkakasuntok sa lalaking kasayaw niya. Nakahiga na ito sa sahig at may dugo ang gilid ng labi. Tinayo niya ito at tsaka niya hinarap si Damon. "Bakit ba bigla kang nanununtok?" galit niyang sabi dito. Hindi niya alam kung paano ito nakapunta agad sa macau, pero kilala niya si Damon, marami itong pwedeng gawin para makarating agad dito. Nagtiim-bagang ito at hinatak siya. Masakit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pilit niyang tinatanggal pero mahigpit ang pagkakahawak nito. "Nalingat lang ako, nagpalandi ka na, ha?" maanghang nitong sabi. Malakas ang pwersa na hinatak niya ang kamay mula dito kaya nabitawan siya nito. Sinampal niya ito dahil siya pa ngayon ang sinabihan nito na malandi, ha! "Ngayon ko lang na-realize na tama si Gret. Hindi pa nga kita kilala ng lubos. Nasabihan mo agad ako ng malandi. Wow! Sino kaya sa atin ang manloloko? Alam mo, mabuti pa, 'wag ka nang magpapakita sa akin. Kahit kailan." galit at mariin niyang sabi rito. Nakita niya ang pagkatulala nito pero hindi na niya pinansin ito at umalis na siya sa dance floor. Nagmadali siyang lumabas ng bar habang pinapahid ang luhang tumulo. "Nice! Wait!" dinig niyang tawag ni Gret. Nagpara siya ng taxi at hinintay ito. Binuksan niya agad ang pinto ng taxi at sumunod si Gret. "Anong nangyari? Bakit nandoon si Damon? Nakompronta mo na ba siya?" sunod-sunod nitong tanong na kinasakit ng ulo niya. "Tsaka na lang kita ku-kwentuhan, Gret. Magulo pa ang isip ko sa nangyari." sabi niya rito. Tumango ito. "Okay, naiintindihan ko. Saan mo gustong pumunta?" tanong nito. "Sa hotel. Kunin na natin ang gamit natin at gusto ko nang umuwi. Puro bad memories lang ang maaalala ko dito." sabi niya rito at sinandal ang ulo sa bintana. "Hindi, Nice. Hindi tayo papapasukin sa eroplano 'pag lasing tayo. Ipagpabukas na lang natin, please." Pumikit siya at tumango na lang. Hindi siya makapag-isip ng tama. Mabuti at narito ito sa tabi niya. - AGAD NA SINUNDAN ni Damon si Venice, pero nakaalis na ito. Niluwagan niya ang suot na kurbata at nagpabalik-balik siya ng lakad. Nang maisip niya ang sinabi niya kay Venice ay pinukpok niya ang ulo at napasabunot ng buhok. "Damn!" mura niya. Nagagalit siya dahil napagsabihan niya ito, pero nagagalit siya sa lalaking humawak sa nobya niya. "Kukunin ko siya sa 'yo, Damon. Akin naman talaga siya, inagaw mo lang." Galit siyang humarap kay Lei na kapatid niya sa ama. Yeah! Ang lalaking ito ang humawak sa nobya niya. Sinugod niya ito at kinuwelyuhan. "Don't you dare! She's mine, mine alone. 'Wag mo akong subukan kalabanin, titiyakin kong mapapatay kita. Gago!" banta niya rito. "Akala mo matatakot na ako sa 'yo? Nagkakamali ka! Dahil ngayon na galit siya sa 'yo, tiyak na hihiwalayan ka na niya. At kapag nangyari iyon, ipapangako ko na hindi mo na siya makukuha sa akin." seryoso nitong sabi. "Hindi mangyayari ang sinasabi mo. Dahil sinong may sabi na papakawalan ko siya? Kung kailangan na ikulong ko siya sa bisig ko ay gagawin ko. Subukan mo lang na lumapit sa kanya muli, hindi ako magkakamali na patayin ka." malamig na banta ni Damon. Sinuntok niya ito sa sikmura kaya napaluhod ito. "Boss, nasa hotel na siya." sabi ng isa niyang tauhan. "Ihanda mo ang chopper. Uuwi na kami." malamig niyang utos rito at lumapit sa kotse na naghihintay sa kanya. Pumasok na siya at sinara ng tauhan niya ang pinto. "Saan tayo, boss?" tanong ni Jess na secretary niya. "Kay Venice. Siya naman ang haharapin ko." sabi niya rito. Kumuyom ang kamay niya kaya naglabasan ang ugat doon. Madilim ang anyo niya dahil naaalala niya ng sinabi ng nobya niya. Napatawa siya ng pagak dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. 'Hindi ka makakawala sa akin, Venice. Subukan mo lang na takbuhan ako at iwanan, matitikman mo ang tunay na galit ko. Nalingat lang ako, nakuha mo na makipagsayawan kay Lei. f**k! Sa akin ka lang!' gigil na gigil niyang ani sa isip. Huminto na ang sasakyan sa hotel kung saan naka-check in si Venice, kaya bumaba na siya ng sasakyan. Seryoso at malamig ang expression ng mukha ng pumasok siya ng hotel. Sumakay sila ng elevator kung nasaan ang room nito. Paglabas nila ay agad niyang tinungo ang room number nito. Alam niya kung saan ito nag-check in. Kahit saan ito nagpupunta sa macau ay alam niya. Nag-doorbell siya at ilang saglit lang ay bumukas na. Binuksan ng babaeng modelo na kasamahan nito. Pumasok siya at sinenyasan ang tauhan niya na patahimikin ang babae. Binuksan niya ang pinto kung saan niya nakita ang unang room. Nakita niya ang nobya na nakahiga na sa kama at nakatulog na. Lumapit siya rito at naupo sa gilid nito. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa maamo at maganda nitong mukha. "You are mine, babe. Only mine." bulong niya rito at tumayo na siya. Tinungo niya ang closet nito at kinuha ang lahat ng gamit nito. Lumabas siya at sinenyasan si Jess na kunin ang gamit ni Venice. Pumasok siyang muli at lumapit na sa nobya para buhatin. Pero hinubad muna niya ang suot na tuxedo at pinangtakip sa hita nito, pagkaraan ay binuhat na niya ito. "M-manloloko ka.." napatingin siya kay Venice ng umungol ito ng salita. May luhang tumulo sa mga mata nito. Hindi na niya muna pinansin iyon at tuloy-tuloy na siya sa paglabas habang buhat ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD