Soledad's world stopped for a moment. She felt that it's already the beginning of their end. May nakakaalam na ng totoo, alam na ni Nana Rona ang lihim niya. She's aware that her secret will be revealed anytime soon, pero hindi niya akalain na ganito kaaga. Nagbagsakan ang luha ni Soledad mula sa mga mata niya. How could it end that fast? Ang saya-saya pa niya kanina sa piling ni Adi pero ngayon ay alam niyang katapusan na agad ng lahat ng 'yon. They just started... "Bakit mo pinasok ang pakikipagrelasyon kay Adi, Soledad? Mali ang ginawa mo. Kasalanan 'yon. May asawa ka ng tao," ani ng mayordoma at tila disappointed na disappointed sa kaniya sa paraan ng pagtitig nito. She shook her head. "Hindi ko mahal ang taong pinakasalan ko. Pinagkasundo lang ako roon, Nana Rona," lumuluhang pal

