KABANATA 9

3304 Words
NAGISING SI VENICE sa hindi pamilyar na lugar. Bumangon siya ngunit agad din na napahawak sa ulo ng makaramdam ng kirot doon. Ang naalala niya ay nasa room siya ng isang hotel sa macau. Kaya bakit siya napunta dito? Napatingin siya sa suot niyang damit at ang paniningkit ng mga mata niya ay biglang nanlaki ng malaman na tanging malaking t-shirt at panloob lang ang suot niya. At alam niya kung kaninong damit 'yon. Sa apelyidong VEGA pa lang ay alam na niya. Agad siyang bumangon sa kama at hinanap ang damit niya. Nakita niya iyon sa isang upuan, nakatiklop at tila bagong laba. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit siya doon at kinuha iyon. Agad siyang nagbihis at inayos ang buhok. Ayaw niya magtagal doon. Lalo't 'pag naaalala niya kung gaano ang galit niya kay Damon. Lumabas siya ng unit nito at tila nagtaka pa siya bakit hindi niya ito nakita. Pero siguro nagpunta ito kay Celine. Umiling siya at hindi na ito inalala pa. "Boss, nakaalis na po siya ng unit n'yo." balita sa kanya ng isang secret bodyguard niya. Pinasusundan niya si Venice kung saan ito nagtutungo. Alam niya na paggising nito ay tiyak na hindi ito magtatagal sa condo niya. Kaya inutusan niya agad ang tauhan niya na bantayan kung saan ito pupunta. "Okay. Sundan n'yo at 'wag na 'wag n'yong iwawala ang paningin n'yo sa kanya." utos niya rito. "Masusunod, Boss." sagot nito. Binaba na niya ang tawag at nilapag ang cellphone sa table niya sa opisina. Sumandal siya sa swivel chair at napahilot sa noo. Bigla bumukas ang pinto kaya napaangat siya tingin. "Hi." si Celine. "What are you doing here?" mariin niyang tanong rito. Ngumiti at lumapit ito sa lamesa niya. "Dinalhan kita ng lunch. Sabi ni Tita ay nagpapa-deliver ka lang daw ng food mo." sabi nito at tinaas ang dalang paper bag. "Iuwi mo na lang 'yan at umalis ka na." utos niya rito at binuksan ang isang folder na pipirmahan niya. "Bakit ba ganyan ka makitungo sa akin? Malaki naman ang pinagsamahan natin." pinalungkot talaga ni Celine ang boses niya para hindi siya paalisin nito. Mahal na mahal niya ito since high school days, at 'pag umarte siya ng gano'n ay alam niya na hindi siya paaalisin ni Damon. "Pwede ba, ayokong mag-isip ng iba ang girlfriend ko. Kaya umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita." bakas sa boses ni Damon ang inis kay Celine. Hindi pa nga niya alam kung bakit siya sinasabihan ni Venice ng manloloko. Kaya hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan ay hindi niya maaaring mas bigyan pa ito ng dahilan para masabi na totoo ito sa mga sinasabi nito sa kanya. Palihim na napangisi si Celine. 'Hindi ko akalain na hindi pa pala sinasabi ng babaeng iyon ang sinabi ko.' ani niya sa isip at humalakhak. Madali na pala niyang madidispatya ang babae iyon. Tatanga-tanga kasi. Nilapag niya ang paper bag sa table at lumapit kay Damon. Sinadya niya na magsuot ng kaakit-akit upang matukso ito. "Hindi naman niya malalaman dahil tayo lang naman ang tao sa office mo." mapang-akit niyang ani at humawak sa balikat nito. Galit na inalis ni Damon ang kamay ni Celine at tumayo siya. "Kaibigan lang ang turing ko sa 'yo, Celine. Simula't sapul, alam mo kung sino ang gusto ko. Kaya alam mo kung saan ka lulugar." Tumakbo si Celine palapit kay Damon na nakaupo sa isang bench ng campus nila. Nakaupo tila may malalim na iniisip. "Damon." tawag pansin niya dito at naupo sa tabi nito. Tumingin ito sa kanya. "Anong iniisip mo?" tanong niya rito. "Nothing." maikli nitong tugon. Tumango siya at tumingin sa harapan nila. May dumaang varsity player at 'yung captain sa harap no'n ay alam niya na may gusto sa kanya. Pasimple siyang tumingin kay Damon at ngumiti. "Nakikita mo ba ang leader ng varsity player?" tanong niya rito. "Yeah." Lalo siyang napangiti. "Crush ako n'yan. Balak ko nga sagutin na, e, tingin mo?" tanong niya rito. "Ikaw... 'Pag hindi ka niya sasaktan, edi okay." komento ni Damon sa kanya. "Ikaw.. May crush ka na ba?" na-e-excite niyang tanong rito. "Bakit mo naman natanong?" nakangiti at namula ang mukha ni Damon kaya lalo siyang napangiti. "Dali. Sabihin mo na. Sino ba ang crush mo?" pagpilit niya rito. "Huwag na. Hindi mo naman siya kilala." tanggi nito. "Dali na. Sa akin nga sinabi ko, tapos ikaw ayaw mo. Dali! Anong pangalan niya?" pangungulit niya. Napapailing si Damon at tila sumuko na. "Ipapakita ko na lang ang picture niya. Ayokong malaman n'yo ang pangalan niya at ipagkalat n'yo pa." nakangiti nitong sabi at kinuha ang cellphone nito. May binuksan na isang picture si Damon. Ang iba kasing litrato ng babaeng gusto niya ay naka-private at baka isipin pa ng ibang makakakita ay creepy siya. Pinakita niya kay Celine ang larawan nito. "Saang school ito? Ang pangalan niya, alam mo ba?" seryosong tanong ni Celine. Kung kanina ay nakangiti pa siya, pero ngayon ay hindi na. "Sabi ko litrato lang niya. Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya." iling na sabi ni Damon at binulsa na ang cellphone. Tumingin siya kay Celine at napakunot-noo na mapansin na tila sumama ang timpla ng mukha nito. "Hey, what's wrong?" tanong niya rito. Umiling ito at agad na ngumiti. "Nothing. Sige, pasok na ako." nakangiting paalam ni Celine, upang ipakita na hindi siya nasasaktan. Agad siyang tumakbo palayo kay Damon. She can't forget that. The day her heart was hurt. "'Di ba galit na siya sa 'yo? Tingin mo ba babalikan ka pa niya?" sabi niya rito matapos alalahanin ang nakaraan. Nagdilim ang anyo ni Damon sa sinabi ni Celine. So, it's her fault. That's why his girlfriend is mad at him. "Sabihin mo nga, anong ginawa mo at gano'n ang galit ni Venice sa akin, ha?!" galit niyang pagpapaamin dito at hinawakan ito sa balikat at niyugyog. Tila natauhan naman si Celine sa kanyang nasabi. Napalunok siya at umiling kay Damon. "Wala akong alam.." maang-maangan niya. "Don't lie to me! It all came out of your mouth. Answer me!" galit na sigaw ni Damon at malakas na niyugyog ito. "Y-yes.. Sorry.. Gusto ko---PAKK!" natigil si Celine sa pasasalita ng malakas siyang sampalin ni Damon. Napaupo at napahawak siya sa pisngi habang lumuluhang napatingala kay Damon. This is the first time na pagbuhatan siya ng kamay nito. Nang dahil sa babaeng iyon ay nagawa siyang saktan ni Damon. "God, Damon! Bakit mo sinampal si Celine?" galit na sabi ni Tanya, ina ni Damon. Nakita niya kung paano sinampal ng anak niya si Celine. Ngunit hindi niya alam kung anong dahilan. "Siya pala ang dahilan kung bakit galit na galit si Venice sa akin. Ayoko nang makita sa pamamahay ko ang babaeng 'yan baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya." galit na sabi ni Damon. Tumayo si Tanya at hinarap ang anak. "Anak, nang dahil lang sa babaeng iyon ay nagawa mo pang saktan si Celine. Na matagal nang nasa tabi mo parati.." galit niya ring sabi sa anak. "Hindi siya babae lang, may pangalan siya at girlfriend ko. Actually, she's my fiancee. And I don't want her.." turo ni Damon kay Celine. "hurt my fiancee again. I want her to leave my house immediately." galit niyang utos sa ina at kinuha ang bag sa lamesa at lumabas ng office nya. Naiwan si Tanya at Celine sa opisina ni Damon. "Talagang walang maidudulot ang babaeng iyon sa anak ko. Maging ako ay hindi na ginagalang ng anak ko. Tignan ko lang sa gagawin ko kung hindi pa hiwalayan ng babaeng iyon ang anak ko." sabi ni Tanya. "Tita, thank you. Sinabi ko lang naman sa kanya ang pagkatao ng babaeng iyon. Pero ito, nasaktan pa ako ni Damon dahil lang sa mali kong nasabi sa babaeng iyon." umiiyak na sabi ni Celine. "Don't worry, hija. Ako na ang bahala sa babaeng iyon. Hindi ko hahayaan na mapunta ang anak ko sa kanya. Gagawa ako ng paraan para maghiwalay sila." pangako ni Tanya kay Celine at niyakap ito. Palihim namang napangiti si Celine sa sinabi ng mama ni Damon. - NAGLALAKAD LANG SI Venice sa gilid ng kalsada dahil wala naman siyang pera. Ayaw niyang mag-taxi dahil baka wala pa si Gret at hindi pa nakakauwi.. Nahihirapan siya dahil suot niya ang high heels niya. Tapos medyo sexy dress pa ang suot niya. Naiilang na nga siya dahil tuwing may dadaan na lalaki sa gilid niya ay napapatingin sa kanya.. Hindi na niya pinansin iyon at binilisan na lang ang paglalakad, pero nabigla siya ng may humarang na tatlong mukhang walang gagawing maganda sa harap niya. Napaatras siya dahil sa klase ng tingin na binibigay ng mga ito sa kanya. At tila mukhang mga lasing pa ang mga ito sa ganitong oras, ang aga-aga. Tatawid sana sya sa kabilang kalsada ng biglang hawakan siya ng mga ito sa braso at kinaladkad kung saan. Nagsisigaw siya at nagpumiglas pero bigla siyang sinikmuraan ng isa sa mga ito kaya bigla siyang nanghina. Dinala siya ng mga ito sa isang eskinita na madalang ang may dumadaang tao. Ihiniga siya ng mga ito sa isang karton kaya nagpumiglas siya sa kaalaman kung anong maaaring gawin ng mga ito sa kanya. Pero malalakas ang mga ito kaya hindi niya kayang makatakas. Napaiyak siya ng may naramdaman na humawak sa legs niya. Hindi siya makasipa dahil mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito. "Mga hayop! Bitawan n'yo ako!" pahi-histerical niya. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" hiyaw niya sa paghingi ng tulong at hinihiling niya na sana may tumulong sa kanya. "Hahaha! Wala ng tutulong sa 'yo, miss. Dahil walang nagagawi dito. Kaya kung anong gusto namin gawin sa katawan mo ay pwedeng-pwede. Ang swerte namin dahil bata, sexy, at makinis ka pa. Tiyak na mag-e-enjoy kami." sabi ng lalaki na may hawak sa kamay niya. Napahagulgol siya sa sinabi nito. Napapikit siya dahil tila katapusan na niya. Sana pala hindi na lang siya umalis sa unit ni Damon. Mas gusto naman niya na makaharap ito kaysa sa mukhang mga sanggano na balak na reypin siya. "Bago n'yo saktan ang girlfriend ko, sisiguraduhin kong papatayin ko kayo." dumadagundong na banta ni Damon. Napadilat si Venice ng marinig ang boses ni Damon. Nakita niya ito na inuumpisahan nang patumbahin ang mga adik. Naglabas ito ng baril na kinagulat niya. Napikit siyang muli ng paputukan ni Damon ang tatlong adik. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung sa takot ba o kay Damon? Napadilat siya ng buhatin siya ng pamilyar na mga bisig. Pagdilat niya ay seryosong mukha ni Damon ang bumungad sa kanya na nakatingin sa mga tauhan nito na kasama nito. "Hindi ko tinuluyan ang mga 'yan. Gusto ko pagbayarin sila sa prisinto kaya dalhin n'yo na ang mga 'yan. Gusto ko na hindi makalaya ang mga 'yan." pag-uutos nito sa mga tauhan nito. "Masusunod, Boss." sagot ng mga ito kay Damon. Lumakad na si Damon habang buhat siya nito. Natahimik lang siya at hindi alam ang sasabihin. Dapat ay galit siya rito, pero bakit tila takot siya sa galit na nababakas sa mukha nito na seryoso lang habang tinatahak ang daan. Isinakay siya sa kotse nito ng walang imik, maging siya ay hindi alam ang sasabihin. Sa pagsara ng pinto ay alam na niya na galit talaga ito. Nainis naman siya dahil tila sa kanya pa ito galit. Wow! Makaasta ito para bang wala itong kasalanan sa kaniya. Umirap siya ng makasakay na ito ng driver seat. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana para maiwasan niya mainis rito. "Wear your seatbelt, Venice." utos nito. Walang imik na nag-seatbelt siya at tumingin sa bintana ng kotse. Maging si Damon ay walang imik. "Sa apartment mo ako ihatid." sabi niya rito. Hindi ito sumagot kay inis niyang tinignan ito. Malamig ang reaksyon nito habang nakatingin sa daan. "Sabi ko sa aparment mo ako ihatid." inis na sabi niya ulit dito. "Wala ka nang apartment na babalikan. Dahil sa mansyon ka na titira." malamig nitong sabi. "Ayoko. Bakit ba pati apartment ko pinakikialaman mo? At kung akala mo hindi pa ako galit sa 'yo dahil niligtas mo ako, nagkakamali ka. Doon ka na lang sa babae mo." galit na sabi niya rito. "Damn it! Wala akong babae.. Dahil ikaw lang naman ang babae ko. At kahit anong gusto kong gawin, gagawin ko. Sa bahay ka titira sa ayaw at sa gusto mo. Ako ang masusunod dito." mariin na tugon ni Damon. "Tigil-tigilan mo ako sa pagtatanggi mo. Kaya pala hindi ka tumatawag nung nasa macau ako, may kalandian ka pala. Tama si Gret, dapat pala--" "Dapat pala, ano? Makikipaghiwalay ka sa akin, ha? Tsk. Try harder. Dahil hindi ako papayag." pagputol ni Damon sa kanya. "Wow! Ikaw na nga ang nagtaksil, ayaw mo pang makipag-break? Paano kaya kung ako naman-- Ahh!" natigil ang sasabihin niya ng biglang ipreno ni Damon ang sasakyan. Napapikit siya sa takot dahil baka nabangga sila. Tumingin siya kay Damon na masamang nakatingin sa kanya na kinalunok niya. "Subukan mo lang at hindi mo alam ang magagawa ko sa 'yo." banta nito. "Bakit kung makapagsalita ka ay parang wala kang kasalanan? Manloloko kayong lahat na mga lalaki!" galit na sabi niya kay Damon at nagpahid siya ng luha. Hindi ito nagsalita at bumaba na ng kotse. Tumingin siya sa paligid at napansin na nandito na pala sila sa mansyon nito. Para ayaw na niyang bumaba dahil alam niyang nand'yan si Celine. Bumukas ang pinto at pinagbuksan siya ni Damon. Hinatak siya nito palabas ng mapansin na wala siyang balak na bumaba. "Ayoko sabi dito! Uuwi na ako sa apartment ko." pigil niya rito sa paghatak sa kanya. Hindi siya nito pinakinggan at hinawakan siya ng mariin sa baywang at hinatak. Pagpasok nila ay nakita niya si Celine na nag-aabang. Tila ine-expect nito na si Damon lang mag-isa. Inalis niya ang braso ni Damon sa baywang niya at inilang hakbang si Celine. Sinabunutan niya ito gaya ng sabi niya ng nasa macau siya. Lumaban ito ng sabunutan, pero hindi siya nagpatalo. "Hayop kang malandi ka!" galit niyang sabi rito. "s**t! Venice, stop!" pigil sa kanya ni Damon at hinatak siya sa baywang para ilayo kay Celine. Galit siyang humarap dito. "Talagang pinagtatanggol mo pa ang babae mo, ha?! Bitawan mo ako!" galit na sabi niya rito. "Hoy, babae! 'Huwag kang magwala dito. Ang galing mo talagang magtago ng baho, ano? Niloloko mo pa ang anak ko." sabi ng Mama ni Damon na si Tanya na kabababa lang ng hagdan. Natahimik siya dahil naguguluhan siya sa sinabi nito. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. "Nagmamaang-maangan ka pa! 'Di ba ang gusto mo lang kay Damon ay 'yung pera niya? At talagang malandi ka! Niloloko mo ang anak ko behind his back." galit nitong akusa. Umiling siya sa pag-aakusa nito sa kanya. "Hindi po totoo ang sinabi n'yo." sabi niya rito. "So, ako pa ang sinungaling? May video na at alam ko na ang baho mo!" galit nito sabi at pinakita ang cellphone nito. "Heto, Anak. May video ang malanding girlfriend mo na may kalaguyo." baling nito kay Damon at inabot ang cellphone. Kinuha ni Damon iyon at pinanood ang sinasabing video. Habang si Venice ay natatakot dahil wala naman siyang ginawa sa mga sinasabi ng Mama ni Damon. Nakita niya ang pagdilim ng anyo ni Damon, kaya kinabahan siya. Hinagis nito ang cellphone kaya napatalon siya sa gulat. "Ma, Celine, umalis na kayo ng bahay ngayon din." malamig na sabi ni Damon. "Pero Anak--" "Ako na ang bahala kay Venice. Umalis na kayo at sumasakit ang ulo ko 'pag nandito kayo." nagtitimping galit ni Damon. "O, sige. Pero hiwalayan mo ang malanding babae na 'yan. Nakakadiri." sabi ng Mama ni Damon. Tumalikod na ang dalawa at lumabas ng bahay. Kasunod ang mga katulong na bitbit ang mga maleta ng mga ito. Kinabahan siya sa sinabi ni Damon. Tingin niya ay naniniwala ito sa video. Tatalikod at lalabas din sana siya ng pigilan siya ni Damon. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." seryosong sabi nito at binuhat siya. "H-hindi ako ang nasa video. At hindi ko magagawa iyon." pagtatanggol niya sa sarili. Hindi ito sumagot at seryoso lang itong pumanik sa taas. Binuksan nito ang kwarto at lumapit ito sa kama at inupo siya. Tumingin siya rito na tila binabasa ang isip niya. Lumiyad ito kaya napahiga siya. Napapikit siya dahil baka anong gawin nito sa kanya. Dumilat siya ng mapansin na wala naman itong ginawa. Naupo ito sa tabi niya habang may hawak-hawak na medicine kit. Naglabas ito ng bulak at alcohol. Pagkatapos ay nilagyan nito ng alcohol ang bulak at kinuha ang braso niya. Napangiwi siya sa hapdi, dahil ngayon niya lang naramdaman ang sakit ng kalmot ni Celine. Habang seryoso na nilalapatan ng lunas ni Damon ang sugat niya ay napatitig siya rito. Akala niya ay magagalit ito sa videong napanood. Pero bakit tila paraan lamang nito ang galit para paalisin ang Mama nito at si Celine. Iniisip niya tuloy kung totoo bang may namagitan rito at kay Celine? Hindi kaya gumagawa si Celine ng kwento, gaya ng pagbibintang sa kanya ng Mama ni Damon? "Wala ka talagang ginawang pagtataksil sa akin, 'di ba? Hindi mo ako niloloko?" naluluhang tanong niya rito. Tumingin ito sa kanya at napahinga ng malalim. "Hindi. Kailanman ay hindi ko magagawa ang sinasabi mo." sagot nito. Napakagat siya ng labi dahil napagbintangan pa niya ito. Ang tanga-tanga niya talaga! "Sorry. Akala ko kasi totoo ang sinabi ni Celine. Hindi ka kasi tumatawag, kaya iba ang iniisip ko." sabi niya rito. Nilapag nito ang medicine kit sa side table at humarap sa kanya si Damon. "I am always by your side, Babe. I'm also in macau when you go to macau." sabi nito na kinalaki ng mata niya. Naupo siya ng maayos at tumingin dito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. "Nandoon din ako kung nasaan ka. Hindi ako nagpakita habang hindi pa tapos ang photoshoot mo. Sakto din na nandoon ang isang investor ko. Kaya habang busy ka, nakipag-meeting muna ako. Pero nang malaman ko sa tauhan ko nagtungo ka ng bar ay agad kong iniwan ang meeting." pagkwekwento nito. Nakonsensya naman siya agad sa sinabi nito. "Sorry. Hindi ko naman--" "Shhh.. It's okay. Actually, tapos na ang deal namin no'n. And Mr. Chua understands why I have to end the meeting." pag-aalo sa kanya nito. "Nakakainis! Bakit kasi naniwala ako kay Celine. Dapat pala hindi lang sabunot ang ginawa ko do'n." "Enough with Celine. Ako na lang ang sabunutan mo." pilyong sabi nito na kinaguluhan niya. "Anong ibig mo--- Ahhh!" nabigla siya ng ihiga siya nito at daganan. "Na-miss kita, babe." sabi nito at hinalikan siya sa noo pababa sa ilong. Hanggang sa magtapat ang labi nila. "Lalo na ang mga labi mo." mahina nitong sabi at nilapat ang labi nito sa labi niya. Dahan-dahan ang paghalik nito kaya tinugunan niya. Inaamin niya na-miss din niya ang boyfriend niya. Kanya din pala ito at wala ibang babae makakaagaw. Nagkatitigan sila sa mata ng isa't-isa habang buong puso silang naghahalikan. Natatakot siya sa maari mangyari sa relasyon nila. Lalo't pati Mama ni Damon ay hadlang. Paano pa kaya ang iba pa nitong kamag-anak? "May laman na ba ito?" tanong ni Damon habang hinahaplos ang tiyan niya. Leeg naman niya ang hinahalikan nito. "Huh?" naguguluhan na tanong niya. Naaalala niya hindi pa nga pala siya kumakain. "Wala pa. Hindi pa nga pala ako kumakain." sagot niya rito ng ma-gets ang ibig nitong sabihin. Bumangon ito at umalis sa pagkakadagan sa kanya. "Tsk. Slow." bulong nito. "Ano?" hindi niya kasi narinig ang sinabi nito. "Wala. Halika na, kumain ka muna." sabi nito at bumangon sa kama. Nagtataka naman siya sa pagkainis ng mukha nito, pero hindi na niya pinansin dahil kumulo na ang tiyan niya sa gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD