KABANATA 10

3409 Words
PAGKATAPOS NILANG MAG-BREAKFAST ay naisipan ni Venice na tawagan si Gret. Nag-ring ang cellphone nito kaya ibig sabihin ay nasa bansa na ito. Agad din naman nitong sinagot ang tawag niya. "Oh, Venice. Mabuti at nakauwi ka na pala. Iniwan mo ako friend. Hinanap kita doon." pambungad ni Gret ng sagutin ang tawag niya. "Pasensya na, Gret. Si Damon kasi, inuwi ako ng walang malay dito. Kaya nagulat ako na nakauwi na pala ako ng pilipinas." sagot niya. "Bati na ba kayo ng nobyo mo? Akala ko ba galit ka sa kanya? May painom-inom ka pang nalalaman." tanong nito. "Iyon nga, e. Gawa-gawa lang pala ni Celine 'yon. Nasa macau din pala si Damon at hindi lang nagpapakita sa atin." "'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ang dali mo kasing maniwala sa sabi-sabi." sermon nito na kinanguso niya. "Oo na, alam ko naman iyon. Kaya nga next time hindi na ako maniniwala. Kapag mismong mga mata ko na ang nakakita tsaka lang ako maniniwala." sabi niya rito. "O, siya, siya! Punta ka nga pala ngayon dito, dahil mayroon ka pang ishu-shoot na isang brand ng damit." sabi nito. "Sige, maliligo lang ako at pupunta na ako d'yan." tugon niya at binaba na ang tawag. Napatingin siya sa ibaba. Nasa veranda kasi siya kaya kitang-kita niya ang buong paligid ng mansyon. Nakita niya ang truck ng delivery ng wine. Nasabi na ba niya na maraming business si Damon. Wine company, toy store, high class jewelry company at ang alam niya malakas sa gobyerno at sa pulisya si Damon. At isa nga palang license Engineer si Damon, kaya siguro gano'n na lang ang lait sa kanya ng Mama ni Damon. Ano nga lang ba siya kumpara dito? Isang hamak na modelo na halos hindi man lang maabot kung anong mayroon ang nobyo niya. Napahinga siya ng malalim dahil parang bumigat ang pakiramdam niya. Napatingin siya sa cellphone niya ng may mag-text. Akala niya si Gret kaya agad niyang binasa. Kung gusto mong malaman ang pagkatao ni Damon, magkita tayo sa isang restaurant. Ite-text ko sa 'yo ang address.. Iyon ang pagkabasa niya sa text. Umiling-iling siya dahil talagang ang daming walang magawa sa buhay ngayon. Ni-replyhan niya ito at sinabi na 'wag na itong magte-text pa dahil hindi sya nagpapadala sa mga ganoong trip. Akala niya ay titigil na ito pero nag-text muli ito. I'm his brother. The one you met in the bar. Saglit siyang napaisip kung sino ba ang na-meet niya sa bar? Bigla ay naalala niya 'yung guy na nakasayaw niya. Kaya ba nasabi niya na para kahawig ni Damon 'yon dahil magkapatid nga ang mga ito? Napaidtad siya ng may yumapos sa kanya mula sa likod. "Sinong ka-text mo, babe?" bulong ni Damon sa tainga niya at binigyan siya ng patak-patak na halik. Nakikiliti naman siya dahil kumikiskis sa mukha niya ang balbas nito sa baba at panga. "Si Gret. Sinabi na magpunta daw ako sa company dahil may photoshoot kami." tugon niya at napahawak sa kamay ni Damon na gumagapang mula sa baywang niya. "Wait! Ano ka ba! Mamaya may makakita pa sa atin." suway niya rito nang humawak na ito sa dibdib niya at pinisil. "Edi sa loob tayo." pilyo sabi nito at humawak sa baywang niya para hatakin siya papasok sa kwarto. "Tigilan mo ako, Damon. Hindi porket good ka na sa akin ay e-e-score ka na naman. Ayoko pang mabuntis." sabi niya rito. Humigpit naman ang hawak nito sa baywang niya tila nagalit sa sinabi niya. "Bakit tila ayaw mong magkaanak tayo, ha? Sabihin mo nga, hindi mo ba ako mahal?" mariin nitong sabi at hinarap siya mula sa pagkakayakap nito sa likod niya. "Hind naman sa gano'n. Pero kasi. . . ." hindi na niya natatapos ang sasabihin ng putulin siya nito. "Pero dahil sa lintik na pagmo-model na 'yan! 'Di ba, sabi mo titigil ka na once na matapos ang contract?" hindi nito mapigilan na magtaas ng boses kaya napalunok siya dahil nagalit na ito ng tuluyan. Humawak siya sa braso nito para paamuhin. "Please, 'wag ka nang magalit. Oo, sinabi ko nga 'yon, pero hindi pa naman tapos ang contract ko. Paano kung mabuntis ako? Makakasuhan pa ako? Tsaka gusto ko naman magkaanak sa 'yo, pero hindi pa tayo kasal." sabi niya at hininaan lang ang huling sinabi. "f**k! Kasal! Matagal ko nang binabigay sa 'yo 'yon. Pero ayaw mo naman ata akong pakasalan." nagtitimpi nitong sabi at tumalikod sa kanya. Lumabas ito ng kwarto habang siya ay naiwan na tulala. Gusto niyang pakasalan ito, pero paano ang pamilya nito? Sa Mama pa lang nito ay hindi na siya gusto. Paano pa kaya sa iba pang miyembro ng pamilya nito? Bigla ay naalala niya 'yung text nung lalake. Baka nagsasabi ito ng totoo tungkol sa magkapatid ito at si Damon. Napatingin siya sa labas ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Kaya lumabas siya at tinignan. Umalis si Damon. Napahinga siya ng malalim dahil tila nagalit nga ito. Tinignan niya ang text nung kapatid daw ni Damon. Tinext niya ito at pumasok na siya sa loob para magbihis, dahil pupunta pa siya ng F&S Company. - PAGDATING SA OPISINA ay nagtataka siya dahil parang luging-lugi na lumabas ang mga empleyado ni Gret sa exit ng company. Kaya agad siyang pumasok sa loob at bumungad sa kanya ang magugulong mga papel, mga damit na sinusuot ng models na nakabagsak sa sahig, pati mga standing ng mga magazine at ilang book about fashion ay nahulog sa sahig. Nangamba siya dahil tila may nangyaring hindi maganda. Umakyat siya sa second floor kung saan ang office ni Gret. Bukas ang pinto kaya pumasok siya. Natulala siya dahil magulo din ang paligid. Napatingin siya kay Gret na tulala habang nakaupo sa upuan at may bakas ng pasa sa mukha nito. "Gret." mahinang tawag niya rito at lumapit. Naupo siya sa tabi nito kaya tumingin ito sa kanya. "Nice, wala na sa akin ang company." naiiyak na sabi ni Gret. "P-paanong nangyari? Kanina lang ay masaya mo pa ako tinawagan. Bakit biglang ganito? At sinong bumugbog sa 'yo?" hindi niya maintindihan ang nangyayari. Para din siyang nanghihina sa sinabi nito. "Kanina may dumating na isang Ginang. Sinabi nito na binili na daw niya ang company sa akin.. Venice, may hawak siya na titulo ng company." naluluhang sabi ni Gret. "Ano? Paanong nagkaroon siya ng hawak no'n? Hindi ba nasa iyo 'yon?" naguguluhan niyang tanong. Umiling si Gret. "Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagtiwala kay Paolo. Naibigay ko sa kanya ang titulo dahil gusto daw niyang makita. Tapos ayun, nilambing-lambing ako kaya nakalimutan ko na nasa kanya pa ang titulo. Binenta niya iyon kaya ngayon wala na sa akin ang company." nahihirapan nitong sabi at sinisisi ang sarili. "Sino ba 'yung bumili?" natanong na lang niya. Dahil wala din naman siyang alam sa mga titulong ganoon. "Sabi niya, siya daw si Tanya Vega. Iniisip ko nga kung ano ba ang kinalaman ng nobyo mo sa ginang. Dahil magkaapelyido sila." sabi ni Gret na kinakuyom ng kamay niya. Tila siya ang puntirya nito at dinamay ang malalapit sa buhay niya. "May binigay ba na calling card iyon?" seryoso na tanong niya. "Oo. Aanhin mo?" tugon ni Gret. "Akin na. Kakausapin ko siya." sabi niya kay Gret. "Huwag na. Dahil hindi mo na iyon mababawi pa." walang lakas na sabi ni Gret. Tumayo siya at nilahad ang palad. "Basta, akin na." pagpilit niya rito. Wala naman itong nagawa kundi inabot sa kanya ang calling card. Pagkakuha niya ay agad na siyang tumalikod. Lumabas siya ng opisina ni Gret, habang tinatawag ang Mama ni Damon. "Yes, hello?" sagot nito. "Ako po ito si Venice. Maaari po ba tayong mag-usap?" seryoso niyang pakiusap. "Oh... Tila alam mo na. O, sige, pumunta ka dito sa sikat na condominium malapit sa opisina ng anak ko. Sa coffee shop." sabi nito at binaba na ang tawag. Talagang pinagdiin pa nito ang sikat na condominium tila pinaparating sa kanya na hindi niya kayang magkaroon no'n. Pumara siya ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa sinabi nito. Isa lang naman ang sikat na condominium doon kung saan siya dinala ni Damon galing macau. Pagdating doon ay agad siyang nagbayad at bumaba. Tumingin siya sa paligid at hinanap ang coffee shop. May nakita siya na coffee shop kaya doon siya pumunta. Pagpasok niya ay nilibot niya ang paningin. Nakita niya ang Ginang na nagkakape sa sulok ng coffee shop. Lumakad siya at lumapit rito. Isang elegante dress ang suot nito. At may sumbrero pa ito sa ulo at shades sa mata. Nag-angat ito ng tingin kaya yumuko siya bahagya bilang paggalang. "Have a seat." ani nito kaya naupo siya. Nagtaas ito ng kamay para isenyas na bigyan siya ng kape. "Sabihin mo na ang sasabihin mo. Dahil hindi ako sanay na makita ang pagmumukha mo." mapanghusga nitong sabi. "Nakikiusap po ako. Ibalik n'yo po ang titulo sa kaibigan ko." pakiusap niya rito. "Paano kung makiusap din ako na hiwalayan mo ang anak ko, gagawin mo ba?" mapanghamon nitong sabi. "Gagawin ko po ang lahat, huwag lang po ang pinapakiusap n'yo. Hindi ko po kayang iwan ang anak n'yo." nahihirapan niyang sabi at hindi mapigilan maiyak. "Well, kung hindi mo gagawin ang sinabi ko, pupulutin sa bangketa ang kaibigan mo. At kahit hindi mo gawin ang pinag-uutos ko, sisiguraduhin ko pa din na iiwan ka ng anak ko." sabi nito at tumayo. Agad naman na tumayo si Venice at humarang sa daan nito. Kahit hindi niya gustong gawin ay lumuhod siya sa harap nito. "Pakiusap po. . .Huwag n'yo pong gawin ito sa akin. Si Gret at Damon na lang po ang pamilya ko. Hilingin n'yo na po ang lahat, 'wag lang po ang iwan ang anak n'yo." nagmamakaawa niyang sabi, habang nakakapit sa binti nito. Nagpupumiglas ito at inalis ang kamay niya mula sa pagkakapit sa binti nito. "Break up with my son. Ibabalik ko ang titulo at bibigyan din kita ng pera at umalis ka sa buhay ng anak ko." mariin nitong sabi at iniwan siyang nakaluhod at lumuluha. Napatingin siya sa paligid at napansin niya ang pagtitinginan siya ng mga tao sa coffee shop. Agad siyang tumayo at napayuko bago lumabas ng coffee shop. Lutang na lutang siya habang naglalakad. Hindi niya alam kung saan siya pupunta? Ayaw niya muna puntahan kahit sino kay Damon at Gret. Dahil nahihirapan siya 'pag naalala niya ang kondisyon ng Mama ni Damon. Gusto niya mag-isip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nahihirapan siya dahil ayaw niya na mayroong masaktan at maghirap ng dahil sa kanya. Napatingin siya sa bay na nasa gilid ng nilalakaran niya. Tanaw niya ang malalayong barko na parang hindi gumagalaw 'pag nasa malayo. At ang ganda din pagmasdan ng mga ibong nagliliparan. Napatingin siya sa langit at napansin ang pagdilim ng kalangitan tila nagbabadya nang umulan.. Naupo siya at humarap sa bay. Tahimik at walang masyado tao, kaya tiyak na makakapag-isip siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na gawin. Ngayon lamang siya napunta sa ganoong sitwasyon. Ang pumili sa dalawang importanteng tao sa buhay niya. Tumingala siya ng maramdaman ang patak ng ulan. Pumikit siya at hinayaan na mabasa siya ng ulan.. Tila ito lamang ang makakaramay sa kanya ngayon. Dahil naka-sleeveless at white maong short lang siya ay nakaramdam siya ng lamig. Bigla siyang nanginig sa lamig kaya napayakap siya sa sarili. Naalala niya na hindi nga pala siya pwedeng maulanan. Dahil tiyak na dadapuan siya ng sakit 'pag nabasa ng ulan. Umalis siya sa kinauupuan niya at naglakad para makahanap ng sisilungan. Nanginginig siya sa lamig habang naghahanap ng masisilungan. Pero wala maski ano man ang maaaring silungan na makita. Napaupo siya dahil hindi na niya kaya ang panlalamig. Nag-angat siya ng tingin ng mapansin na hindi na tumutulo ang ulan sa katawan niya. Sa kadahilanan pala na isang tao pala na pinayungan siya. Inaninag niya ito dahil hindi na niya ma-focus ang paningin sa lakas ng ulan.. Nanghihina na siya sa panlalamig. "D-Damon?" nangangatog ang bibig at boses na ani niya. Napikit siya ng makaramdam ng hilo at pagdilim ng paningin niya. - PABALIK-BALIK SI DAMON sa paglalakad dahil hanggang ngayon ay hindi niya alam kung saan nagpunta si Venice? Ang mga body guard na in-assign niya upang sundan kung saan man magpunta ang nobya niya ay hindi alam kung saan nagtungo ang nobya niya. Nagpalamig lang siya saglit dahil nakaramdam siya ng sama ng loob sa nobya ng sabihin nito ayaw pa nito na magkaanak sila. Pero pagbalik niya ay nalaman niya na umalis pala ito. Tinungo niya ang manager nito na si Gret, pero ang saradong opisina nito ang naabutan niya. Nakailang tawag na siya kay Venice pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. "Master, hindi po namin mahanap si Miss." balita ng tauhan niyang mga palpak. "f**k! Idiot!" galit niyang sigaw sa mga ito at binigyan ng isa-isang suntok. "Leave! Huwag kayo babalik hanggang hindi n'yo naibabalik dito si Venice! Dahil oras na may mangyari sa kanya o hindi n'yo siya makita, sisiguraduhin ko na papatayin ko kayo." galit at maawtoridad na utos niya sa mga ito na agad naman na kumilos. Napasabunot siya sa buhok na naupo sa sofa at hindi alam kung ano ang iisipin. Hindi siya mapakali 'pag hindi pa niya nakikita ang nobya. Nababaliw siya kakaisip kung saan ba ito hahanapin? Napaangat siya ng tingin ng makarinig siya ng yapak. Nakita niya ang kanya Mama na patungo sa gawi niya. "Anak, anong problema at naglabasan ang mga tauhan mo?" nag-aalala nitong tanong. "Wala pa rin hanggang ngayon si Venice. Umalis lang ako saglit pero pagbalik ko ay wala siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta." tugon niya sa Mama niya na palihim na napangiti. "Kung ako sa 'yo ay 'wag mo na siyang hanapin pa, Anak." payo sa kanya nito. "Tsk. Alam n'yo hindi ko gagawin ang sinasabi n'yo. Mawala na ang lahat, 'wag lang si Venice." inis na wika ni Damon. "Magising ka nga, Anak. Nakita ko siya kanina na may isang lalake sumundo sa kanya. At magugulat ka kung malalaman mo kung sino." sabi ni Tanya na kinaangat ni Damon ng tingin rito. "What do you mean? And who's that bastard?!" mariin niyang tanong at napatayo. "Here. Alam ko hindi ka maniniwala sa sinasabi ko. Pero kasama ng girlfriend mo ang bastardo ng ama mo." sabi ni Tanya at nilahad ang litrato. Talaga sinundan niya ang nobya ng anak para may maipakita siyang ebidensya sa anak. Nagulat pa siya dahil talagang tama ang sinasabi ni Celine na may iba itong lalake. At talaga magkapatid pa ang tinuhog. Kaya kinuhanan niya ito ng litrato para ipakita sa anak niya. Dahil alam niya na hindi maniniwala si Damon kanya 'pag sasabihin lang niya. Napakuyom ng kamay si Damon sa nakitang larawan. Kita niya na buhat-buhat ni Lei ang nobya niya. Hindi niya mapigilan na magdilim ang paningin dahil sa paghawak nito kay Venice. Sinipa nya ang babasagin lamesa sa harap niya na kinabasag nito. Galit na galit siya sa kaalaman na hinawakan nito si Venice. Ayaw niya mag-isip pero kinakain siya ng selos na baka may iba nang ginagawa ito sa nobya. Dali-dali siyang lumabas ng mansyon at pinasunod ang mga tauhan niya. Pagkabuhay ng sasakyan niya ay agad niya itong pinaharurot. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa galit na lumulukob sa kanya. Talaga sinusubukan ni Lei na kunin sa kanya ang dalaga. Hindi niya hahayaan mangyari iyon. Unang-una pa lang ay kanya na ang dalaga. Oo, inaamin niya na inunahan niya si Lei dito. Dahil simula ng ipakita ni Lei sa kanya si Venice at sinabi na iyon daw ang liligawan nito, nakagusto na siya agad sa dalaga. Nasa isa silang puno at nakasandal siya habang ang kapatid niyang si Lei ay nagtatago sa puno. Hinihintay nila ang sinasabi nitong babae na liligawan daw nito. Labasan na ng mga estudyante sa isang public high school. "Tol, heto na siya. Ang ganda talaga niya." nahihibang na sabi ni Lei na kinailing niya. Tumingin siya sa tinitignan nito at nakita niya ang isang matabang babae na kinahalakhak niya. "Malabo ba ang mata mo, Lei? Akala ko ba ayaw mo sa matataba?" natatawa niyang sabi. "Geez. Hindi iyon. Iyon oh, 'yung nasa likod nung sinasabi mo." turo pa nito. Tumingin siyang muli at ang ngisi niya ay biglang nawala ng masilayan ang sinasabi nito. Lumakas ang t***k ng puso niya sa kagandahan nito. Lalo na nung nakipagtawanan ito sa isang estudyante. "Oh, 'di ba, sabi ko sa iyo ang ganda niya. Walang sulutan, Tol. Akin siya at liligawan ko siya. Kumukuha lang ako ng tyempo para malapitan siya." sabi ni Lei na binabalaan siya. Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. Pero nang balaan siya ni Lei ay nag-iwas siya ng tingin at lumapit sa motor niya na gamit-gamit niya. Umalis siya dahil hindi niya maintindihan ang biglang naramdaman. Hanggang sa puntong 'yon ay ramdam pa rin niya ang pagkabog ng dibdib niya. Never in his life na ma-attract siya sa isang babae. Wala sa bokabularyo niya ang mga babae. Oo, may malapit siyang kaibigan na babae, pero hindi siya nakakaramdam ng feelings kahit kanino. Dahil para sa kanya ay walang kwenta ang pag-ibig, puro pasakit lang ang hatid no'n. Lalo't saksi siya kung paano nagkawasak ang mga magulang niya. Pero kahit na kapatid niya sa labas si Lei ay tinuring niya ito na kapatid. Pero nung unang beses niya na makita si Venice ay hindi niya mapigilan na pumunta sa school nito na lingid sa kaalaman ni Lei. Ayaw niyang manghinala si Lei at sabihan na mang-aagaw. Akala niya ay wala lang ang pagpunta niya doon, pero habang tumatagal ay mas lalo niyang ninanais na makita ang dalaga. Hanggang isang araw ay nahuli siya ni Lei at doon sila nagkagalit. Dahil inamin niya kay Lei na gusto niya rin ang dalaga. Doon nagkalabo ang pasasamahan nila. Pero hindi siya nagsisisi, dahil mas nais niya ang dalaga. At kung ang makipagkompetensya kay Lei ang kailangan ay gagawin niya. Hindi pa siya nakaramdam ng ganoong klase na pagtingin. Para bang gusto niyang angkinin ang dalaga na sa kanya lang. Kaya simula din noon ay para na siyang stalker ng dalaga. Alam niya kung ano oras ng labas nito sa school. Lagi din siyang nakasunod pag-uuwi na ito. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito. Dahil hindi pa niya alam paano kukuha ng tyempo. At nang tulala itong naglalakad patawid sa pinagtatrabaho nito ay doon siya gumawa ng move. Pinagmukha niya na dadaan siya sa kalsada at masasagasaan ito. At simula no'n ay doon na siya nakaroon ng pagkakataon na ligawan ito. Bumaba siya ng kotse nang makarating siya sa bahay ni Lei. Pero gano'n na lang ang galit niya ng malaman na wala doon si Lei at hindi niya alam kung saan nito dinala ang dalaga. Nilabas niya ang cellphone at tumawag sa kilalang private businessman na malawak ang connection. "Hello, Vega. What's up?" sagot nito. "I need your connection, Ford. May ipapahanap ako at tiyak ko kaya mo." sabi niya rito. "Call. Sino ba?" tugon nito. "I want you to find my brother, Lei Vega." seryoso niyang sabi. "Easy as pie. Pero may kapalit ang paghahanap ko, Vega." sabi nito. "Kahit ano. Basta gusto ko na mahanap mo siya agad." "Sige, babalitaan na lang kita. Bye. " sabi nito kaya binaba na niya ang tawag. Humarap siya sa mga tauhan niya na nakapalibot sa kanya. "Ihanda n'yo ang yacht ko at sabihan ang nagbabantay sa isla ko na ayusin ang bakasyunan." utos niya sa mga ito. "Masusunod, Master." sagot ng mga ito. Kaya sumakay na siya ng sasakyan para umuwi. Kapag oras na maibalik na sa kanya si Venice, aalis na sila at lalayo. Hindi na maganda ang takbo ng pangyayari. Marami na ang humahadlang sa kanilang dalawa na hindi niya hahayaan na mangyari. Sabi nga niya ay gagawin niya ang lahat para sa dalaga. Kahit iwan niya ang lahat-lahat sa kanya. Napatingin siya sa cellphone niya ng may tumawag sa kanya. Kinuha niya ang headset at nilagay sa dash board ang cellphone niya. Nilagay niya sa tainga ang headset at pinakinggan ang balita ni Ford. Napangisi siya dahil napakadali nito nahanap ang pinapahanap niya. "Get ready, babe. Dahil sisiguraduhin ko ilalayo kita at wala nang sino man ang makakaagaw sa 'yo sa akin." nakangising ani niya at niliko na ang sasakyan kung saan ang daan patungo sa pinagdalhan ni Lei kay Venice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD