Kabanata 26

3527 Words

ELLY "I'm sorry, Elly. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko..."hindi magawang mawari ng aking sarili ang nararamdaman nang marinig ko ang sagot na iyon mula kay Liam. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit, habang paulit-ulit lang din ang mga linyang iyon sa utak ko. Masakit. Ang sakit marinig na hanggang kaibigan na lamang ang maibibigay niya sa akin ngayon, na hanggang kaibigan na lamang ang matatanggap ko mula sa kaniya. Pero bakit? Bakit kaibigan na lamang ang kaya niyang ibigay sa akin? Wala siyang iba, ngunit hindi niya na ako kayang mahalin ng katulad dati. Hindi niya na ba ako mahal kaya nasasabi niya ito sa akin ngayon? "Biro lang, Elly. Naiintindihan kita, alam kong marami nang nagbago sa ating dalawa. Alam ko rin na malaki ang naging kasalanan ko noon sa 'yo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD