IDINILAT NI VENICE ang kanya mga mata, ngunit nanghihina siya at nahihilo na nilibot ang tingin kung nasaan siya. Dahan-dahan siyang naupo kahit nanghihina pa. Ang tanga naman kasi niya para magpaulan. Alam naman niya na hindi siya pwedeng maulanan dahil sakitin siya.
Umubo siya at napahawak sa noo upang kapain kung gaano siya kainit, pero nahawakan niya ay isang bimpo na basa ng maligamgam na tubig.
Napaangat siya ng tingin ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang lalake. Ang lalake na nakilala niya sa bar sa Macau.
"Gising ka na pala. Mahiga ka muna at mainit ka pa." sabi nito habang may bitbit na tray.
Inalis niya ang kumot ngunit naibalik niya rin dahil iba ang suot niya. Isang malaking t-shirt at jersey short.
"Ikaw ba ang nagpalit sa akin?" tanong niya rito.
Nilapag muna nito ang tray sa side table bago siya sinagot.
"Hindi, si Mommy." tugon nito na kinahinga niya ng maluwag. Pero nahiya din siya dahil parang naging abalahin pa siya. Tumayo siya pero pinigil siya nito.
"Huwag kang tumayo at baka mabinat ka." nag-aalala nitong sabi.
"Uuwi na ako. Tiyak na hinahanap na ako ni Damon." sabi niya na kinahinto ni Lei sa pagpaupo sa kanya.
"Talagang mahal mo si Damon." seryosong sabi ni Lei.
Tinignan niya si Lei dahil sa sinabi nito. Naaalala niya ang text nito na kapatid nito si Damon.
"Kapatid mo ba si Damon?" tanong niya at hindi sinagot ang tanong nito.
Napahinga ito ng malalim at hinila ang isang upuan na nasa gilid. Naupo ito paharap sa kanya.
"Oo, magkapatid kami, pero sa ama lang." sabi nito. "Nag-ibigan si Mommy at si Daddy, ngunit hindi alam ni Mommy na kasal na pala si Daddy. Huli na ang lahat lalo't buntis na si Mommy sa akin. Galit sa amin ang Mommy ni Damon at lagi niyang sinasabi na kabit daw si Mommy. Sabi naman ni Daddy ay wala na talagang pagmamahal na natitira para sa Mommy ni Damon dahil pinagkasundo lang naman sila kaya daw sila naikasal. Akala ko nga galit din sa amin noon si Damon, pero nabigla talaga ako na tanggapin niya ako bilang kapatid." mahabang pagkukwento nito sa kanya.
"Pero bakit nung nasa bar tayo, bakit para kayong may alitan ni Damon?" tanong niya rito.
"Sa kadahilanan na umibig kami sa isang babae." sabi nito habang titig na titig sa kanya.
"S-sinong babae?" nauutal niyang tanong. Imposible naman na siya ang tinutukoy nito, 'di ba? Pero habang iniisip na ibang babae iyon ay parang pinipilipit ang puso nya sa kaalaman na hindi siya ang unang minahal ni Damon.
Sasagot na sana si Lei ng makarinig sila ng sigaw mula sa ibaba. At pamilyar kay Venice ang boses nito.
Tumayo siya dahil si Damon ang nasa ibaba, ngunit pinigilan siya ni Lei.
"Huwag kang bumalik kay Damon." sabi ni Lei.
"Bakit mo ako pinipigilan?" nagtataka niyang tanong.
"Dahil alam ko isang obsession lang ang nararamdaman ni Damon sa 'yo. Hindi pagmamahal na gaya ng iniisip mo." seryoso nitong sabi. Hinatak niya ang braso mula sa pagkakahawak nito.
"Ano bang pinagsasabi mong obsession? Mahal ako ni Damon at wala kang karapatan na husgahan iyon." inis niyang sabi.
"Maniwala ka sa akin, dahil kilala ko si Damon." pagpipilitan nito.
"Well, kung gano'n, hindi mo pa kilala ng tuluyan ang kapatid mo. Alam ko mahal niya ako tulad ng pinapakita niya sa akin, kaya kahit ano pang sabihin mo hindi ako maniniwala." sabi niya rito at lumakad palapit sa pinto kahit nanghihina pa siya.
Lumabas siya ng kwarto na pinagdalhan sa kanya. Malaki ang bahay, halata ang yaman. May walong pinto siyang nadaanan bago makita ang hagdanan.
Humawak siya sa hagdan para bumaba. Kailangan niya ng suporta para hindi siya matumba.. Pero napahinto rin siya sa paghakbang ng makita niya si Damon na nasa dulo ng hagdan. Seryoso ang mukha nito at humakbang paakyat..
Nang makalapit ito sa kanya ay binuhat siya ng kinahilo niya. Medyo hindi pa ayos ang pakiramdam niya kaya gano'n ang nararamdaman niya.
"s**t! May sakit ka." mura nitong ani ng masalat ng balat nito ang balat niya. Dali-dali itong bumaba habang siya ay nakapikit at sumandal sa dibdib nito.
Nag-aalala si Damon na kanina ay masama ang awra na bumabalot ng magtungo siya sa bahay ng ina ni Lei, pero nang malaman na may sakit ang nobya ay para naman siya hindi mapakali.
Inayos niya ng upo ito sa front seat at binaba ang sandalan para makahiga ito. Tsaka niya nilagyan ng seat belt ang katawan nito. Hinubad niya ang suot na tuxedo na hanggang ngayon ay suot pa niya. Kinumot niya iyon sa nobya at sinara na ang pinto. Dali-dali siyang umikot para makasakay sa driver seat. Binuhay niya ang makina at agad na pinaharurot ang sasakyan sa pinakamalapit na hospital. Lumingon siya kay Venice na nanginginig. Napamura siya sa sarili ng makalimutang patayin ang aircon.
Kinuha niya ang kamay nito at mahigpit niyang hinawakan. Sa buong pagsasama nila ay isang beses niya nasaksihan kung paano ito lagnatin. Kaya nga 'pag umuulan ay iniiwas niya ito, dahil madali itong dapuan ng sakit.
"N-nasusuka a-ako.." nahihirapan nitong sabi.
Agad niyang iprineno ang sasakyan at agad na bumaba.. Tinungo niya ang pinto ni Venice at binuksan.. Inalalayan niya ito sa pagbaba at lumapit sila sa gilid ng daan na halos damuhan. Sumuka ito kaya hinagod niya ang likod nito. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinahid ang bigbig nito.
"Babe, halika, dadalhin kita sa hospital." aya niya rito. Kumapit ito sa braso niya at humarap. Maputla ang mukha nito na lalo niya pinag-alala.
"Ayoko sa hospital. Umuwi na lang tayo." sabi nito.
"Hindi pwede. Malala na ang lagnat mo--"
"Please! Gusto ko nang matulog." putol nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim at inalalayan ito papasok ng sasakyan.
Sumakay na din siya at pinaandar na ang sasakyan pauwi sa mansyon niya. Ang gusto nito ang nasunod kaya sa mansyon sila patungo. Tumawag na lang siya ng Doctor para ipatingin ito.
Binilisan na lang niya ang pagmamaneho para makarating agad sila sa mansion niya.
-
PAGDATING SA MANSION ay may isang sasakyan siyang nakita. Ito siguro 'yung doctor na tinawagan niya.
Bumaba siya at tinungo si Venice. Binuhat niya ito at lumakad na sila papasok. Tutulungan sana siya ng mga tauhan niya ng samaan niya ang mga ito ng tingin. Nagyukuan ang mga ito pero hindi na niya pinansin.
Pagpasok niya ay nakita niya ang Mama niya na kausap ang Doctor. Agad na tumayo ang mga ito ng makita sila.
"Hurry, Doc, check her." utos niya sa Doctor at umakyat sa taas para dalhin si Venice sa kwarto nila.
Inihiga niya ang nobya at kinumutan. Naupo siya sa tabi nito at hinawi ang buhok nito na tumatabing sa mukha nito.
Pumasok na ang Doctor kaya tumayo siya. Lumapit ang babaeng doctor na tinawagan niya. Babae talaga dahil ayaw niya na lalake ang titingin dito.
Tutok na tutok lang mata niya habang sinusuri si Venice. Lumapit siya sa intercom para sa kusina.. Inutusan niya ang kusinera na magluto ng mainit na lugaw para kay Venice, para mapakain niya ito pagkatapos tignan.
"So.. is she's okay?" tanong niya sa doctora.
"She's okay now. Pahinga at pakainin mo siya ng masustansya. At dapat ay 'wag mo siyang papainumin ng kahit anong gamot dahil baka makasama iyon sa dinadala niya." sabi nito na kinakunot ng noo niya. Kumabog din ang dibdib niya at halos matulos sa kinatatayuan ng maunawan niya. Pero baka nabibingi lang siya?
"W-what do you mean?" nauutal niyang tanong.
"She's three weeks pregnant. Kailangan mo siyang ingatan dahil madali siyang dapuan ng mga sakit, lalo pa at buntis siya." payo nito. "Sige, I have to go. May pasyente pa ako na pupunta." paalam ng doctora.
Hindi niya magawang makapagsalita sa binalita nito. Buntis si Venice at siya ang ama!
"f**k! I'm so happy." hindi mapaglagyan ang ngiti sa labi niya at agad na naupo sa tabi ni Venice. Kinuha nya ang kamay nito at hinalikan ng maraming beses. Napatingin siya sa tiyan nito at hinaplos iyon. "Baby, this is me, your Daddy. Naririnig mo ba ako? I'm your daddy." kausap niya sa tiyan nito na kahit alam niya na hindi pa nito maririnig.
Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya kahit hindi tinitignan.
"Yes?" sabi niya habang hinahaplos pa rin ang tiyan ni Venice.
"Master, ready na po ang chopper na pinahanda niyo." sabi ng tauhan niya. Nakalimutan na niya ang plano niya dahil sa kaninang pag-aalala at ngayon ay dahil sa lubos na kasiyahan.
"Ibalik niyo na 'yan, dahil hindi na kami tutuloy." utos niya rito at binaba na ang tawag.
Masaya siya ngayon kaya nawala na ang kaninang galit na lumulukob sa kanya. Walang ibang makakapantay sa saya na kanya nadarama.
Ngumisi siya na may mapagtanto. "I'm the best shooter." ani nya at hinalikan sa noo si Venice.
Nagpalit siya ng damit sa closet niya at kumuha din siya ng damit ni Venice. Naaalibadbaran siya kapag nakikita na suot ni Venice ang damit ni Lei.
Binihisan niya ito kahit na abot langit ang pigil niya. Naaakit siya sa ganda ng katawan ni Venice. Kahit nakita na niya ito ay lalo lamang siya naaakit. At hindi niya mapigil ang pagtugon ng alaga niya na umumbok na sa suot niyang boxer short.
Kaya pagkatapos niya bihisan ito ay agad siya nagtungo ng shower room para malamigan siya at gawin ang seremonya sa alaga niya. Pagkatapos ay nagpupunas siya ng buhok habang palabas ng shower room.. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang kasambahay at kasunod ang Mama niya.
"Put that tray on the side table." utos niya sa kasambahay at sinabit ang towel sa balikat niya. Lumapit siya sa gilid ng kama at naupo paharap kay Venice. Hinaplos niya ang mukha nito para gisingin.
"Anak, bakit mo pa inuwi ang babaeng 'yan? Alam mo na niloloko ka at pareho kayo na pinagsasabay ng bastardo ng ama mo." sabi ni Tanya.
"Hindi ko alam kung bakit kayo palaging gumagawa ng istorya sa nobya ko, at alam ko na hindi niyo siya gusto, pero wala akong pakialam sa nararamdaman niyo sa kanya. Kung hindi niyo siya rerespetuhin, mabuti pang umalis na lang kayo at iwan kami.." sabi niya rito.
"I'm your mother, Damon. And I know she's not good for you. She's a gold digger and she only want your money not you." sabi ni Tanya sa anak. Hindi niya alam kung ano ba ang pinakain ng babae na ito para mas paniwalaan pa ito kesa sa kanya.
"Leave." mariin na utos ni Damon sa ina. Ayaw niya ang mga pinagsasabi nito sa nobya niya. Kaya mas mabuti na umalis na ito kaysa mawalan siya ng respeto rito.
Walang nagawa si Tanya kundi ang lumabas para umalis ng mansion ng anak, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi siya gagawa ng paraan para magkahiwalay ang mga ito. Si Damon na lang ang natitira sa kanya, at gusto niya para sa anak ay 'yung alam niya mas babagay sa anak niya. Ayaw niya matulad ang anak niya sa kanya na niloko ng minahal.
Tinawagan niya si Celine para may makatulong upang mapaalis sa buhay ng anak niya ang babaeng iyon.
"Yes, Tita?" pigil ang ungol ni Celine habang nasa ibabaw ng isang lalake na katalik niya ngayon.
"Kailangan mong kumilos para mapaalis ang babaeng iyon sa buhay ng anak ko. Akala ko ba mahal mo si Damon? Bakit tila wala kang ginagawa?" sabi nito sa kanya.
Malandi siyang napangisi habang nakatinginan sila ngayon ng lalakeng nakatalik niya. Lamas nito ang dibdib niya kaya napakagat labi siya.
"Don't worry, Tita. A-ah.. a-ako na po ang bahala." napaungol niyang sabi. Paano sinubo ng lalakeng katalik niya ang dibdib niya kaya hindi niya mapigilan na mapaungol.
"Anong nangyayari sa 'yo? Bakit ka umuungol?" tanong ni Tanya sa kanya sa kabilang linya.
"Wala po iyon, Tita. May kinakain po kasi ako ngayon." palusot siya na kinangisi ng katalik niya. Mas bumilis ang pag-indayog niya sa ibabaw nito.
"O, sige. Basta puntahan mo ako ng makapagplano na tayo agad." sabi nito at binaba na ang tawag.
"Malaki ang tiwala sa 'yo ng Mama ni Damon, ha?" nakangising sabi ng lalake habang nakahawak sa baywang niya.
"Hindi mo alam na magaling ako sa acting at magsinungaling. Hindi nga niya alam na s*x video natin ang pinakita ko. Hindi katulad ni Damon na mahirap mapaniwala. Hindi ko alam kung ano bang meron sa babaeng iyon at baliw na baliw si Damon doon. Pina-rape ko na nga sa mga adik pero naligtas pa rin ang hayop na babaeng iyon." sabi niya.
Nabigla naman siya ng pagbaliktarin ng lalakeng katalik niya pwesto nila. Nasa ibabaw niya ito at hinaplos ang mukha niya.
"Magkahawig nga kayo, pero wala kang bait na taglay para magustuhan ka ni Damon." malamig na wika ng lalake at pinagapang ang kamay nito sa leeg niya. Sinakal siya nito na kinabigla niya. Hinawakan niya ang kamay nito para alisin pero 'sing tigas ng bakal ang kamay nito kumpara sa kanya. "Hindi ko inutos na ilagay mo siya sa panganib. Ang kailangan mo lang gawin ay masira sila, gaya ng plano. Para makuha natin ang gusto natin, naiintindihan mo." mariin na sabi ng lalake.
Tumango si Celine na nahihirapan na huminga. Isang malakas na sakal pa ang ginawa ng lalake ng bitawan nito ang leeg ni Celine.
"Suck my c*ck." utos nito ng alisin nito ang alaga at hatakin siya sa buhok at ilapit sa alaga nito. "Yeah. That's right, whore." nasasarapang ani ng lalake ng isubo ni celine ang alaga nito.
Kahit na nababastusan si Celine sa pinaggagawa nito sa kanya ay hindi niya maitatanggi na adik na siya sa s*x. Simula nang gamitin ng lalakeng ito ang katawan niya ay hinahanap na niya ang init sa katawan. Kaya 'pag hindi niya ito mahagilap ay pumapatol siya kung kani-kanino na lang.
Hindi niya alam kung ano ba ang pinainom nito sa kanya. Dahil doon siya nagkasakit ng nymphomaniac.
Natatakot din siya sa lalakeng ito na nasa harap niya, dahil kailangan niyang maging sunod-sunuran kung gusto niya mabuhay. Kaya para makaalis ay kailangan niya mapaghiwalay si Damon kay Venice. Hindi lang dahil sa kagustuhan na makuha niya si Damon, kundi sa kagustuhan din ng lalaking katalik niya ngayon.
-
SA KABILANG BANDA ay nagising na si Venice. Pinapakain ito ni Damon ng lugaw.
"Ayoko na, busog na ako." sabi ni Venice at nahiga muli sa kama.
"Babe, kailangan mong kumain dahil hindi na lang ikaw ang kailangan na kumain." makahulugang sabi ni Damon na hindi pinansin ni Venice dahil nakapikit na ito tila tinatangay muli ng antok.
Napabuntonghininga si Damon dahil tinulugan siya nito. Nilapag niya ang bowl sa tray at tumawag sa intercom para utusan ang kasambahay na kunin sa pinto ang pinagkainan ni Venice. Pagkabilin niya ay binitbit niya ang tray at lumapit sa pinto. Nilapag lang niya sa labas ng pinto ng kwarto ang tray at sinara na ang pinto. Ni-lock niya iyon para walang makaistorbo sa pagpapahinga ni Venice.
Pinatay niya ang ilaw at binuhay ang dim lights. Maaga pa naman para matulog, dahil alas syete pa lang, pero tila inaantok na din siya.
Tumabi siya kay Venice ng higa at kinuha ang ulo ng nobya para ipatong braso niya. Niyakap ng kanang braso niya ang baywang nito habang gano'n din ang binti niya sa binti nito. Kinumutan niya ang katawan nila at hinalikan niya ang noo nito bago pumikit.
Ganito ang gusto niya 'pag kasama si Venice. Gusto niya lagi itong nasa bisig niya.
"Damon, ang lamig." sabi ni Venice kaya agad siyang napamulat. Kinuha niya ang remote sa side table na nasa tabi niya at hininaan ang aircon.
"Ano, nilalamig ka pa?" tanong niya rito.. Tumango ito habang nakapikit. Napaisip siya at naupo sa kama. Hindi niya alam kung effective ba, pero susubukan niya 'yung nabasa niya na effective daw ang body warm sa may sakit. Hinubad niya ang t-shirt kaya naka-boxer short na lang siya ngayon.
Humiga siyang muli at niyakap si Venice. Naramdaman niya na gumapang ang kamay nito at niyakap siya pabalik.
"Ano, malamig pa?" tanong niya ulit.
Umiling ito kaya napangiti siya.