Nasagot agad ang tanong sa isip ni Soledad. Hindi niya magawang ngumiti habang kinakausap ng babae ang anak niya. She just stood there, without any emotion on her face. Mas mabuti na rin gano'n para hindi makita ang tunay niyang nararamdaman sa mga sandaling 'yon. Then the woman faced her. Mas matangkad ito sa kaniya lalo na naka-heels pa. Alaira looks so classy with her minimal jewelries and branded outfit. Ang kilos nito ay pino at kalkulado. She looks so womanly, someone who really suits to be Adi's partner. "Hi. You must be Soledad," nakangiti nitong saad at inilahad ang kamay sa harap niya. "I am Alaira." Tumango si Soledad at tinanggap ang kamay ng babae. "Nice to meet you, Alaira," tipid niyang saad. She didn't force herself to smile. Basta ay sibil ang dating niya, iyon ang ma

