Kapwang walang imik si Thalia at Hugo habang minamaneho ng lalaki ang asul nitong McLaren patungo sa lugar na napag-usapan nito at ni Leopold Arnold na magiging meeting place nila, ang AIS o Arnold Intelligence Agency na may kalayuan din mula sa Krasny Towers, ang condominium building na tinitirahan ng lalaki. Nakabuntot sa kanila ang dalawa pang McLaren na kulay asul kung saan nakasakay ang body double nilang dalawa, kung sakali man na may magtangka sa kanilang mga buhay.
Simula noong mamatay ang kanyang mga magulang, naging ugali na ni Thalia ang maging sobrang maingat, lalo na kapag lalabas siya o may pupuntahan. Wala siyang puwedeng pagkatiwalaan. Maski nga si Hugo, sa oras na traydurin siya nito, ay hindi niya pangingimian na—
“You’re silent,” untag ng lalaki na bahagya niyang ikinapitlag. Saglit siya nitong nilingon bago ito muling tumingin sa kalsada. “Look, I didn’t mean to interrupt you earlier. Ayaw ko lang na pinaghihintay ang kausap natin. Busy na tao si Mr. Arnold at confidential ang ibibigay niyang impormasyon. We can't let this opportunity slide.”
Thalia let out a deep sigh. “Hindi ako galit. Medyo masakit lang ang katawan ko dahil na rin sa bigla mong pagpasok. So, let me be at peace for a while or else I’ll be snarky.”
Hindi na kumibo ang lalaki ngunit nakita niya ang pag-angat ng kamay nito upang hawakan ang kanyang hita at masuyong haplusin iyon. Inalis naman iyon ng babae. Hindi niya nais na maging taksil sa lalaking naghihintay sa kanyang pag-uwi. Kahit naman may nagawa itong kasalanan sa kanya noon, may malaking parte pa rin naman sa kanya na nakakaramdam ng konsensiya sa tuwing nasasaktan niya ang lalaki.
Tumikhim na lamang si Hugo at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho nito, halatang nasaktan sa kanyang ginawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Thalia ang nararamdaman nito. Pero ayaw na niya itong paasahin. Mas nais niya na bigyan na ng hangganan kung hanggang saan lang ang kanilang relasyon.
Isa pa, wala na siyang oras sa pag-ibig. Kay Alonzo pa lang, ubos na ang oras niyang inilaan para roon at wala nang puwang para sa iba pa. Wala nang ibang natitira sa puso niya kung hindi paghihiganti at panghahawakan niya iyon.
“Here we are,” saad ng lalaki bago ipinasok ang sasakyan sa loob ng underground parking lot ng isang malaking supermarket. Bumaba sila at ilan sa mga tauhan niya naman ay nanatili sa loob ng supermarket habang sila naman ni Hugo ay dumiretso sa may counter ng sigarilyo at ipinakita ang isang maliit na business card ng IAS. Ipinadaan iyon ng clerk sa scanner at nang tumunog iyon at magkulay berde ay binuksan nito ang pintuan ng counter upang papasukin silang dalawa.
Idinikit ng clerk ang hinlalaki nito sa fingerprint at hinayaan na basahin ang mga mata nito ng isa pang scanner na nasa ibabaw niyon. Mayamaya pa ay dahan-dahang bumukas ang estante ng mga sigarilyo at tumambad sa kanilang paningin ang isang elevator. Sumakay silang dalawa sa loob. Pinindot ng clerk ang pinakataas na palapag ng gusali. Sa pagsara ng pinto ng elevator ay kasabay niyon ang pagtago ng pintuan niyon sa likod ng estante ng mga sigarilyo ng supermarket.
Nang muling magbukas ang pinto ng elevator ay bumungad sa kanila ang isang mahabang pasilyo. Na puro mga malalaking bakal na pinto na maaari lang mabuksan at maisara gamit ang mga identification card na katulad ng ginagamit nila sa kanilang mga opisina ni Hugo. Habang palinga-linga ay sinalubong sila ng isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo, na sa tantiya niya ay kasing-edad ni Hugo at Alonzo. Itim ang mga mata nito na kabaliktaran naman ng puting-puti nitong buhok. Ngumiti ang lalaki at nakipagkamay kay Hugo. Tinitigan lang ni Thalia ang kamay nito nang magawi ito sa kanya. Tila napahiya na binawi ng lalaki ang palad nito at tumikhim.
“It’s an honor to have you here in my intelligence agency, Miss Diaz—”
“Mrs. Romano,” pagtatama ni Thalia sa lalaki bago humalukipkip. “Please, let’s skip the chitchats. We are all busy people here.”
Nahihiyang ngumiti si Hugo sa lalaki bago ito tumikhim. “Pardon my partner’s attitude. She’s not in a nice mood right now. Please, lead the way.”
Sinundan nila ang lalaki nang igiya sila nito patungo sa opisina nito. Tahimik lang na nagmamasid si Thalia habang ang lalaki naman ay ngiting-ngiti kay Hugo. Hindi maintindihan ng babae ngunit kakaiba ang kutob niya sa lalaki.
Tila ba ang lahat ng ipinapakita nito sa kanila ay… peke.
“So, you’re here to ask for my top agent, Alpha,” umpisa nito bago naupo sa swivel chair nitong nasa harapan nilang dalawa ni Hugo. “Theodore Rufin was my top agent years ago. Now, the position’s currently vacant.”
“Was?” ulit ni Hugo. “Did he quit espionage? Is there any way for us to, well, contact him?”
Sumungaw ang isang malungkot na ngiti sa labi ng spymaster. “Sadly, I’m afraid you can’t. Alpha’s long dead.”
Nagkatinginan sila ni Thalia nang ilapag nito sa harapan nilang dalawa ang file ni Theodore Rufin, o mas kilala bilang Agent Alpha. Maliban kasi sa lokasyon kung saan natagpuan ang katawan nito, ang petsa ng pagkamatay ng lalaki ay kapareho ng kamatayan ng mga magulang ni Thalia. Nanlamig ang mga paa at kamay ng babae.
Mukhang marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
“His last mission was with Alonzo Romano of the Romano famiglia. I’m sure you’re well familiar with the man I’m pertaining to, Mrs. Romano. Why don’t you ask your husband what work the two of them do, on the eve of Alpha’s death?”
Alonzo
Kahit na hindi sabihin ni Thalia, kilala niya kung sino ang kumakatok na iyon. Lalo na at hindi naman tuluyang naibaba ng kanyang asawa ang tawag. He listened as she called Hugo’s name, as he answered. At kahit na hindi niya marinig nang maigi dahil na rin sa distansiya ng kanyang asawa mula sa laptop na gamit nito, iisa ang tiyak niya. Magkasama ang dalawa sa ilalim ng iisang bubong.
And God knows what else they are doing behind closed doors.
Sa tindi ng pagpupuyos ng kanyang damdamin ay binaltak niya ang posas na nakakabit sa kanyang kamay. Kaagad iyong nasira at bumagsak sa kutson. Sumunod na lumipad ang laptop niya. Tumama iyon sa pader at nagkadurog-durog. Mabibigat ang kanyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Halos mabunot na mula sa anit ang kanyang buhok sa tindi ng kanyang pagkakasabunot sa sarili. Ayaw niyang masaktan, ngunit bakit hindi niya magawang iwanan si Thalia? Bakit kahit na anong klaseng kasalanan pa ang gawin nito, patuloy niya pa rin itong tinatanggap at pinapaniwalaan?
He already saw this coming. And yet, he still… got hurt.
Bakit ba siya umasa na hindi kasama ng kanyang asawa ang lalaking iyon? Bakit ba niya inisip na gagawin nga talaga ni Thalia ang pangako nito sa kanya? He was stupid enough to believe. And stupider to find excuses for her.
Hindi naman siya tanga. Alam niya naman…
Alam na alam niya.
He sighed as he started to pick up the broken pieces of his expensive laptop. Kailangan pa naman niya iyon sa trabaho dahil hindi naman siya hinahayaan ni Thalia na lumuwas o magpunta sa opisina dahil na rin sa patong daw sa ulo niya na si Alessandro ang naglagay. Hindi siya makalabas nang walang kasama, at mas lalong pakiramdam niya ay para siyang lihim na itinatago ng kanyang asawa. Dinaig niya pa ang kabit.
At siya naman itong tanga na nagtitiis sa tira-tira.
“Sir, ayos lang po ba kayo?” humahangos ang tinig na tanong ni Teresa. Paika-ika itong pumasok sa loob ng silid at sinulyapan ang laptop na kanyang hawak. “Anong nangyari, Sir?”
Tipid lang siyang ngumiti at umiling. “Wala, Esay. I’m fine. Pakilinis na lang nito.”
Hindi napawi ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. Hinawakan pa siya nito sa braso upang sipatin ang kanyang kamay at pulso na may marka ng posas ngunit iniiwas niya ang kanyang sarili. “Sir…”
“Esay, huwag ka nang makulit. Sumunod ka na lang sa utos ko,” malumanay at nagpipigil na sabi niya.
“Pero—”
“Ang sabi ko, ayos lang ako! Bakit ba ang kulit-kulit mo?” bulyaw niya. Napasalampak si Alonzo sa kanyang higaan at nasapo ang kanyang ulo. “Look, ako na lang ang maglilinis. Magpahinga ka na lang sa kuwarto mo. And… Please come with me tomorrow. Punta tayo ng plaza. Kailangan ko ng panibagong laptop.”