(Author's note: I'm sorry for late Update. Maraming nangyari sa buhay ko at namatayan ako, kaya hindi ako agad makapag-update. thank you for waiting. Enjoy some of my update today!)
Magaling na si Venice mula sa pagkakalagnat niya. Nalilito nga siya sa kinikilos ni Damon. Lagi siyang pinapakain ng mga prutas at gulay.. At lagi itong ingat na ingat at laging nakaalalay sa kanya kahit na kaya naman niya maglakad. Tulad ngayon na gusto niyang pumunta sa F&S pero ayaw siyang payagan. Kung hindi naman ay kailangan daw na kasama ito.
Pero dahil makulit siya ay nagbihis siya ng isang off shoulder fit dress na stripe. Habang nakalugay ang mahaba niya buhok. Naka-mini shoulder bag lang siya at rubber shoes na white. Bumaba siya sa hagdanan ng dahan-dahan habang sinisilip kung nasa ibaba ba si Damon. Nang wala siyang makita ni anino nito ay bumaba agad siya pero nagmamasid pa rin dahil baka nand'yan lang pala si Damon.
Nang wala siyang makita na mga tao sa mansyon ay agad siyang bumaba sa hagdan at tinungo ang pinto. Pero sa pagbukas niya ng pinto ay agad na bumungad ang ilang tauhan ni Damon.
"Miss, hindi po kayo maaaring umalis. Bilin po ng master na 'wag kayo hayaan na makaalis." sabi agad ng isang bodyguard na nasa harap.
"Pupunta lang ako saglit sa kaibigan ko." sabi niya at dumaan sa gilid pero humarang din ang mga ito sa harap niya.
"Hindi po talaga puwede, Miss. Kami ang malalagot 'pag hinayaan namin kayo." sabi muli nito. Napahinga siya ng malalim dahil tila hindi nga siya hahayaan ng mga ito na makaalis.
"O, sige, ganito nalang. Samahan n'yo ako kung nasaan ang boss n'yo ngayon." 'yun nalang ang sinabi niya. Magpapaalam nalang siya kay Damon. Kailangan niya talagang makamusta ang lagay ni Gret. Dahil ng tawagan niya ito ay lagi lang nitong sinasabi na ayos lang at 'wag nang mag-alala. Pero hindi niya maiwasan na mag-alala dahil alam niya na hanggang ngayon ay wala pa sa kamay nito ang titulo..
Nagkatinginan ang mga bodyguard ni Damon at pagkaraan ay pumayag na. Lumapit sila sa sasakyan na nakaparada sa harap. Pinagbuksan siya at ang dalawang bodyguard ang sasama sa kanya sa kotse. Isa sa driver at isa sa front seat. Napahinga siya ng malalim dahil may isa ring kotse na nakasunod sa kanila.
Mula naman sa opisina ni Damon ay busy siya sa pagtatapos ng trabaho sa opisina para maaga siyang makauwi. Panay ang tingin niya sa oras at tinetext din niya ang ilang kasamabahay na laging pakainin si Venice ng masustansyang pagkain.
Mula ng malaman niya na buntis ito ay hindi na siya mapakali. Nariyan na lagi s'yang bumibili ng mga prutas at gulay. At monitor din niya ang kilos nito dahil baka madulas ito na hindi niya hahayaan mangyari. Hindi pa niya nasasabi kay Venice na buntis ito dahil gusto niya na ito mismo ang makaramdam.
Bumukas ang pinto pero hindi sjya nag-angat ng tingin.
"Sir, may bisita po kayo." si Jesse.
"I'm busy. Wala akong panahon na tumanggap ng bisita ngayon." sabi niya rito habang patuloy sa pagbabasa ng mga documents about sa investment na papasok sa company niya.
"Pero Sir, mapilit po. Siya daw--" hindi na natapos ni Jesse ang sasabihin ng bumukas muli ang pinto.
"Don't touch me! Ano ba! Kilala ako ng boss niyo!" nagsusumigaw na sabi ni Celine at tuluyan nang nakapasok.
"Sir, sorry po. Mapilit po kasi--" paliwanag ng mga empleyado niya.
"What are you doing here, Celine?" malamig na tanong ni Damon na hininto na ang pagbabasa ng documents at tumingin kay Celine.
"I want your help, Damon." umiiyak nitong sabi.
"Kung ano man 'yan, wala akong maitutulong. Ask Erika or Peter but not me." walang pakialam niyang sabi.
"Ganyan ka ba talaga? Dati nung malunod lang ako noon ay nag-aalala ka sa akin. Tapos simula ng makilala mo si Venice ay nawalan ka na rin ng pakialam sa akin." hinanakit nito. Napahilot siya sa sentido at napahinga ng malalim.
Kaya lang naman niya tinulungan noon si Celine noon ay dahil may bahagi ng kabataan niya ang naaalala niya. May isang batang babae siyang nakilala noon. Nung time na hindi pa sila umaalis para tumira sa state.
Nasa outing ang pamilya nila sa isang private beach. Nakatingin lang siya noon sa nagkukulay kahel na kalangitan. Hindi naman siya nag-eenjoy sa outing nila, dahil alam niya na wala nang pagmamahal na namamagitan sa magulang niya. Akala ng mga ito na porket tahimik siya ay wala na siyang alam at pakialam sa nangyayari. Nagkukunwari ang mga ito na patuloy parin ang pagsasama para isipin niya na buo parin ang pamilya nuya. Bata palang ay matalino na siya para malaman ang nagpapanggap sa totoo.
Napatingin siya sa dagat ng may mapansin na kumukumpay tila nalulunod. Napatayo siya at agad na tumakbo palusong sa dagat. Mabuti ay kahit sampong taon palang siya ay magaling na siya sa palangoy.
Sumisid siya at hinanap ang nalulunod. Nakita niya ito kaya nilapitan niya. Niyakap niya ang braso sa leeg nito patalikod at 'tsaka sila lumanggoy patungo sa pangpang.
Inihiga niya ito sa buhangin at 'tsaka niya tinignan. Isang batang babae. Hinawakan niya ang dibdib nito at pinump. Nagbilang siya ng pump at 'tsaka binuka ang bibig nito para bigyan ng hangin. Nagpatuloy siya hanggang sa ubuhin ito kaya tinigil na niya.
"Anak! Jusko!" napatingin siya sa mag-asawang humahangos na lumapit sa batang babae na umuubo habang nakahiga.
Tumayo siya at tinignan ang pag-aalala ng magulang sa bata. Aalis na sana siya dahil bigla siyang nakadama ng ingit.
"Hero." banggit ng batang babae. Tumingin siya rito at nakadilat na ito at nakatingin sa kanya.
Tumakbo siya dahil bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Nagtago siya sa likod ng puno at tumingin muli doon. Nakita niya na binuhat na ang batang babae ng ama nito. Bigla ay nalungkot siya sa pag-alis nito. Umalis siya sa pinagtataguan niya at lumakad palapit sa pwesto nito kanina. Naupo siya at tumingin sa dagat. Kumuha siya ng bato at binato sa dagat.
"I hate you! Hindi naman masaya 'pag nasa beach! Tapos gusto mo pang kunin ang bata kanina!" galit niyang sigaw sa dagat. Puro kalungkutan at panganib lang ang tumatak sa isip ni Damon sa dagat. Kaya pinangako niya noon na hindi na siya pupunta ng beach.
May nahawakan siya na isang bagay na akala niya ay bato. Tumingin siya sa kamay para alamin kung ano nga ba ang nadampot niya.
Isang ipit na pulang ribbon. Tingin niya ay sa batang babae iyon.. Tumayo siya at nilibot ang tingin baka mahanap pa niya ito. Pero naaalala nya na umalis na nga pala ito kasama ng magulang nito.
Naisip niya na tatlong araw pa sila sa beach. Kaya hihintayin niya baka bumalik muli iyon.
Pero lumipas na noon ang tatlong araw ng hindi na muling bumalik ang batang babae. Hindi niya na maibabalik ang ipit nito.
Hanggang sa mag teenager siya ay kipkip parin niya ang red ribbon pin ng batang babae.
Kasama niya si Peter, Erika at Celine noon ng mag-aya ang mga ito ng mag-swimming. Ayaw niya sana pero mapilit ang mga ito kaya sumama siya, pero hindi nalang siya lulusong sa dagat. Dahil simula nga nung bata siya ay ninais nalang niya maupo sa cottage at tignan ang pagsayaw ng alon.
"Damon! Nalulunod si Celine!" sigaw na tawag ni Erika. Kusang gumalaw ang mga paa niya. Naalala niya bigla ang batang babae kay Celine. Kaya dahil sa pag-aalala ay lumusong siya at sinagip si Celine. Dinala niya ito sa pangpang. Pinump niya ang dibdib nito at binigyan ng hangin. Pero nagulat siya ng hawakan siya ni Celine sa batok at halikan. Inalis niya ang kamay nito sa batok niya at tumayo siya.
Ang ayaw niya sa lahat ay ang niloloko siya para sa pansariling interest lang. Natitiyak niya na hindi si Celine ang batang babae noon. Nagpanggap lang ito na nalulunod. Hindi nalang sana niya kinuwento rito ang paghahanap niya sa batang babae.
"Napakababa mo para gawin iyon, Celine." galit niyang sabi kay Celine at tinalikuran ang mga ito. Iyon ang huling pagkikita nila at nila Peter. Dahil pinili niya na lumipat ng school..
"Damon, kailangan ko lang talaga ng tulong mo." nagbalik siya sa sarili ng magsalita muli si Celine.
"Leave." mariin niyang utos rito at tumingin muli sa papeles.
"Damon, may sakit ako.." mahina nitong sabi na kinaangat niya muli ng tingin.. Umiiyak na ito. "May sakit ako na isang nakakahiyang sakit. Adik na ako s*x at hindi ko alam paano magagamot. Alam mo ba nung high school palang tayo. Nung nasa beach tayo at nagalit ka dahil nagkunwari ako na nalulunod. Pinagsisihan ko na ginawa ko iyon.. Kaya naman hinabol kita pero hindi na kita nakita. Huli na nang mapagtanto ko na nasa liblib na lugar na ako nakarating.. Aalis sana ako pero may humarang sa akin na tatlong lalake. Nirape nila ako Damon. Pinagpasa-pasahan nila ang katawan ko. At hindi ko alam na doon pala ako magsisimula na magkasakit. Hiniling ko sa magulang ko na mag-ibang bansa kami. Para magpagamot. Pero hanggang ngayon ay narito parin ang sakit ko." umiiyak nitong pagkukwento..
"Hindi ko alam.. Sorry." nasabi nalang nya. Tingin nya ay kasalanan pa niya ang nangyari dito. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya rito.
Lumapit ito at nabigla siya ng yumakap ito. Aalisin sana niya ng humagulgol ito.
"Payakap lang saglit. Gusto kong ibuhos ang sakit na nadarama ko." sabi nito. Napahinga siya ng malalim at napatingin sa pinto. Nagulat siya ng makita si Venice na galit na nakatingin sa kanila. Agad niyang inalis ang yakap ni Celine at tumayo.
Napakuyom ang kamay ni Venice sa nasaksihan.. Nakita lang naman niya na magkayakap si Damon at Celine. Niloloko lang ba siya ni Damon o talagang may relasyon ang mga ito?
Kaya siguro ayaw siya paalisin sa mansyon ni Damon dahil may iba itong kalandian at sa mismong opisina pa nito.
Napatingin si Damon sa kanya na gulat na gulat. Gulat na gulat dahil nahuli na niya. Nahuli sa krimen..
"Hayop kayo! Manloloko! Matagal mo na siguro ako niloloko, Damon! Kaya pala ayaw mo akong paalisin--"
"Please, babe. Let me explain." Damon.
"Explain your face! Kitang-kita na ng dalawang mata ko tapos magpapaliwanag ka pa!"
Sa kabilang banda ay palihim na napangiti si Celine. Unti-unting tumatalab ang plano.
"Venice, walang kasalanan si Damon. Hayaan mo na ako ang mag-paliwanag." mahinahon na sabi ni Celine.
"Wow! Kelan pa nag-defend ang ahas sa kaluguyo? Hindi mo ba ipagtatanggol ang pag-ibig mo sa kanya? Sige, sabihin mo na may relasyon kayo. Promise hindi kita sasabunutan." tuloy-tuloy na sabi ni Venice habang inaalis si Damon mula sa pagkakayakap nito sa likod nya.
"Walang namamagitan sa amin. Sorry kung naging hadlang ako at lagi kayo nag-aaway ng dahil sa akin. Pero talagang nagsisisi na ako sa pinagsasabi ko noon sa 'yo. Niyakap ko lang naman si Damon para humingi ng lakas. Ayaw ko man ipagkalat pero kasi... may malalang sakit ako." sabi ni Celine.. Natahimik si Venice dahil bigla siyang nakaramdam ng awa. "Maupo muna tayo at ikukwento ko.. Ayoko naman na magalit ka kay Damon dahil sa maling akala." ngumiti ng plastic si Celine at naupo sa couch.
"Okay. Mag-usap kayo at ako naman ay tatapusin lang ang binabasa kong documents." naiiling na sabi ni Damon habang inaalalayan si Venice sa pag-upo. Grabe pala magbuntis si Venice. Tiyak niya na mas lalala pa ang paglilihi nito at hormones ng pagbubuntis nito.
Hindi inaasahan ni Venice na makakausap niya si Celine ng walang bangayan na nangyayari. Ikinuwento nito ang nangyari noong high school ito at si Damon. Napasinghap siya ng malaman na na-rape ito ng tatlong lalake. At ngayon daw ay may sakit na ito na hindi daw kailangan na mabakante sa s*x. Dahil para daw itong mababaliw 'pag wala no'n.
"Anong plano mo?" tanong niya rito.
"Wala. Dahil nakausap ko na ang doctor. Maaari daw ako mamatay dahil may ibang sakit daw ang dinulot ng mga lalake sa akin. Kaya nga nandito ako sa office ni Damon para may makadamay dahil kaibigan ko din siya. Sana ay 'wag mong masamain. Gusto ko lang na maging maayos ang pagkakaibigan namin bago ako mawala." malungkot nitong sabi at nagpahid ng ngilid na luha.
"Shh.. Shh.. Huwag kang mag-alala.. Gagaling ka din. Tutulungan ka namin ni Damon." naaawang sabi ni Venice. Nabigla siya ng yakapin siya ni Celine.
"Thank you." sabi nito na kinangiti nya. Bumitaw ito ng yakap at hinarap sya. "Pwede ba tayong maging magkaibigan?" alanganin nitong tanong.
"Sige ba." tugon niya agad at ngumiti.
"Talaga? Yes." nakangiting sabi nito. Tumingin siya kay Damon na nakatingin sa kanila na nakangiti. Ngumiti siya dahil maaari din palang maging kaibigan ang kinaiinisan niya at pinagseselosan niya.
Tumayo si Damon at kinuha ang bag nito. Bago lumapit sa dalawa.
"Let's go. It's lunch time, babe." aya ni Damon kay Venice.
"Isabay na natin si Celine, Damon. Baka hindi pa siya nagla-lunch." sabi ni Venice.
"Okay.." sagot ni Damon. Ayaw sana niya kaso si Venice ang may gusto. Tumayo na ang dalawa at inalalayan niya si Venice.
Sabay-sabay silang lumabas. Nagkwentuhan na ang dalawa habang siya ay nagmamaneho. Tahimik lang siya at may iniisip.
Huminto sila sa isang high class restaurant. Bumaba sila ng bigla tumunog ang cellphone ni Celine kaya napatingin sila rito.
"Opps! Sorry, guys. May importante nga pala akong gagawin ngayon. Sorry kung hindi na ako makakasabay na mag-lunch sa inyo." sabi nito.
"Ah, gano'n ba. Sige.. Siguro may susunod pa naman." sabi ni Venice.
"Oo naman. Gusto pa kitang makilala." nakangiti nitong sabi. Tumango siya at tinignan nila ang pagsakay nito ng taxi.
"Tayo nalang, babe. Mag-date nalang tayo." bulong ni Damon habang yumayakap sa likod niya. Agad naman siya umalis sa bisig nito, dahil baka sabihan pa sila ng mga nakakakita na masyado silang PDA.
"Tara. Gutom na ako." nakangiti niyang sang-ayon at humawak sa braso nito at hinila. Nangingiti na nagpahila naman ito.
Hindi niya alam bakit ang dami niyang inorder. Pero tinitignan lang naman niya ang mga inorder niya.
"Babe, kumain ka na. Huwag kang magpagutom." sabi ni Damon sa kanya.
Ngumuso sya. "Pero gusto ko lang silang tignan.. Nabubusog na ako 'pag tinitignan sila ng ganito." sabi nya at nilanghap ang amoy ng pagkain.
"Hindi ka mabubusog kung hindi ka kakain. Kakagaling mo lang sa sakit, gusto mo bang mag-alala ako?" sabi nito na kinailing niya.
"Hindi. Sige na nga." napipilitan siya at sumandok ng fish fillet na may graving. Nilagyan siya ni Damon ng gulay sa pinggan.
Sinimulan na niyang kumain at lahat ng makita nya ay kinakain niya. Hindi na nga niya naisip ang figure niya. Basta gusto niyang kumain. Para kasing hindi nabubusog ang tiyan niya. Palihim siya nadighay dahil sa kabusugan.
"Damon, rest room lang ako. Maghuhugas lang ako ng kamay." paalam niya rito na umiinom ng tubig sa tabi niya.
"Samahan na kita." sabi nito at tatayo na sana ng pigilan niya ito sa hita.
"Ako na. Ayan lang naman ng banyo, 'tsaka may ibang babae na nag-babanyo, gusto mo bang matakot sa 'yo?" sabi niya rito.
"Okay. Basta mag-ingat ka sa paglalakad. Tumingin ka sa daan baka madulas ka." bilin nito na kinangiti niya. Masyado naman atang oa sa pag-aalala ito.
"Opo. Makabilin ka naman para akong buntis na kailangan alalayan." iling-iling niyang sabi at tumayo na.
Tinungo nya ang banyo at napansin niya na wala nang masyadong tao sa loob ng banyo. Gumamit siya ng cubicle at pagkatapos ay lumapit siya sa faucet para maghugas ng kamay. Tumitingin siya sa salamin para tignan ang sarili ng may nakita siyang isang babae na lumabas ng cubicle. Buntis ito at tila malapit nang manganak.
Lumapit ito sa tabi niya kaya iniwas niya ang tingin dito.
"Miss, ilang months na ang tiyan mo?" tanong bigla ng babae na naghuhugas din ng kamay. Nabigla siya at tumingin talaga siya sa paligid kung siya nga ba ang kinakausap nito? Pero wala namang ibang tao kundi silang dalawa nalang.
"Ako?" naguguluhan niyang tanong. Tumango ang babae at ngumiti.
"Oo, ikaw. Ilang months na ang tiyan mo?" tanong muli nito.
Tinignan niya ang tiyan niya at nakita niya ang kabusugan niya..
"Hahaha! Hindi ako buntis kung iyan ang iniisip mo. Busog lang ako." natatawa niyang sabi.
"Hindi, buntis ka. Napansin ko ang pagkain mo kanina. At rinig din sa table namin ang pag-uusap niyo ng mister mo. Pareho tayo nung naglilihi ako. Parang gusto ko lang tignan ang mga pagkain sa hapagkainan. Tapos matakaw din akong kumain. At ang dighay mo at pag-iihi palagi ay isang sign na buntis ka." sabi nito.
"Hindi ako buntis. Lagi ko naman ginagawa iyong napansin mo sa akin." tanggi niya. Dahil paano siya mabubuntis kung nag-pipills siya. Pero teka! Nakainom nga ba siya nung huling pagtatalik nila? Hindi niya maalala kung uminom nga ba siya?
"Babe, tapos ka na ba?" napalingon sila sa lalake na tila tinatawag na ang babaeng kausap nkya.
"Maniwala ka. Buntis ka. Sige, maiwan na kita. Ingat ka." nakangiti nitong sabi at lumapit sa tila asawa nito. Todo alalay ang lalake sa maganda nitong asawa. Parang nakita na niya ang babaeng iyon pero hindi niya alam kung saan.
Napatingin siya sa tiyan niya kung totoo nga ba ang sinasabi nito. Nangangamba sjya na baka hindi niya nainom ang pills at totoo ang sinasabi ng babae.
Malalim ang iniisip niya habang palabas ng banyo. Nabunggo siya sa isang matigas na bagay kaya nagbalik siya sa sarili.
"Sabi ko sa 'yo mag-iingat ka, babe. Baka madulas ka at mapahamak--" hindi na niya pinatapos ito dahil may gusto siyang makumpirma na tila alam na ni Damon.
"Baka mapahamak ang nasa sinapupunan ko? Buntis ba ako, ha?" tanong niya rito. Napahinga ito ng malalim at niyakap siya.
"Yes, babe. Buntis ka. Sorry kung hindi ko agad sinabi sa 'yo. Dahil gusto ko na ikaw mismo ang makadiskubre sa sarili mo." humihingi nito ng paumanhin.
"Damon naman! Paano 'pag nakulong ako? Si Gret na naman ang maghihirap. Wala na nga sa kanya ang company niya, tapos tiyak na magmumulta siya 'pag nalaman ng Magazine na kumuha sa akin at ilang ineendorse ko na buntis ako. Baka magalit sila dahil masisira ang pangalan nila." nanghihina si Venice nang sabihin nga ni Damon na buntis siya.
"Shh.. Don't worry. Ako na ang bahala doon. Basta 'wag mo lang sasabihin na ayaw mong magkaanak tayo, hmm?" pagpapatahan ni Damon. Madali lamg naman ang pagsira sa contract. Ewan niya kung bakit takot na takot ang nobya niya. Kung 'yun lang ang problema ay kaya niyang solusyunan.. "Venice, you need to stop modeling. Please," pakiusap njya rito.
Kahit na napamahal kay Venice iyon ay kailangan na niyang huminto. Buntis na siya at magkakaanak sila.. Sabi naman ni Damon ay tutulungan siya nito.
"Okay." tugon niya.